PHOTO ALBUM

91 3 0
                                    

chapter 15

LEO'S POV

"Sila nga yun" nasabi ko nalang sa sarili ko kaya dali dali akong pumasok para siguraduhin at kumpirmahin na sila nga yung nasa picture frame at di ako nag kamali sila nga sila yung magulang ni Kuya kaya dali dali akong lumabas at bumaba para kunin yung litrato na nahulog nung ibinaba namin ni Yaya yung ibang gamit.

Pag akyat ko ganun padin yung nadatnan ko ni isa sa kanila walang gumalaw para silang na istatwa.

"Oyyy ang yari sa inyo" sabi ko habang kumakaway sa harap nila.

"Leo di kaba natatakot dun sa multo?" Tanong ni Larry.

"Hahaha di naman kasi multo picture lang ng mga magulang ni Kuya yun" sabi ko habang tumatawa.

"picture ng mga magulang ko?!!!" Medyo nagulat sila sa sinabi ko lalo na si Deither dahil wala naman talaga siyang alam samin Hahaha.

"Mga magulang mo bro tara tignan" natin sabi ni Nate habang hinihila si Kuya.

"Teka kukuha lang ako ng bumbilya sa baba" sabi ko.

Pagbaba ko humingi agad ako kay Yaya ng Extra at buti nalang may naitabi sila.

Pag akyat ko kinabit ko din agad, ako lang kasi ayaw parin nilang pumasok nung ayos na tsaka sila pumasok pero hindi ko muna sila hinayaan na pumasok.

"Lilinisin ko muna" sabi ko sa kanila pero ang totoo titignan ko lang talaga yung picture na hawak ko tsaka yung nasa frame at di nga ako nag kamali pero ano kaya pangalan nila.

"Ano na Leo" biglang pasok ni Lucas.

"Ok na tawagin mona sila" sabi ko nalang sabay tago ng litrato.

"Ang ganda din pala ng secret room nato anong gagawin mo dito Leo" pagtatanong agad ni Nate pag pasok.

"Ahhhmmm diko pa alam ehhh" sagot ko nalang.

"Gawin mong Hide out Hahaha" komento ni Aldrin.

"Hahaha di ako adik katulad mo no" pang aasar ko.

"Hahaha na real talk ka no" Pangaasar ni Josh.

"Di nga Leo anong gagawin mo dito?" seryosong tanong ni Lucas.

"Ahhh gagawin kong computer room since malaki naman kasya yun dito" nasabi ko nalang.

"Oo nga para walang istorbo habang nanonood ka ng alam mona" pilyong sagot ni Aldrin "Hahaha pwede kadin gumawa ng milagro dito" dagdag pa nito.

"Hmmm puro kalokohan wag niyo itulad yung kapatid ko sa inyo" sabi ni Kuya na may halong batok sa dalawa.

"So sino yung nasa picture frame?" pag iiba ng topic ni Larry dahil malayo na nararating ng usapan.

"Ahhh tignan natin may pangalan akong nakita ehhh" sabi ni Deither.

"Saan patingin" sabi ni Larry.

"Ayan ohhh Cassandra and Jasper" sabi ni Deither sabay turo ng pangalan sa may baba ng litrato.

"Oo nga ibig sabihin tol yan yung mga tunay mong magulang" singit ni Aldrin.

"Oo nga tol pero bat ganun parang mas hawig ni Leo yung Mama mo" biglang komento ni Nate kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo nga no" pag sang-ayon ni Larry "teka lapit ka nga saglit sa picture Leo" agad naman akong lumapit.

"Oo tol mas kamukha niya parang pinaghalong mukha ng Mama at Papa mo si Leo siguro dyan siya pinag lihi" sabi ni Josh.

"Baka nga kasi ikaw para kang pinag lihi sa sama ng loob singsama ng mukha mo" pang aasar ni Aldrin kay Josh.

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon