ATTIC ROOM

90 2 0
                                        

LEO'S POV

Mag iisang linggo na mula ng umalis ako sa bahay pero di parin nila ako sinusundo ibig sabihin pabor pa sa kanila na umalis ako tssss, Sunday ngayon at kakauwi lang namin ni Ninang galing simbahan kaya ngayon eto ako nakatambay sa mini library nila Ninang nag babasa ng Harry Potter season 4 Goblet of Fire kahit napanood kona buong Series from Sorcerers stone hanggang Deadly Hallows 2 gusto ko parin basahin yung Book mas detelyado kasi habang nag babasa ako naka Headset ako tapos Sound Proof pa yung room kaya sure na wala ka talagang maririnig sa labas yun yung maganda dito sa room kaso bawal mag dala ng pagkain.

Habang nagbabasa ako bigla akong kinalabit ni Ninang "Bakit po Ninang?" tanong ko agad sabay baba ng Headset ko

"May gustong kumausap sayo sa baba" sabi ni Ninang Ally

"Ok po Nang una napo kayo susunod ako aayusin ko lang yung mga nagamit ko" sabi ko at agad namang umalis si Ninang

"Pagkababa ko nakita ko agad si Mommy habang kausap si Ninang sa sala at ng mapansin niyang paparating nako ako agad siyang tumayo at sinalubong ako

"Anak uwi kana miss kana ni Mommy mo" pangungumbinsi ni Mommy

"Eh bat ngayon niyo lang ako sinundo?" Tanong ko agad kay Mommy

"Nagkaroon kasi kami ng Daddy mo ng pagtatalo hanggang sa bumigay siya at ako ang nanalo" pagpapaliwanag ni Mommy

"Tungkol saan naman yun Mommy?"

"Ahhh ikaw na bahalang pumili ng kwartong lilipatan diba may available 3 rooms pa naman so ikaw na bahala pumili sa tatlo" sabi agad ni Mommy

"Pero wala sa tatlong yun ang gusto ko" sagot ko agad

"Saan ba gusto mo" pagtakang tanong sa akin

"Sa Attic po" walang pag iisip kong sagot

"Bakit naman duon anak ehhh tambakan yun?"

"Kasi nga po malawak malaki kaya gusto ko dun since may extra room naman sa baba pwede natin gawing bodega yun Mommy basta akin yung Attic" pangungumbinsi ko

"Ok sige sasabihin ko sa Daddy mo ano tara na" pag sang-ayon ni Mommy

"Ok po Uhmmm Ninang Thank you po ulit ahhh" pag baling ko kay Ninang Ally

"Wala yun ikaw pa eh parang anak kana namin basta pag may kaylangan ka tawagan mo lang kami ni Ninong Jason mo o kaya puntahan mo nalang ako" sabi ni Ninang

"Sige pooo" sabi ko sabay yakap

"Sige na ayusin mona mga gamit mo may pasok kapa bukas" sabi ni Ninang sabay kalas sa pagkakayakap ko sa kanya

"Sige po babalik po ako agad bibisita ako pag nandito na si Ninong Jason"
Sabi ko

"Hahaha ok sige sige" ang nasabi nalang ni Ninang sa kakulitan ko

Pagkaimpake ko umalis kami agad ni Mommy dahil marami pang aayusin sa lilipatan kong kwarto habang nasa byahe tahimik lang ako kasi kaylangan ko mag ipon ng lakas para mamaya sa pag aayos ko lalo na ang dami pang lilinisin pag kadating na pag karating namin sinalubong agad ako ni Manang ng yakap na para bang siya yung tunay kong ina Hahaha

"Manang naman para namang isang linggo lang ako nawala miss na miss mo naman ako agad" pang aasar ko kay Manang

"Syempre nasanay ako eh" pag dadahilan niya

"Ay Manang pwede mopo ba akong tulungan ibaba yung mga gamit sa Attic" sabi ko ng maalala ko yung pag lilipat ko ng kwartong tutulugan

"At saan naman ilalagay" tanong niya

"Sa kwarto niyo po" sabi ko at nagulantang naman si Manang sa sinabi ko "Hahaha joke lang po sa bodega lang ilalagay" at nahimasmasan naman si Manang

"Hayyy nako kang bata ka aatakihin ako sayo ehhh o sige tara na para matapos tayo agad" pag aaya nito dahil hapon narin

