NEW CLASSMATE

65 4 0
                                    


LEO'S POV

Monday na matapos ang mahabang pahinga kahit hindi naman talaga ako nagpahinga, balik eskwela na naman pero OK na yun kesa naman sa bahay lang hindi naman pwedeng lumabas at least pag nasa school bago umuwi pwede ka pang dumaan kung saan saan. Like dun sa Favorite kong Park sa River bank. Presko, malamig ang simoy ng hangin, masaya ang aura, marami ka pang pwedeng gawin. Kaya minsan pag nandun ako nakakalimutan ko yung oras kaya ako ginagabi layo pa naman sa bahay namin yun, hindi lang isang sakay dalawa pa, kaya minsan parang ayaw kona rin umuwi pag andun ako ehhh.
Back to reality nandito ako ngayon sa terminal ng tricycle hindi para sumakay kung hindi para antayin si Jasser at di nga ako nagkamali dahil kararating lang nito at pasuraysuray pa kung maglakad, kaya medyo natuwa akong pagmasdan siya, hindi nagtagal napansin din niya ako agad

"Kuya!!!" sabi nito sabay takbo papalapit sakin

"Ohhh mukhang miss na miss na ako ng Baby bro ko ah" sabi ko naman habang ginugulo ko yung buhok niya

"Na miss kita eh bat ka nawala? wala na tuloy nag hahatid sakin papasok" pagpapaawa nito

"Ay nakalimutan ko palang sabihan yun baby boy ko. Wala kaming pasok ng isang linggo kaya wala ako. Sorry baby boy" paghingi ko ng paumanhin syempre na guilty din naman ako baka inaantay niya ako araw-araw tapos nalelate pa dahil sakin

"Ok lang kuya akala ko nga may sakit ka kaya dika pumapasok" sagot naman nito na may ngiti ewan koba naku cutetan ako sa batang to

"Ok sige para makabawi si Kuya sa sabado aalis tayo, gala tayo punta tayo ng Park. Tuturuan narin kita mag bike Ok ba!" Pagbawi ko nalang sa kanya

"Ok po Kuya sige!" Sagot nito na tuwang tuwa

"Ok sige tara na nang hindi kana malate" pag aaya ko dito kaya iniangkas kona siya agad sabay bigay ng helmet ko sa kanya

SOMEONE'S POV

Teka ito yung nagpahiya sakin sa hagdan ah nakita narin kita humanda ka sakin sa eskwelahan magsisi ka

"Uhm... Sir aalis napo ba tayo? Tanong ng driver

"Sige iandar mona may aasikasuhin pa ako. Kaya dalian mo mag drive" pagmamadali ko

"Sige po Sir" Driver

LEO'S POV

"Uy... Leo bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Lucas

"Oo nga dumaan ako sa inyo kanina nakita kong paalis kana. Bakit ngayon ka lang?"  Sabat naman ni Deither

"Ah. May dinaanan lang, masanay na kayo araw araw naman na akong ganito eh" palusot ko nalang

"Okay... Sabi mo eh. Teka may announcement daw si sir eh ano ba yun?" Tanong ni Deither na nagpa curious sakin

"Diko nga din alam eh" sagot naman ni Lucas kaya nanahimik nalang ako dahil wala din naman akong makukuhang sagot sa kanila

Wala pang ilang minuto dumating na si Sir pero di agad siya pumasok mukhang may kinakausap pa sa labas kaya ang tagal pero syempre pabor naman samin yun kaya hinayaan nalang namin hanggang sa matapos sila pumasok din agad si sir

"Ok class i have good news and bad news for you all." Sabi ni Sir na nagpa curious sa aming lahat. "Ok una may new classmate kayo and mamaya papasok narin siya pero for now pinapunta ko muna siya sa ibang professors niyo para mainform sila sa pag pasok niya, And the bad news is yung iba sa inyo na nagpa reserve ng dorm rooms hindi muna lahat magkakaroon ng dorm kasi yung isang building lang ang binigay sa Juniors yung isa sa Senior at sa dami ng gusto mag dorm napuno agad kaya hindi lahat nabigyan. So to confirm na may room na kayo may ipapaskil sa bulletin board pag nandun yung names niyo pumunta nalang kayo dorm heads niyo doon ibibigay yung rooms niyo. Got it?" Mahabang paliwanag ni Sir

"Ok po sir!!!"  Sabay sabay na sagot nila halatang excited ako lang ata ang hindi kumuha ng dorm

"Sino kaya yung roommate ko" excited na tanong ni Lucas sa sarili niya

"And by the way class sa boys lang nagkaroon ng alanganin dahil yung sa mga girls all settled na. So girls you didn't have to worry, to tell you honestly may mga available rooms pa nga eh. So chillax dahil mga classmates niyo din naman ang roommates niyo eh." Dagdag ni Sir

"Sir paanong yung sa babae madami pang available rooms habang sa lalaki konti lang?" Biglang tanong ng kaklase ko

"Oo nga Sir" sabat naman ng iba

"Kasi sa Girls apat sila na maghahati hati sa room at di hamak na mas malaki yung dorm nila. Habang sa boys naman dalawa lang ang maghahati para iwas gulo" pag papaliwanag ni Sir

Kaya tinanong ko agad si Lucas "Lucas hindi ba Kuya mo kasama mo sa dorm?

"Ay....dika ba nakikinig hiwalay ang dorm ng Senior sa Junior ok" pagpapaliwanag nito pero imbis na mabasag ako sa sinabi niya nakatikim pa siya ng batok

"Papaalala ko lang sayo 2nd palang sila Kuya pati Kuya mo kaya malamang sa iisang building lang kayo" pagpapaalala ko

"Nakalimutan mo ata si Josh malamang sila ni Kuya magkasama sa dorm no" pagpapaliwanag niya sabagay may point siya dun

"Teka ikaw Deither?" tanong ko naman sa nanahimik sa gilid dahil busy sa cellphone niya

"Di ako nag dorm malapit lang naman yung bahay siguro by next year o kaya pag third year nako" sagot nito ng hindi man lang tumitingin samin kaya "Ok" nalang ang naisagot ko

Habang naglelecture si Sir ng may kumatok sa pinto kaya lahat ng atensyon napunta dun

Habang nag uusap sila rinig na rinig yung boses nila

"Opo Sir pumayag napo silang lahat basta pagbutihan ko lang daw po ayaw daw po nilang madisappoint sakin" sagot ng kausap ni Sir na parang pamilyar na sa akin ang boses parang kilala kona kung sino yun kaya biglang may sumibol na ngiti saking mukha na napuna naman agad ng mga katabi ko

"Oy... para kang nanalo sa lotto sa ngiti mong yan ah" sabi ni Lucas habang kumakaway sa harap ko

"Oo nga nagde day dreaming kaba? O baka naman nababaliw kana" pang aasar naman nung isa

"Hindi ba pwede maging masaya dahil kilala kona kung sino yung bagong estudyante na papasok sa room natin" pagpapaliwanag ko

"Wow kilala agad hindi pa nga nakikita yung mukha" pagpuna naman ni Lucas at nagulat kami ng biglang tumayo si Deither at lumipat ng upuan yung pinaka malapit na sa bintana

"Oy... Nababaliw kana rin?" takang tanong parin ni Lucas

"Kilala kona yan" Sagot naman ni Deither yan lang naman ay walang iba kung hindi si

"JOSEPHINE JANE MORALES" sabay naming sagot ni Deither

"Huh talaga ba si Jj yan kilalang kilala niyo talaga yung boses ng isa't isa ah" sabi naman ni Lucas na natatawa. Miski ako napangiti ng bahagya ng malaman kong magiging classmate kona naman yung Best friend ko at pumasok ulit si Sir

"Tama na nga yan makinig nalang muna tayo kay Sir baka mamaya may idadag pang importanteng announcement dipa natin alam" medyo cold na sabi ni Deither pero tama naman siya sa sinabi niya

"So Students ang mamimili ng magiging Prince and Princess ng Faculty natin is yung mga Seniors niyo. So... baka bukas magpapatawag sila ng meeting of Junior students. which is you guys para hanapin ang lalaban so be prepared ok" paglilinaw ni sir

Pagkatapos sabihin yun ni Sir lumabas siya ulit para tignan siguro si Jj

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon