MISTY JANE POV
"Oh anak, napano yang labi mo?"
Salubong sa akin ni nanay."Ito po kasing si Shielo nay eh, inuntog ako." Sumbong ko.
"Anong inuntog ka dyan? Baka gusto mong upakan kita!" Si Shielo naman yun as usual.
"Haynaku, kayo talagang mga bata kayo. Para nanaman kayong mga aso't pusa." Sermon sa amin ni nanay.
"Eh sya po kasi eh." Sabay naming sambit ni Shielo habang nagtuturuan.
"Oh sya sige, wala naman ibig magpatalo sa inyo kaya kumain na lang tayo." Awat ni nanay sa amin.
Sakto naman dahil gutom na rin ako. Pagkatapos kasing gamutin ni Shielo ang sugat ko kanina ay dumiretso na kami dito sa bahay.
-----------
Kumakain na kami ngayon tapsilog ang inihandang agahan ni nanay at syempre hindi pwedeng mawala ang mainit na kape. Hehehe
Nang matapos kumain ay bati na kami ni Shielo. Syempre mga busog na eh. Haha
Bago sya umuwi ay pinaalala nya ulit sa akin yung assignment namin sa geometry. Nag oo na lang rin ako kahit ang totoo ay wala naman talaga akong balak gawin yun. Ayaw ko lang rin talaga na humaba pa ang usapan namin.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Alas tres na ng hapon kaya iginayak ko na ang mga gamit na dadalhin ko pauwi ng boarding house dahil maya-maya lamang ay nariyan na ang service naming jeepney.
Exact 5PM ay pumarada na ang service sa harap ng bahay namin. Dating gawi, umakyat ulit ako sa ituktok ng jeep kung saan naroon ang paborito kong pwesto. Syempre sa pinakaharap katabi ang bestfriend kong si Shielo.
Pagdating namin sa boarding house ay natuwa ako dahil ang magandang mukha agad ni Sassy ang nakita ko.
"Hello sa inyo MJ at Shielo." Nakangiting bati nya sa amin.
"Hi Sassy, narito ka na rin pala. Kumusta? Namiss kita ah." Tuwang-tuwang salubong ko sa kanya.
"Ok lang naman ako MJ, kadarating ko lang rin, halos magkasunod lang tayo." Sagot nya sakin.
"Ah mabuti naman at naisipan mong ngayon na rin magpunta rito?" Singit naman ni Shielo.
"Oo naisip ko kasi maaatrasado na ako pag bukas pa at baka hindi na ako makapasok sa umaga."
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomansSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...