Chapter23: Surprise Gift

163 9 0
                                    

MISTY JANE

"Sassy, mauna na kami sayo ha?" Paalam ko kay Sassy.

"Ok MJ at sis. Ingat kayo pauwi."

"Ingat ka din pauwi sis." Sagot naman Shielo sa kanya.

"See you on sunday guys." Kaway sa amin ni Sassy ng umandar na ang jeep na sinasakyan namin ni Shielo.

Friday na kasi ngayon. Oras nanaman ng pag-uwi namin sa baryo at oras ko din para madalaw ang mga girlfriends ko.

Dating gawi, kina K-zel muna ako ngayon, bukas naman kina Aica at sa sunday kay Camille naman ako.

Pagdating sa bahay ay binuksan ko agad ang cp ko para tingnan kung may nakaalalang magtext o tumawag sa akin. As usual ang dami nanamang misscalls at messages galing sa mga girlfriends ko. Ang swerte ko talaga dahil madaming nagmamahal sa akin.

Pero swerte nga ba talaga ako? Parang hindi naman eh, kasi sabi nga nila, kahit madaming nagmamahal sayo kung hindi mo naman mahal parang balewala lang rin dahil hindi ka rin naman magiging masaya.

Busy ako sa pagbabasa ng mga text messages nang biglang may sumagi sa isip ko at dahil yun sa message ni Camille. Naalala ko kasi na anniversary na nga pala namin sa linggo. Yun ang kagandahan ng pag-save ko ng monthsary day namin sa dulo ng pangalan nya at pati na rin ng iba ko pang girlfriends.

"Hmmmm, ano kaya ang pwede kong iregalo sa kanya?"

Parang wala naman akong maisip kasi kumpleto naman na yun ng gamit eh.

"Ah, alam ko na, isusurprise ko na lang pala sya. Sabado pa lang ng hapon ay pupuntahan ko na sya sa bahay nya tapos dun na rin ako magpapalipas ng gabi para magkasama naming sasalubungin ang anniversary namin."

Tama! Mas romantic pa nga yung ganun di ba? Tapos bibigyan ko na lang sya ng flowers and chocolates. Ang kaso nga lang ay wala pa naman akong pambili ng mamahalin sa ngayon dahil estudyante pa lang naman ako, kaya kahit isang rosas na lang muna siguro tapos tatlong snickers. Ok na yun! Sigurado naman ako na magugustuhan nya yun eh. Syempre, dahil ako mismo na pinakamamahal niya ang nagbigay. Hehehe

FAST FORWARD

Sabado na ngayon ng hapon at papunta na rin ako sa bahay ni Camille. Kila K-zel nga pala ako nanggaling kanina. Hindi ko kasi sya napuntahan kahapon dahil napagod ako sa pag-iisip. At isa pa, namimiss na rin daw kasi ako nila nanay at ng mga pamangkin ko. Ang kinalabasan tuloy ay hindi na ako nakapunta pa kina Aica. Pero ok na rin yun para makaiwas sa disgrasya. Baka kasi madatnan ko pa si Sassy doon, eh di lagot ako.

-------------

Narito na ako ngayon sa harap ng bahay ni Camille. Kakatok na sana ako pero naalala ko isusurprise ko nga pala sya. Paano pa magiging surprise kung kakatok ako di ba? Kaya naisip ko, mas maganda siguro kung sa kusina na lang ako dadaan para siguradong magugulat sya.

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon