Chapter39: The Winners

15 1 0
                                    

PRINCESS YVETTE POV

"Badtrip naman best! Antagal dumating ng kupal na cutevoice na iyon." Reklamo ko sa bestfriend ko na si Aya A.K.A  Ms. Ayah, siya ang co-founder ng clan at gf ng aming founder na si Mr.Yoso.

"Best easy ka lang diyan. Ang sabi ni hubby ay on the way na daw siya." Nakangiting tugon nito.

"Kainis ang ganyan na tao, paimportante!" Angal ko pa rin.

Tumawa siya.

"Haha! Best, napapansin ko parang ang init ng ulo mo kay cutevoice." Puna niya.

"Haynaku best! Nagtanong ka pa, eh alam mo namang hate ko ang mga hambog na tao."

Ang akala ko ay sa mga lalaki lang meron nito meron din pala sa lesbian. Kung alam ko lang ay hindi ako tutugon sa pangungulit ng bestfriend ko para sumali sa clan na ito.

Hindi nagtagal ay napansin namin ang isang pigura na bagong dating at tumungo kung saan naroon si Pau A.K.A Mr.Yoso.

"Baka iyan na si cutevoice." Nakangiting wika ni Aya.

Hindi naman ako nagsalita bagkus ay nagkunwari akong walang pakialam sa presensiya niya. Dumaan lamang siya sa gilid ng aking mga mata at hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya. Isa pa, wala akong balak na kilalanin siya.

Nang sabihin ni Pau na pwede na kaming umalis ay nag start na ang sasakyan.

Bumuntong hininga ako.

"Hay! Sa wakas! Makakaalis na rin."

After 3minutes ay nakarating kami sa harapan ng isang magarang bahay. Namangha ako. Napakaganda dito, tila isang palasyo.

Nakahanda na rin ang lahat. May mga magagarang mesa at silya sa bulwagan. May sound system at may videoke rin. Naaliw ang aking mga mata.

"Best, ito ba ang bahay nina Pau?"

Tumango ito sa akin.

Ngumiti naman ako. Balang araw ay magkakaroon din ako ng bahay na kasing ganda nito. Naisip ko habang nangangarap.

Niyaya ni Aya ang lahat.

"Girls tara na hanggat wala pa ang mga butch. Maghanda na tayo sa mga costume natin." Excited nitong wika.

Ang lahat naman ay tumango at excited rin na sumunod sa likuran namin ni Aya.

Dinala kami ni Aya sa isang guest room. Napakaluwang nito at ang ganda. Tila inihanda talaga ito para sa aming pagdating dahil mayroon nakahanay na anim na double deck at bawat kama ay mayroon mga nakatiklop na kumot sa ibabaw ng unan.

"Mag-ayos na tayo ng ating mga sarili dahil maya-maya lamang ay magsisimila na ang ating Party." Masayang announce ni Aya.

Ang lahat naman ay nag-ayos ng mabuti. Nagsuot ng kani-kanilang costume at nag-apply ng makakapal na make-up.

Samantala, ako naman ay hindi na nag-abala pang maglagay ng make-up. Magsusuot naman ako ng isang maskara. Kaya hindi na ako nag-abala pa. Sinuklay ko lamang at tinalian ang mahaba kong buhok at nagbihis na ako ng pang prinsesang costume.

Napansin kong namangha ang lahat ng makita nila ako. Makikita sa mga mukha nila ang lubhang paghanga.

Karamihan sa kanila ay gumanap bilang super hero, ang iba naman ay mga nakakatakot na uri ng ghost.

Sa lahat ay tanging ako lamang ang gumanap bilang isang prinsesa. Nakuha ko ang ideya sa aking mismong pangalan Princess Yvette. Hindi ko nakalimutan ikabit ang aking name tag sa tapat ng aking kaliwang dibdib. At maya-maya lamang ay handa na kaming lahat. Sunud-sunod kaming lumabas ng kwarto at nagtungo sa bulwagan. Sa pangunguna namin ng bestfriend ko na si Aya.

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon