MISTY JANE POV
Tumakbo ako ng tumakbo papalayo sa bahay ni Camille at tumigil lang ako ng mangalay ang mga binti ko.
Humihingal akong napahawak sa mga tuhod ko. Sari-sari ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Pagod sa pagtakbo, lungkot ng nawalan, galit ng naloko at higit sa lahat ay pagkasawi dahil pakiramdam ko, sa larong sinimulan ko ay ako ang natalo.
Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. I think, kailangan ko ng makakausap ngayon dahil kapag wala akong nahingahan ng sama ng loob ay baka masiraan pa ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Shielo. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya ito.
"H-hello best?"
"Oh Misty, himala yata at napatawag ka? Anong atin?"
"P-pwede ba tayong magkita best?" Sumisigok ko pang tanong sa kanya.
"Best? Umiiyak ka ba? Anong nangyari sayo? Sige sabihin mo sakin kung nasan ka, pupuntahan kita."
Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako at maya-maya lamang ay nariyan na sya. Pinaharurot nya siguro yung motor niya dahil sa sobrang pag-aalala sa akin.
Hindi nya na pinatay ang makina ng motor nya at hindi na rin sya bumaba.
"Best, sakay na!" Utos nya sakin.
Umangkas naman ako sa likuran nya at hindi na ako nagtanong kung saan nya ako dadalhin. Pero sa daang tinatahak namin ay parang alam ko na kung saan ang tungo namin at tama nga ako dahil pagdating dito ay ipinarada nya na ang motor niya sa gilid.
"Best narito na tayo. Tara sa pwesto na yun, maganda ang view dun."
Hinila nya ako sa mataas na parte ng kababatuhan at naupo kami sa pinakamalaking bato at tama sya, napakaganda nga ng view dito.
"Ang sarap ng simoy ng hangin dito di ba?"
"Oo tama ka. Pero bakit mo nga pala ako dinala dito?"
"Naalala ko kasi, hindi ka rin marunong lumangoy di ba?"
"Oo, ano namang connect nun?"
"Baka lang kasi gusto mo ng magpakamatay, eh di itutulak na lang kita dyan sa dam."
Tiningnan ko naman sya ng masama dahil sa sinabi nya.
"Hmmmp! Bakit? Gusto mo na ba akong mamatay? Sabihin mo lang, tatalon na ako ngayon din!" Simangot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...