(RATED SPG)
-----------
MISTY JANE POV
"Good morning mahal." Bati ko sa gf kong si K-zel pagkagising namin kinaumagahan. Good mood ako ngayon. Paano ba namang hindi? Eh nakadami ako sa kanya kagabi at nararamdaman kong malapit na din syang bumigay sa akin. Hehehe
"Uhmmmm mahal uuwi na ako ha? Sa bahay na ako magbi-breakfast, baka namimiss na ako ni nanay eh." Seryoso pero pabirong wika ko.
"Sige mahal ko, ingat ka ah. Text mo agad ako pag nakauwi ka na."
"Ok mahal." Maikling sagot ko. Hinatid nya na ako sa may labasan at humalik pa sya sa pisngi ko bago ako umalis.
Pagdating ko sa bahay ay naligo agad ako at nagpalit ng pambahay. Pagkatapos nito ay agad din akong nagtungo sa kusina dahil bigla namang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom nanaman ang mga dragon as usual. Hehehe
"Oh anak nandito ka na pala, nakaluto na ako ng agahan. Kumain na tayo." Si nanay yun habang naghahain sa mesa.
"Sige nay, nagugutom na rin ako eh. Nasaan nga pala sils Mikka at Mikko nay?"
"Ah sinundo ng kuya mo kanina, ipapasyal daw nya ang mga bata." Ang ibig nyang sabihin ay yung bayaw ko, asawa sya ng nag-iisang kapatid ko na ngayon ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Yung bayaw ko naman ay nagtatrabaho sa manila at paminsan-minsan lang umuuwe kaya si nanay ang nag-aalaga sa mga bata.
"Ah ganun ba nay? Sige kumain na po tayo."
Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan at tinulungan ko na rin si nanay sa mga gawaing bahay.
Nang matiyak kong malinis na sa loob at labas ng bahay ay pumasok na ako sa kwarto ko. Kinuha ko agad ang cp ko at nag text ako kay K-zel.
"Mahal, andito na ako sa bahay. Ingat lagi ha? Iloveyou." Message sent.
"Salamat mahal ko, ikaw din. Iloveyou more." Reply nya.
Hindi na ako nag-abalang magreply ulit dahil baka humaba pa ang usapan namin. Bagkus ay nagbasa na lamang ako ng mga unread messages galing sa iba pang mga chiks ko.
Aica(26)
Message1: "Mahal, nasaan ka?"
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...