First Day-New Friend

148 5 0
                                    

Chapter 4

LEO'S POV

Maaga akong nagising kahit na medyo napuyat ako kagabi. Dahil hindi parin mawala sa isip ko yung pinag uusapan nila Mommy at Daddy kagabi.

Time Check 5:56 pero ang pasok namin is 7 kaya nag handa nako dahil siguradong hindi na naman ako isasabay ni kuya. 

Kaya ginawa kona muna yung dapat kong gawin bago ako maligo.

Habang nasa CR syempre normal naman na ata sa tao na kumakanta habang naliligo. kaya ako nag concert na sa CR. One reason kung bakit ako laging nahuhuli Hahaha. Nakagayak na ako at bumaba para mag almusal

"Morning sa paborito kong alaga" Bungad sakin ni Manang pagkababang pag baba ko

"Morning Manang ganda ata ng gising niyo ah" pag bati ko naman

"Syempre maaga kami pinatulog eh... kaya mahaba haba din ang pahinga" at alam ko naman kung bakit

"Ah... kaya pala Sige Manang mag almusal na muna ako ahhh" ayaw siguro talaga nilang may makakarinig sa pag uusapan nila

"Sige nandyan naman na yung paborito mong almusal, tsaka naka handa narin yung babaunin mo sa klase" Manag

"Si Manang talaga love na love ako. Buti kapa po hindi mo talaga ako nakakalimutan" pag lalambing kopa

"Syempre eh parang halos ako na nagpalaki sayo at tayo palagi ang mag kasama sa bahay" Manang

"Sabagay manang tama ka naman"may point si Manang dun ahh "sigeeee kain nako baka mahirapan pa po akong sumakay" at umupo na

"Ok sige masarap yan ah... Lalo na yung pinabaon kong Adobo sayo" Manang

"Thank you the best ka po talaga Manang!!" sabi ko bago tuluyang pumasok sa Kusina

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bumaba si Mommy

"Morning Mom" pag bungad ko

"Morning din Nak aga mo ah" pagbati nito sakin

"Mom alam mo naman na dahilan kung bakit diba" -sabi ko nalang

"Ok na sige na bilisan mona baka mahirapan kapa sumakay" -Mommy

"Kain kana din Mom" pag aaya ko

"Sige sige para may kasabay ka naman" siguro naawa narin sakin si Mommy

Habang nililigpit ko yung pinagkainan ko nang biglang may nag door bell

"Manang paki tignan nga kung sino yun" Sigaw ni Mommy

"Sige Mom una na ako" sabay kiss sa pisngi niya

"Ok sige ingat ka ah..." Mommy

"Opo ako paba" sagot ko agad pero naalala ko yung pinabaon sakin ni Manang "Yaya Lisa pakidala nga po dito nung baunan ko" sigaw ko kay yaya Lisa kaya agad din naman siyang dumating

"Oh Leo oh ingat ka ah... First mo pa naman" pagpapaalala ni Yaya sakin

"Thank you Ya sige una na ako Bye..." palabas na sana ako ng pinto ng maka salubong ko si Manang

"Oh Ijo andyan kana pala inaantay kana ng sundo mo"sabi ni Manang

"Huh? Sinong sundo?" tanong ko

"Ako!!!" sigaw ng mokong mula sa labas

"Josh sino nag sabing sunduin moko?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad papalapit sa kanya

"Wala lang wala kasi akong kasabay tsaka naalala ko na hindi ka naman sinasabay ng Kuya mo kaya naisipan kong daanan ka nalang" Josh

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon