SORRY

119 3 0
                                    

LEO'S POV

"What??" sigaw ko ng makilala ko ang New Classmate namin.

"Yes Leo is there anything wrong?" tanong ni Sir at lahat napatingin sakin.

"Sure ka Sir siya talaga?"
paninigurado ko.

"Yes He is Deither Nicholas Alvanera your new classmate" pagpapakilala ni Sir.

"Of course sir kilala ko nayan matagal na kilalang kilala" sabi ko na may nanlilisik na mata.

"Oo ikaw kilala muna siya eh yung iba hindi pa so Deither pakilala kana" - Utos ni Prof

"Hello guys I'm Deither Nicholas Alvanera 18 from ***** Village where Leo lives and we're classmates too, Back in highschool and Elementary,and I'm his Bully, yes lagi ko siyang binu bully back in Highschool and Elementary days that's why he's mad at me and also I'm single" mahabang pagpapakilala niya at talagang isinama pa yung Elementary and Highschool days ahhh at kumindat pa ang loko nakakainis.

"Ok Deither seat next to Leo" sabi ni Sir na mas kinagulat ko.

"But Sir there's a space in the other row bakit sa tabi kopa?" pag angal ko

"Dahil ang available row nalang is yung row ng mga Girls" paliwanag ni Sir kaya Hands-down nalang ako may point siya ehhh kaya ang nangyari pinagigitnaan nila ako ni Lucas kung nagtataka kayo kung bakit ako ang mapapaggitnaan imbis na si Lucas ay dahil nag palit kami ng pwesto dahil hikain tong si Lucas kaya dun ko siya pinaupo sa tabi ng bintana.

"Oyyy ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lucas.

"Oo naman bakit?" Tanong ko.

"Wala parang maraming bumabagabag sayo eh" pagpapaliwanag niya.

"Ahhh wag ka mag alala ok na ok ako" sabi ko nalang kahit medyo magulo parin ang utak ko.

"Sabi mo ehhh" sabi niya at nakinig na kay sir diko namalayan nasa tabi kona pala yung isa sa pinaka kinabwibwisitan kong tao si Deither pero di naman umiimik kaya diko nalang pinansin hanggang sa.

"Hey Leo long time ahhh musta" aba ang loko nangamusta.

"Ok na sana kaso dumating kapa" sabi ko na medyo naiinis.

"Alam ko galit ka sakin dahil sa mga ginawa ko sayo noon" pag papatuloy.

"Wow may pakiramdam ka pala" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Sorry.... Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon Sorry kasi ikaw lagi napagtritripan ko kahit wala ka namang ginagawang mali sakin Sorry kasi naging Insensitive ako that time sorry talaga" sabi niya sa malungkot na boses kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko yung malungkot niyang mata na parang may luhang nagbabadyang bumagsak na kinagulat ko talaga ng sobra at naalala ko yung sinabi sakin ng Mama niya nung nalaman na ako yung lagi niyang binu bully.

Diko nalang siya pinansin at nag focus nalang sa topic then natapos ang time Recess na kaya nag handa na ako para bumaba ng biglang tinawag ako ni Ma'am Gemma.

"Leo favor pwede bang pakidala nitong mga gamit ko sa Faculty sa 2nd floor nagmamadali kasi ako ehhh Emergency lapag mo nalang dun sa lamesa sama mo nalang si Alvaner" mahabang pakiusap ni Ma'am Gemma at tila namumutla na sa diko malamang dahilan.

"Sige Ma'am pero saan po pala kayo pupunta? At namumutla din po kayo Ok lang poba kayo?" tanong ko agad na medyo nag aalala.

"Ahhh wala yan kinakabahan lang ako sige na bukas ko nalang sasabihin nagmamadali talaga kasi ako ehhhh" pagpapaalam ni Ma'am

"Ok po Ma'am" sagot namin ni Deither pero diko napansin na nasa tabi kona pala siya kanina pa.

"Ok sige salamat sa inyo una na ako" at umalis na talaga si Ma'am.

"Ano tara na para makapag recess pa tayo" sabi nito habang dala dala ang ibang gamit ni Ma'am Gemma.

"Ok sige tara na" sabi ko pero napapaisip parin ako bakit ako iniwan ni Lucas.

Nasa hagdan na kami pero wala paring kumikibo saming dalawa hanggang sa nasa tapat na pala kami ng pinto ng Faculty ng di namin namamalayan kaya agad akong kumatok at pumasok sabay patong ng gamit ni Ma'am sa table niya at umalis din agad, nang nakababa na kaming lahat lahat pero di parin kami nagkikibuan hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Uhhhmmm Leo pwede ba tayo mag usap?" Tanong niya ng makalabas na kami ng building.

"Ok sige anong pag uusapan natin?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Pwede wag dito dun tayo sa medyo private nakakahiya kasi ehhh" sabi niya na tila nahihiya sa ginagawa niya.

"Ok sige tara" at napunta kami sa isang mini garden sa likod ng building di naman kagandahan dun pero tahimik at payapa sarap mag cutting pag ganito tatambayan mo Hahaha.

"Ano palang pag uusapan natin" tanong ko pagkaupo na pagkaupo ko sa isang bench.

"Gusto ko lang humingi ng kapatawaran sa ginawa ko sayo" sabi niya ng naka yuko at di makatingin sakin siguro nahihiya na siya sa pinaggagawa niya.

"Alin dun marami ehhh sa pang babasa ng Uniform ko, Paninira ng Bag ko, Paglagay ng Bubble gum sa upuan ko, Sa pang mamaliit mo? saan dun madami kasi masyado dina mabilang sa kamay ehhh" sarkastiko kong tanong.

"Sa lahat lahat alam ko madami na akong nagawa sayo at maraming beses nadin kitang nasaktan at nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko kaya, Sorry" sabi niya.

"Ang Sorry ay para sa bagay na di sinasadya hindi sa mga bagay na paulit ulit na ginagawa ilang beses kona bang narinig yan galing sayo tatlo?, apat?, ay dina rin mabilang kasi lagi kang nasa guidance pero dika parin tumitigil kaya dina muli akong maniniwala sa sorry mo" sabi ko ng medyo may diin dahil sa galit at inis dahil naaalala kona naman ang mga bagay na gusto ko ng kalimutan.

"Oo alam ko at tanggap ko na dimo pa matatanggap yung sorry ko ngayon, kasalanan ko din naman  masyado akong nadala ng emosyon at lahat ng galit at inis ko sa bahay sayo ko nabubuhos kahit na wala ka namang ginagawa sa akin kaya pasensya na" saad niya.

"Hahaha pasensya halos dina ako makalabas ng bahay ng dahil sayo dina ako nagkaroon ng kaibigan mula Elementary hanggang Highschool ng dahil sayo tapos pasensya Hahaha kakaiba kadin tol iba ka" sabi ko at pumapalakpak pa.

"Diko naman talaga kasi sinasadya na sayo ko ibinubuhos lahat ng galit at inis ko may pinagdaraanan ako ng mga panahong yun kaya diko alam kung tama paba yung mga ginagawa ko" pagdadahilan niya

"Wow may pinagdaraanan Big word Hahaha bakit sa mundong to ikaw lang ba ang may pinagdaraanan Ha? ako din naman ah pero may narinig kaba sakin, May ginawa ba ako sayo huh?" sabi ko na medyo tumaas na yung boses "kaya wag mong idadahilan yang pinagdaraanan mo dahil wala payan sa pinagdadaanan ko" sigaw ko sa harap niya na medyo nagpagulat sa kanya.

"Alam ko kaya nga nandito ako ngayon para humingi ng tawad at bumawi sa lahat ng ginawa ko sayo I'm Sorry please kahit dimo muna ako patawarin ngayon basta hayaan mo akong bumawi sayo" sabi niya at bigla na lamang umiyak kaya pati ako nagulat dahil ang lalaking kilala sa pagiging bully noon umiiyak sa harap ko ngayon kaya kahit masama ang loob ko sa kanya bigla nalang lumambot kaya para patahanin siya yinakap ko siya para ma-comfort ko man lang siya para kahit papaano mabawasan yung saloobin na dinadala niya at pilit niyang tinatago.

****×****×****×****×****×****×****
Sorry for the late updates ko wala ehhh nabi busy kahit lock down daming inaayos kaya sorry po wag kayo mag alala may 2 updates pang paparating

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon