MISTY JANE POV
Tuwang tuwa ako nang marinig ko ang aking pangalan bilang isa sa mga nanalo ng best in costumed. At malinaw ko ring narinig na ang nanalo naman sa kababaihan ay si Ms. Pie. Ayos! Hindi nasayang ang effort naming tatlo nina Sassy at Shielo. Siguradong matutuwa ang dalawang iyon kapag nalaman nila ang naging resulta nito. Kumislap ang mga mata ko sa aking naisip.
Dali-dali akong tumayo at tumungo sa panig ni Ms. Pie at inialok sa kaniya ang aking kanang kamay. Paninindigan ko na ang pagiging mabuting ginoo para hindi na siya maasar sa akin. Saka ko na lang ulit siya aasarin pagkatapos ng araw na ito. Naisip ko.
Ang luwang ng ngiti ko nang tanggapin niya ito. Pagkatapos ay magkasabay kaming nagtungo sa entablado na magkahawak ang aming mga kamay. Tuwang tuwa ako, at ni sa panaginip ay hindi ko inasahang mangyayari ito.
Napakalakas ng hiyawan at palakpakan ng mga clanmates namin habang kami ay naglalakad ni Ms. Pie. At hanggang sa kami ay makarating sa itaas ng entablado ay patuloy pa rin sila sa paghiyaw. Feeling yata nila ay artista kami. Naisip ko na nagpaluwang ng ngiti sa akin.
Kasalukuyang nasa itaas din ang lahat ng mga admin ngunit kami ang nakagitna at katabi namin si Founder Mr.Yoso. Kinamayan niya kami kasunod ng mga admin na masayang bumati din sa amin. Habang sa ibaba ng entablado ay maroong isang camera man na patuloy lamang sa pagkuha ng larawan sa amin.
Pagkatapos ay nagsalita si Founder na ang luwang ng pagkakangiti habang nakatingin sa amin.
"Katulad ng ipinangako namin. Ang bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng tiglilimang-libong piso bilang premyo."
Dinukot niya ang dalawang sobre sa bulsa ng pants niya at iniabot sa amin ni Ms.Pie ang tig-isa nito.
Ang lahat ay tumayo at nagpalakpakan. Tuwang-tuwa din sila para sa amin ni Ms.Pie.
Pagkatapos ay pareho kaming pinagsalita ni founder, kung ano daw ang aming masasabi. Una niyang ibinigay ang mic. kay Ms.Pie. Kinuha naman niya ito at marahang nagsalita.
"Maraming maraming salamat una sa Panginoon, kasunod sa ating founder at sa mga admin. Maraming salamat sa pagpili sa akin bilang isa sa nanalo. Hindi ko ito in-expect pero nangyari. Kaya maraming maraming salamat sa inyo at sa lahat ng mga kapwa ko miyembro ng ating clan, mabuhay tayong lahat! Iyon lamang po ang aking masasabi. Maraming salamat!"
Clap! Clap! Clap! Palakpakan ng lahat.
Pagkatapos magsalita ni Ms. Pie ay ipinasa naman niya sa akin ang mikropono at ako'y nagsimula rin sa pagsasalita.
"Isang marilag na hapon sa ating lahat. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa ating Panginoon. Hindi lamang dahil sa ako'y isa sa nanalo sa okasyong ito bagkus ay mas ipinagpapasalamat ko sa kaniya dahil nakilala ko kayo."
Matapos ko itong sabihin ay nagpalakpakan at humiyaw ang lahat. Pagkatapos ay muli akong nagsalita.
"Kung ano ang sinabi ni Ms.Pie ay iyon din ang aking saloobin. Kaya wala na akong masasabi pang iba. Muli ay taos puso akong nagpapasalamat sa suporta ng ating mahal na founder, ng labat mga administration at ng mga kapwa ko miyembro ng clan na ito. Nawa ay maging kaibigan ko kayong lahat!"
Nang matapos kaming magsalita ni Ms. Pie ay isang masigabong palakpakan ang maririnig sa bulwagan.
"Muli ay binabati ko kayong dalawa." Pahayag ni founder.
"Pero bago kayo bumaba ng entabladong ito ay maaari niyo bang tanggalin ang inyong mga maskara. Nang upang sa gayon ay masaksihan ng lahat kung gaano kayo kaakit-akit sa inyong mga sariling paraan." Mungkahi niya.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...