Pag akyat namin kinuha ko agad yung susi ng Attic pag bukas ko nagulat ako sa sobrang kalat "mahaba habang linisan ang gagawin namin ngayon ahhh" sabi ko sa isip ko kaya dali dali kaming umakyat ni Manang. Kami lang munang dalawa kasi si Yaya Lisa mag luluto pa ng hapunan pero sabi niya pag katapos naman daw niya tutulungan niya na kami, si Kuya Albert naman yung driver ni Mommy tutulong din daw pag balik ihahatid niya lang daw si Mommy sa Company nila Daddy tapos kay Daddy na sasabay si Mommy pauwi kaya matutulungan niya pa kami si Mr Carter at yung Secretary niya wala daw kasi may Business Meeting daw Out of the country kaya sa Tuesday pa ang balik

"uhmm yaya Lisa bago kapo umakyat pwede pakitiklop muna nung carpet kasi baka madumihan ehhh mahirap pa naman mag laba" sigaw ko sa baba as if naman nag lalaba ako Hahaha pero nag lalaba naman talaga ako tinuruan ako ni Manang mag kusot kasi nga daw baka one day bumukod ako kasi gusto ko maging independent kaya lahat ng gawaing bahay tinuro na sakin ni Yaya at Manang

Tapos tsaka ko kinuha yung phone ko para i text si Kuya Albert

To Kuya Albert

Kuya pwede poba pag pabalik na kayo daan po muna kayo sa Hardware store bili po kayo ng tig-isang balde ng Black and White na pintura paki abunohan muna papabayaran ko nalang kay Mommy pag uwi niya po Thanks

From Leo

Pag ka send ko tinulungan kona agad si Manang sa pag aayos wala naman masyadong iba-babang mabibigat kasi yung mga estante gagamitin ko for my Trophies and Medals

"Leo tignan mo ito ohhh paborito mong laruan ng bata kapa yung mga Stuffed toys mo" pag tawag sakin ni Manang

"Oo nga po mga regalo pa sa akin yan tuwing umuuwi si Mommy at Ninang Ally galing out of town trips nila" sabi ko ng makita ko muli yung mga laruan ko

"Ohhh may mga laruan din ng kuya mo puro ayos pa walang sira bagong bago sayang to kung itatapon lang" sabi ni Manang na medyo nanghihinayang sa mga laruan na itatapon na dahil wala naman ng gagamit

"Ahhh alam kona Manang lagay mo muna sa isang karton may pag bibigyan nako" sabi ko ng maalala ko yung Little Brother ko na si Jasser Jasser real name niya sabi niya kaya daw yun yung pinangalan sa kanya dahil katunog ng pangalan ng Papa niya

"Ahhh ok sige sayang naman kasi kung itatapon ibigay mo nalang" pag sang ayon ni Manang at inilagay lahat ng laruan sa isang karton at hindi pa nag kasya doon lahat kaya dalawang karton yung ginamit namin pag katapos namin ayusin yung mga laruan saktong pag akyat naman ni Yaya

"Ohhh anong maitutulong ko sa inyo" pag tatanong ni Yaya pag akyat niya

"Ahhh Yaya paki babad po nung mga Stuffed toys ko idi-display ko nalang pag lipat ko ng kwarto" pakikisuyo ko

"Osya sige lalabhan kona rin bukas para pag lipat mo tuyo na at ilalagay mo nalang" pag sang ayon nito sabay dampot ng tatlong karton na puro stuffed toys ko ang laman

"Sige po Thanks Yaya"

Pag alis ni Yaya nag ayos na kami at ibinaba na yung ibang gamit na diko naman kakailanganin at nilagay sa bodega sa totoo lang di naman talaga siya bodega kaso dahil natambakan narin ng mga lumang gamit like Christmas, New Year, and Halloween display kaya nag mukha nading bodega kaya dun ko nalang inilagay yung mga gamit na galing sa Attic

Pero may isang picture ang naka agaw pansin sakin parang picture ni Daddy at Mommy may kasama silang mag asawa din at ng tignan ko ng mabuti yung litrato nakita ko yung kapatid ni Daddy at yung Babae bakit parang kahawig ko siya lalo na sa mata???

PAST IS PAST (BXB)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon