Malalim na ang gabi ng makababa ako. Madilim sa sala at kusena. Tulog na ang Lahat maliban sa amin ni Mike. Nakasunod si Mike sa akin, hawak ang phone niyang ginawang flashlight. Kung hindi ko pa Siya hinampas ay hindi Siya makakaramdam ng gutom. He switch the lights in the kitchen. Tumingin ako ng ulam nagbabakasakaling may pagkain doon na naiwan kanina.
Napanguso ako ng makitang wala. Kumunot ang noo ko ng kumilos si Mike at naghanap sa loob ng ref na iluluto. Nakaboxer lamang Siya. His muscles are showing up in every move. I can't help but stare at him. I let him prepare our dinner. Umirap ako ng maalala kung bakit nga ba late Kaming Kumain ng dinner. It's because of him.
Maingat ang bawat kilos Niya. Natatakot sigurong makagawa ng ingay dahil tulog na ang Kasama Namin sa bahay. Napapikit ako ng maalalang sunog nga pala ang niluto Niya kanina. Parang biglang nag init ang ulo ko sa alaalang iyon. Parang balak pa niyang pakainin kami ni Aiden ng sunog na pagkain! How dare he?
Masama kung tinapunan ng tingin ang kaniyang likod. Parang gusto ko siyang sabunutan at sampalin ng paulit ulit. Narinig ko ang malutong at maingat na tawa ni Mike. Tumaas ang tingin ko sa kaniyang mukha at nakitang nakatitig rin pala Siya sa akin. Pinapanood ang reaction ko. Aiden is probably sleeping peacefully right now.
"What?" Umarko ang Isang kilay ko.
Umiling Siya at ngumiti ng malawak. Tumalikod Siya sa akin pero hindi nakalampas ang pagkagat at pagpipigil Niya ng ngiti sa labi bago Siya tuluyang tumalikod sa akin at bumalik sa ginagawa Niya. Umirap na lamang ako sa nakita. Kapag ako talaga pinikon niya, lalayasan ko Siya!
"My wife is angry again..." He lick his lower lip.
Umirap ako at hindi na lamang nagkomento sa kaniya. Pinanood ko ang bawat galaw niya sa pagluluto habang hinihintay na matapos siya at nang makakain na kami. Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos rin Siya sa pagluluto Niya.
"Let's eat?" He ask and I just nod.
Siya na rin ang nagsandok ng pagkain ko sa aking plato. Hinayaan ko siya at hinintay na makapagsandok rin ng sa kaniya bago ako nagsimulang Kumain. Panay ang sulyap Niya sa akin at hindi ko alam kung bakit? Nakakailang dahil habang kumakain ako, nakayuko man ako ay napapansin ko ang panaka naka niyang sulyap sa akin.
Hinihintay ba Niya ang magiging komento ko sa niluto Niya? May mali ba sa mukha ko? May dumi ba?
"Stop staring." Mahinang wika ko.
"Ang sungit..." He chuckle.
Umirap lamang ako sa kaniya at binilisang matapos na kumain dahil nakakailang siyang panaka nakang sumusulyap sa akin. Naiilang akong Kumain. Halos Siya ay ayaw galawin ang pagkain na nasa kaniyang plato. Wala siyang Ibang ginawa kung hindi titigan ako matapos ko siyang sitahin.
"Why in hurry to eat, Aiko?" Malambing ang pagkakatanong noon sa akin.
Nilingon ko Siya at nakitang malamlam ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Naroon ang kakaibang kinang Niya na hindi ko alam kung Saan nagsimula. Hindi man Siya nakangiti ay napapansin ang saya sa mukha niya. Lumunok ako at nag iwas ng tingin bago sumagot sa kaniya.
"Bakit ka ba kasi nakatingin? May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa mukha ko?" May bahid nang inis ang tono ng boses ko nang magtanong ako sa kaniya.
Tumawa siya at umiling kasabay nang pagkagat Niya sa kaniyang ibabang labi. Naroon ang nanunuyang tingin Niya sa akin na hindi ko Malaman kung Saan nanggaling.
"Your so damn beautiful, Aiko. There's nothing wrong on your face." He chuckle again and stare at me.
Bumaba ang tingin ko sa aking plato na naglalaman ng ulam at kaunting kanin. Uminit ang pisngi ko at nakakahiya kapag napansin at nakita Niya iyon. Baka asarin lang Niya ako at kung ano ano pang tatakbo sa utak Niya kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Taming Aiko Laureen
RomanceMamaril Series #2 Laureen is a dean lister and she is always on the top. No one can beat her down to her thrown. She went to the party to celebrate her birthday party. She doesn't want to go there but her mother wants too. She wants to stay at home...