TRIPLE DATE?

55 2 0
                                    

Chapter 31

LEO'S POV

"Iho may mga bisita ka sa baba" rinig ko pagtawag sakin ni manang habang kumakatok sa pinto sa baba

"Opo Manang... susunod napo" sagot ko kaya bumangon na ako pero bago pa ako makatayo ng tuluyan biglang pumasok sila Josh

"Wake up! sleepy head" sabi nito kaya napabangon talaga ako

"Labas muna kayo" sabi ko sa kanila

"Bakit nahihiya kaba? Wag ka mag alala sanay na kami" sabi naman ni Jj

"Pero..." Bago pa ako makasagot natapakan na ni Josh yung bed sheet kaya nahila pababa yung nakatakip sakin. Buti nalang naka kuha ako agad ng unan

"Oy... Leo bakit ka nakahubad!!!" Sigaw ni Jj

"Sino ba kasing nagsabing pumasok kayo!" sigaw ko pabalik sa kanya tsaka tumakbo papasok sa ginawa kong mini walk in closet pero bago ako tuluyang pumasok may sinabi muna ako

"Hoy... Josh wag moko pagnasahan" sabi ko dito at yung loko ngumiti lang ng nakakaloko kaya nag bihis na ako

Paglabas ko wala na yung dalawa bumaba na siguro kaya bumaba nalang din ako

Habang pababa ako ang dami kong naririnig siguro si Larry kasama rin namin pero hindi eh... Marami talaga kaya nagmadali na ako pababa

"Ohhh Leo nakaligo kana ba?" Tanong ni Lucas pagkababa ko. Napansin niya ako agad?

"Hindi pa nga eh... Bakit ano bang meron?" Takang tanong ko

"Aalis tayo hindi kaba sinabihan ni Josh?" Sagot ni Larry kaya mas lalo akong naguluhan

"Sinabihan ko siya kahapon bago ako umuwi" depensa naman nung isa

"Sinabihan mo nga ako pero hindi mo naman sinabi kung anong oras at kung saan pupunta" pagpapaalala ko

"Ay... Oo nga no sorry nagmamadali rin kasi ako kahapon" sabi nito at nag peace sign

"Ano pang hinihintay mo maligo kana aalis na tayo maya maya inaantay lang natin yung dalawa" pagmamadali sakin ni Jj.

Kaya no choice nako kung hindi maligo na agad. Dahil baka mamaya dumating pa yung dalawang inaantay nila ako lang yung inaantay.

Pagkalabas ko ng nagulat ako na nasa taas na rin sila Jj at nagiimpake ng mga gamit ko

"Oh... Ano yan? Bakit kayo nag iimpake ng damit?" Takang tanong ko

"Hindi ba halata? syempre aalis tayo" pamimilosopo ni Jj

"3 days 2 nights tayo dun" paliwanag naman ni Lucas

"Ehhh baka hindi alam nila Daddy magagalit yun" pagaalala ko

"Huwag kang mag alala pinagpaalam kana ni Mommy. Tsaka doon naman tayo sa Resort nila Lucas kaya ok lang yan" pagpapaliwanag ni Jj

Habang nagdadamit ako pinagmamasdan ko yung mukha nung dalawa

"Aalis nga tayo bakit nakabusangot yang mga mukha niyo" pangaasar ko sa dalawa at binigyan lang nila ako ng mga blankong tingin

Pagkatapos ko mag bihis bumaba na kami at ng makita ko sila Rico at Deither alam kona yung sagot sa tanong ko dun sa dalawa

"So anong meron? Bakit nandito rin kayo?" Tanong ko dun sa dalawa

"Bakit Baby ayaw moba akong kasama?? Pagpapacute ni Rico pero hindi ko siya pinansin dahil ng tignan ko si Lucas bigla itong namula.

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon