Rated SPG po ang part na 'to. Pero kung gusto nyo pa rin basahin. Kayo po ang bahala. Hehehe. Enjoy reading guys. :)
-----------
MISTY JANE POV
Hindi ko na pinag-aksayahan pa ng panahon para alamin kung sino ang pesteng nang-istorbo sa amin ni Aica. Dumeretso na lang ako ng banyo para maghilamos at para rin kahit papaano ay mawala ang init na nararamdaman ko isama nyo na rin pati ang pagka beast mode ko dun sa kung sino mang poncho pilatong naging dahilan ng pagkabitin ko.
Maya-maya ay lumabas na rin ako mula sa banyo at tinungo ko ang daan papuntang salas. Nang malapit na ako ay narinig kong may kausap si Aica. Napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Ang malambing na tinig na yun, hindi ako pwedeng magkamali. Isang tao lang ang kilala kong nagmamay-ari nun! At para makasiguro kung tama ang hinala ko ay sumilip ako mula sa likod ng pader at napaatras ako dahil sa nakita ko. Waaaaaaah! Hindi nga ako nagkamali. Sya nga yun! Si Sassy! Pero ano namang ginagawa nya dito? Bakit sya naririto?
Gulung-gulo ako nang mapansin kong patungo si Aica sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong nagtago at tumakbo pabalik ng banyo. Maya-maya naman ay narinig ko ang mahinang katok nya sa pintuan ng banyo kung nasaan ako nagtatago.
"Mahal, nariyan ka ba?"
"Oo mahal narito ako. Ba-bakit?
"Matagal ka pa ba mahal? Bilisan mo, ipapakilala kita sa kaibigan ko."
"Naku mahal, some other time na lang siguro. Bigla kasing sumama ang tiyan ko eh. Baka may maamoy pang mabaho sa akin ang kaibigan mo, nakakahiya naman." Pagdadahilan ko.
"Ganun ba mahal? Uhmmm sige next time na lanh kita ipapakilala sa kanya. Paalis na rin kasi sya eh, dumaan lang daw talaga sya dito para kumustahin ako."
"Ok mahal, pakisabi pasensya na."
-------------
Nang masigurado kong wala na si Sassy ay saka lamang ako lumabas ng banyo. Hayyyyy! Mabuti na lamang at nakalusot ako.
"Mahal, ok na ba ang pakiramdam mo?" Si Aica yun na halata ang pag-aalala sa akin. Kung alam lang nya echos ko lang yung sinabi ko kanina para hindi nya na ako piliting ipakilala sa kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...