BEST FRIEND

81 3 0
                                        


LEO'S POV

"Anong ginagawa mo sa kwarto?" ko bungad ko sa secretary ng Lolo ni Kuya pero di ako sinagot kaya dumiretso nalang ako sa kwarto pag pasok ko nandun na pala yung Lolo ni Kuya. "Ano pong ginagawa niyo sa kwarto ko?" tanong ko agad na kumuha ng atensyon ng matanda

"Sayo lahat ng ito?" balik na tanong nito habang nakatingin sa mga Trophies and medals ko

"Opo pero dina yan nadagdagan kasi dina ako pinapayagan nila Daddy. Pati yung mga nasa baba... Akin din po yun lahat" sagot ko ng taas noo syempre kaylangan ko ipag malaki sarili ko "bakit po?" dugtong na tanong ko

"Wala may naalala lang" sabi nito tsaka umalis. kaya ginawa ko nalang yung gagawin ko para makapag almusal nadin ako, pagkakuha ko ng phone ko bumaba na agad ko

"Uyyy Lucas nandyan kana pala akala koba nahihiya ka?" tanong ko agad pagka upo ko

"Nakita ako ng Mommy sa kusina kaya pinaupo nako dito" pagpapaliwanag nito

"Ehhh nasan na si Mommy?" takang tanong ko dahil hindi ko naman nakita si mommy

"Nandito ako anak" sabi ni mommy habang lumalabas ng kusina

"Aga mo mommy ano meron?" takang tanong ko

"You'll find out soon" pangbibitin ni mommy

"Sus ikaw pa kilala na kita may bisita ka lang ehhh" pang aasar ko

"Meron nga pero hindi lang sakin pati ikaw meron" sabi nito ng naka ngiti

"Oo na sige na" nasabi ko nalang para makakain na kami ni Lucas kawawa naman tong bisita ko

"Leo eto na yung favorite mo ohhh" sabi ni Manang sabay baba ng longganisa sa harap ko

"Salamat po" sabi ko tsaka tinuloy yung pag lantak pero diko uubusin dahil andyan yung matanda may kahati ako

Patapos na kaming kumain may marinig kaming may nag doorbell

"Manang pakibuksan nga po yung gate" sigaw ni mommy

"Ok po Ma'am" balik na sigaw ni manang

Pagkalabas na pagkalabas ko nakakita agad ako ng isang napaka laking aso

"Hala bakit may malaking aso na dito kila Tita Ciara" banat nito

"Luhhh Tita Amanda anong pangalan ng bago nyong aso bakit ang laki tapos nag sasalita pa" pangbalik asar ko "Ayyyy Tita No Pets Allowed na pala dito gusto niyo itali niyo nalang siya sa labas?" dagdag kopa ng naka ngiti

"No Pets Allowed ehh bat nandito ka?" hirit parin nito

Siya nga pala si Josephine Jane Morales Jj for short nickname niya yun pero ako lang tumatawag nun kasi panglalaki daw nahihiya siya 17 mas bata siya sakin buwan January siya December ako Mabait, Maganda, marunong makisama, at higit sa lahat siya ang BEST FRIEND ko

"Ohhh sige mamaya na yang asaran niyo nakakarindi kayo kaka kita niyo pa lang yan agad naririnig ko" Iritadong pagpipigil ni Tita

"Aga aga kayong dalawa agad naririnig ko" biglang sabat ni Kuya diko alam na nandito na pala si Kuya

"Usapang aso to bawal makisali yung Alien" pang aasar ni Josephine kay Kuya

"Oyyy Asong may galis manahimik kana dyan dahil may iba kaming mga bisita pag pigil ni Kuya kay Josephine pati rin ikaw Leo andyan pa yung bisita mo ahhh wag kang pumatol sa
asong ginagalis mahahawa ka" pang sita nito na may halong pang aasar

"Ano kaba talaga naninita o nang aasar" napipikon na si Josephine kaya nagiging ganyan

"Hahaha tara na nga kumain na tayo iniwan na tayo ni Tita Amanda ohhh" sita ko sa dalawa dahil hindi talaga titigil yan hangga't walang sumisita

"Tara na nga diko maintindihan lenggwahe ng mga Alien" sabi nito tsaka ako hinila papuntang kusina

"Wag mo kong tahulan" pahabol ni Kuya hindi parin talaga sila natatapos

"Ohhh ano tapos na bangayan niyo?" Bungad samin ni mommy pagkapasok na pagkapasok namin nang kusina

"Kami tapos na sila ni kuya wag kana mag taka mommy" sagot ko nalang at sabay sabay kaming tumingin sa dalawa

"Oo na tatahimik eto kasing Alien na'to wala ng nagawang matino" sarkastikong sagot nito

"Sus ikaw titigil impossible tignan mo lahat sila tumingin sayo kanina pang aasar na naman ni kuya "Kasi alam nila ugali mo" dagdag niya pa

"Correction ugali niyo" pag tatama ko kay Kuya

"Magsi kain na nga kayo pag pipigil ni mommy pasalamat kayo wala Daddy at Tito Kris niyo kung hindi naka kulong na naman kayong tatlo sa storage room" pag papaalala ni mommy

"Speaking of.... Mars hindi pala makakapunta kumpare mo alam mo naman kung bakit" sabi ni Tita Amanda

"Oo kaya hindi mo rin makikita asawa ko" tsaka nagka tinginan "Hahaha...." sabay nilang tawa na parang mga may saltik hehehe ang bad ko sa mommy ko

"Ayyy may bisita pala kayo Leo sino siya?" pagpansin nito kay Lucas na pati ako nakalimutan kong nandito siya

"Ayyy oo nga pala si Lucas Classmate /Close friend" sabay lahad ng kamay nito "Lucas siya naman si Josephine Best Friend / Kababata ko" pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa

"Hello Lucas I'm Josephine 16 Cute Sexy Maganda at higit sa lahat Single" mahabang pagpapakilala nito

"Hi I'm Lucas 17 Single but not available Hehehe" nahihiyang sabi nito

"Hahaha ganun bakit inaantay mopa ako dapat hindi mona ako inantay dapat nagjowa ka muna habang inaantay moko yan tuloy No Experience ka" paga assume ng napaka kapal na mukhang Best Friend ko

"Ayyy iba na amo na nag aantay sa aso" pang aasar ni Kuya pero bago pa maka hirit best friend ko inunahan kona

"Ohhh wag kana sumagot nakaka turn off yung babaeng bungangera at maingay' pag pipigil ko dito

"Yang Alien na yan kasi akala mo kung sinong gwapo lahat naman ng niligawan binusted siya Hahaha" pag bawi nito

"Ok lang at least na try ko eh ikaw ni isa walang nanligaw sayo miski umamin nga wala pero dyan kay Leo mapa Babae at Bakla miski nga lalaki umaamin ehhh nag mumukha ka tuloy third wheel everyday" pag depensa nito sa sarili pero bakit pati ako nadamay

"Hoyyy kayong dalawa inaawat na nga kayo dinadamay niyo pa ako" pagsisita ko

"Eto kasing...." Hindi niya na natuloy sasabihin niya kasi sinenyasan ko siya na naka tingin si Lucas at yung loka kinilig

"Ohhh natahimik ka kasi may gwapong nilalang kana namang gustong mabiktima" pang aasar ni kuya kasi nahalata narin niya yung pamumula ni Josephine

"Oyyy Kuya papaalala ko lang sayo nandyan lolo mo mahiya ka nga" baling ko dito kaya ang loko ayun tinamaan ng reyalidad nagising ang hiya pero yung isa sa tabi ko kanina pa tahimik bakit kaya

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon