SHIELO MAE POV
Ang bilis ng mga pangyayari sa araw na ito. Dahil sa isang iglap ay bigla na lamang nabuking ang lahat ng mga kalokohan ng bestfriend kong si Misty. May part sa pagkatao ko na naaawa sa kanya pero may part din naman na natutuwa rin dahil alam kong magsisilbing aral at leksyon naman ito sa kanya para hindi na rin nya ulitin pa ang mga kalokohang pinaggagagawa nya.
Narito kami ngayon sa boarding house namin at hinihintay ang pagtila ng ulan. Pero habang tumatagal ay parang mas lalo pa itong lumalakas. Maya-maya pa ay napatingin ako sa relo ko para tingnan ang oras. Alas dos pa lamang pala ng hapon pero parang gabi na dahil sa sobrang dilim ng kalangitan bunga ng malakas na ulan na sinasabayan pa ng malalakas na kulog at kidlat. Mas lalo tuloy akong natakot at dahil dito ay bigla na lamang akong napayakap ng mahigpit kay Misty. Nasa ganito kaming posisyon nang bigla na lamang mag brown-out.
"Misty." Naiiyak sa takot na sabi ko. Sabay subsob sa dibdib nya.
"Sssshh. 'Wag kang matakot, nandito lang ako." Bulong nya sa'kin habang hinihimas ang likuran ko. Kaya feeling ko tuloy ay safe na safe ako.
Mga 15minutes din bago nagbalik ang ilaw at noon lamang ako kumalas ng pagkakayakap ko sa kanya. Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin at nakita kong ngumiti sya sa akin pero taliwas naman ang nababasa ko sa kanyang mga mata dahil para itong nangungusap at mababakas dito ang matinding kalungkutan at pag-aalala.
"Best okey ka lang?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya.
"Oo naman best okey lang ako." Sagot nya habang ngumiti nanaman ng pilit.
"Asusss! Alam kong hindi ka okey. Hindi naman ako manhid para hindi ko yun maramdaman no. Hmmm."
Hindi sya nakakibo dahil sa sinabi ko, huli na kasi sya eh magdedeny pa.
"Eh bakit ka nga kasi naglulungkut-lungkutan dyan? Iniisip mo ba yung nangyari kanina? Kung yun ang iniisip mo, wag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat, trust me." Sabay kindat ko sa kanya. Ito lang yung way ko para kahit papaano ay mapagaan ko ang kalooban nya. At nakita ko namang effective dahil maya-maya lang ay biglang nagliwanag ang awra nya.
"Best, salamat talaga dahil narito ka. Kahit pasaway ako hindi mo pa rin ako maitapon." Pabirong wika nya.
"Asuss! Eh paano naman kasi kitang maiitapon kung alam kong wala namang pupulot sayo?" Ganting biro ko.
"Hmmp! Sa pogi kong 'to walang pupulot sakin?" Taas baba pa ang mga kilay nya habang sinasabi yun.
"Asusss! Ayan nanaman po sya sa pagyayabang nya!" Inis na sabi ko.
Pero maya-maya lamang ay bigla na kaming nagkatawanan. "Hahaha"Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang nalalapit kong pag-alis dahil next year ay sa manila na ako mag-aaral ng 4th year high school. Pero ipinagpaliban ko na lamang muna dahil alam kong malulungkot sya lalo pag nalaman nya, eh malungkot pa naman sya ngayon. Hmmp!
Dumaan pa ang mga oras at tumila na rin ang ulan. Quarter to 6pm na pala. Niyaya ko na si Misty para umuwi na kami sa baryo and after an hour ay nasa bahay na nila kami.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...