Chapter 29
LEO'S POV
Patapos na ang klase at ang inaantay ko nalang na mag uwian ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa kaya patago ko itong tinignan pagkabukas ko si Steph lang pala
"Bess saan ba kita aantayin?" Text nito
"Sa usual place nalang" sagot ko dito at tsaka itinago yung cellphone ko baka makumpiska pa kawawa ako Hehehe
"Ok class remember yung clubs opening ngayon magaganap kaya make sure na makaka attend kayo sa mga clubs niyo. Understand?" Pagpapaalala ni Sir
"Opo Sir!" sabay sabay nilang sagot at pagkatapos nagkanya kanya ng alis
"Ano Leo hindi kaba sasabay samin?" Tanong ni Jj
"Hindi eh... May pupuntahan pa akong importante" pagpapaalam ko
"Importante daw" rinig kong bulong ni Jj
"Sige na una na kami" sabi ni Lucas at kinaladkad si Jj
"Ano kayang problema nun?" Tanong ko sa hangin pero imbis na problemahin yun umalis nalang ako dahil kikitain kopa si Steph
Makalipas ang ilang minuto nakarating narin ako sa kitaan namin at nakita kona si Steph na kararating lang din pala
"Sakto lang pala yung dating ko" sabi ni Steph na hingal na hingal pa
"Oo nga kararating ko lang din" sabi ko habang nag kakamot sa ulo "akala ko nga nandito kana eh." Dagdag kopa
"Hahaha! inayos kopa kasi yung design" dahilan niya "Teka bakit nga pala Doraemon at tsaka para kanino yung cake nato?" takang tanong niya
"Hahaha may sosorpresahin lang ako" sagot ko dito
"At sino naman yan?" Malisyosong tanong nito
"Huwag kang ano! Hahaha. Bata lang yun tinuturing kong kapatid" dahilan ko dito
"Weh... Patingin nga" paninigurado nito
"Eto ohhh" Sabi ko sabay pakita ng litrato
"Teka si Xandrei ba'to?" Takang tanong niya
"Hindi si Jasser yan sumunod sa kanya" paliwanag ko
"Hala! mas kamukha mo siya kesa kay Xandrei!" Gulat niyang sabi "bakit kaya?" Takang tanong pa nito
"Aba malay ko heheh sige na nga baka matunaw pa yung icing ng cake" pagpapalusot ko dahil hahaba talaga yung usapan pag hindi kopa siya pipigilan
"Ok sige na nga mauna na ako may shift pa pala ako" pag sang ayon nito at tsaka nauna ng umalis, baka daw kasi ma late pa siya
Kaya nagbike na ako pauwi pero syempre dahan dahan lang baka kasi masira yung design at icing ng cake
Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako ng bahay pero pansin ko na parang may kanina pa sumusunod sakin hindi ko lang pinapansin kasi baka guni guni ko lang yun
"Yaya?"Tanong ko agad pagkauwi ko
"Oh... Leo nandyan kana pala si Manang umalis baka gabihin pa daw siya ng uwi, kaya ako nalang naghanda ng mga pinaluto mo" bungad sakin ni Yaya Lisa
"Ah... Sige po ate Lisa magbibihis lang po ako" pagpapaalam ko tsaka umakyat
Pagkarating ko sa taas doon ko lang naalala na dapat pala tinawagan ko rin si Kuya Albert. Nawala sa isip ko yun ah... Kaya dali dali kong dinial yung number ni Kuya Albert at sinagot din naman niya agad
"Hello po Kuya Albert? Asan kapo?" Tanong ko agad
"Bakit iho?" tanong agad nito
"Papahatid po kasi sana ako eh" paliwanag ki
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...