KISSES

60 2 0
                                        

Chapter 33



JJ'S POV


"BAKIT MO HINALIKAN SI LEO!!!" sabay sabay naming sabi

"Oh bakit bawal ba? Wala namang jowa si Leo diba, so walang magagalit, kahit ligawan kopa siya ngayon" sagot lang nito na parang walang nangyari pero si Leo hindi na mapigilan ang sa sarili sa sobrang inis
Hindi na siya nakapagtimpi, kaya walang sabi sabi sinapak nito si Thimoty sa mukha na nakapagpatumba dito bago tuluyang umalis

"Gago ka Thimoty!" Inis na sigaw ni Rico anong ginawa mo dagdag pa nito

"Oh bakit ano bang mali sa ginawa ko?" Maang maangang tanong ni Rico

"Anong mali? Lalaki din si Leo tapos hinalikan mo sa labi. Gago kaba?" banas na banas narin si Rico kaya lahat ng tao nakatingin na samin

"Heyyy Rico tama nayan tara na hanapin na natin si Leo baka kung saan pa mapunta yun at makagawa na naman ng bagay na hindi pinag iisipan" awat ko dito

"Tara na" sabi ni Rico at kinaladkad na si Lucas palabas

"Una na kayo hanapin ko lang sila Josh" sabi ko dito at umalis na sila

"Heyyy bakit ganyan kayo mag alala kay Leo malaki nayun kaya na niya yung sarili niya" sabi ni Thimoty na parang wala lang sa kanya yung mangyayari

"Hindi mo kasi alam ang mangyayari pag si Leo na ang nagalit. Oo kaya niya na nga sarili niya pero iba pag may halo nang galit, dina napipigilan" sabi ko dito at umalis na para hanapin sila Deither at sila Josh.

Nakarating nako sa Pool area pero hindi ko alam na sinusundan parin pala ako ng Thimoty nato.

"So ano bang mangyayari kapag nagalit si Leo?" pangungulit nito sakin habang naglalakad kami at iniikot ang buong pool area "Ohhh ano bang mangyayari?"

"Gusto moba talagang malaman?" Tanong ko dito

"Oo bilis sabihin mona" pangungulit nito

"Madali lang, May chance lang naman na makapatay si Leo. Satisfied?" seryoso kong sabi dito pero ang loko tinawanan lang ako

"Hahaha!!! nakakatawa ka Hahaha yung ganun kabait makakapatay" sabi lang nito habang tawa ng tawa kaya ako dumiretso nalang sa paglalakad hanggang sa makita kona sila Josh

"Josh!" Sigaw ko dito

"Oh bakit? Anong meron bakit mukha kang nakakita ng multo? aligagang aligaga ka dyan" Pabirong tanong nito

"Hindi multo, Halimaw" Sabi ko dito "Si Leo... Nagalit na naman tapos nag walk out " dagdag kopa dito at si Josh naman ang namutla ngayon

"Asan na? Ano pang hinihintay niyo habulin niyo na baka mapaaway pa yun" utos sakin ni Josh

"Bakit ba big deal sa inyo na nagalit si Leo?" natatawang tanong nito

"Manahimik ka nalang pwede ba" sabi ko dito dahil ang kulit kulit sinabihan na nga kanina di naman naniwala

"Tara na Jj baka nakalayo nayun" pag aaya sakin ni Josh kahit nakatapis palang siya ng tuwalya at basang basa pa

"Magpalit ka muna Josh baka lamigin ka nyan" nag aalala kong sabi dito

"Wag kang mag alala sakin, alalahanin mo si Leo baka makabangga na naman ng lasing yun o kaya ng mga taong mapang trip siguradong dina mapipigilan yun, lalo pa ngayong wala si Geo "paliwanag niya. and he has a point

"Oh eto suotin mo muna" sabi ko sabay abot ng jacket ko na hindi naman niya tinanggihan

THIMOTY'S POV

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon