Chapter30: Intense

436 13 3
                                    

"Oo nga pala Sassy, paano nga pala kayo nagkakilala nina Misty?" Tanong ni K-zel kay Sassy.

Pigil na pigil naman ang paghinga ko habang nakikinig lang sa kanila.

"Ah sila yung kinukwento ko sayo na kasama ko sa boarding house K-zel. Bakit? Kakilala mo din ba sila?"

"Oo naman Sassy kilalang-kilala, dahil yung sinasabi ko sayo na kasintahan ko ay walang iba kundi si Misty." Nakangiti namang sagot ni K-zel.

Pero dahil dito ay bigla namang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Sassy.

"Oh, it's nice to know that." Kunwari naman ay masaya niyang sagot sabay pakawala pa ng isang pilit na ngiti.

"Sassy, friend! Nakahain na kami. Papasukin mo na ang mga bisita mo para makakain na tayo." Tawag naman sa kanya ng isang pamiyar na tinig.

Alam kong tinitingnan nya kami ngayon isa-isa, kaya hindi ko magawang mag-angat ng paningin para salubungin ang tingin niya.

"Misty? Mahal ikaw nga!" Bulalas ni Aica nang makilala nya ako.

Dali-dali syang lumapit sa akin at niyakap nya ako ng napakahigpit.

"Hmmmp! Nagtatampo pa ako sayo. Ni hindi mo man lang ako dinalaw nung nakaraang linggo." Pag-iinarte niya sa akin.

"Aica friend? Si Misty ba yung sinasabi mo na love of my life mo?" Parang hindi naman makapaniwalang tanong ni Sassy kay Aica.

"Oo friend, si Misty nga yun. Magkakilala na pala kayo?"

Nagkatinginan na lang silang lahat na bakas ang pagkagulat sa mga mukha.

"Misty, a-anong ibig sabihin nito?" Nauutal na tanong ni K-zel sa akin.

"S-sorry K-..."

"Pak!"

Hindi ko na natapos pang sabihin ang paghingi ko ng tawad sa kanya dahil agad na dumapo sa mukha ko ang napakalakas na sampal na iyon.

"Manloloko ka! I hate you!" Galit na sigaw ni K-zel sa akin.

"Teka, sandali. Sino ka ba para sampalin ang mahal ko ha?" Kompronta naman ni Aica sa kanya.

"Bakit hindi sya ang tanungin mo kung sino ako?!" Galit na hasik niya dito.

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon