LEO'S POV
Muntik nakong malate sa isang subject kanina dahil sa pagdradrama ni Deither buti nalang talaga napakalma ko agad at sakto namang tumunog yung bell kaya nag madali akong umakyat para di ako mapagalitan ni Prof lalo pa't hirap na hirap ako sa subject nayun.
Hanggang ngayon di parin ako mapakali dahil sa nangyari kanina ano kaya nakain nun bat parang bumait ata masyado pero ok nayun at least may Magandang maidudulot naman habang nasa klase di mawala sa isip ko si Lucas at Deither parehas kasing di pumasok ano kaya nakain nung mga ngayon.
Lumipas ang oras uwian na pero diko parin nakikita yung dalawa simula kanina di ako inantay ni Lucas para sabay na mag recess at hindi rin pala ako nakapag recess dahil sa pag uusap namin ni Deither buti nalang talaga may dala lagi akong pang lunch kaya ok lang kahit sa room lang kumain mag isa kaya eto ako ngayon naglalakad palabas ng school mag isa wala akong kasabay ngayon hayssstt.
"Beeeppp" biglang busina ng kotse kaya napatingin ako agad bat kaya siya bumusina ng ganung kalakas eh wala namang nakaharang sa daanan niya.
"Heyyy Leo sabay kana samin pag uwi" sabi ng lalaking kalalabas lang ng kotse.
"Huh sure ka?" Paninigurado ko.
"Oo diba sa iisang subdivision lang naman tayo nakatira idadaan ka nalang namin sa inyo" pag aaya nito.
"Sigurado ka? mapapalayo kayo" paninigurado ko ulit.
"Ehhh three blocks away lang naman kayo galing samin" pangangatwiran niya.
"Sabagay ikaw bahala sabi mo eh" sabi ko nalang sayang ehhh libre na pamasahe ko nun kaya dina ako nagpapilit dahil ako na mismo yung sumakay.
Nasa byahe na kami at napaka tahimik parang walang ibang tao ang naka sakay sa sasakyan kahit magka tabi kami ni Deither parang wala akong katabi ang tahimik masyado ehhh.
"Teka bakit pala dika pumasok sa ibang klase natin?" pangbabasag ko sa katahimikan.
"Ahhh kasi ayaw kong makita nilang namumugto yung mata ko baka kung ano pa isipin nila" pangangatwiran niya habang nagkakamot ng batok
"Ahhh sabagay baka ma isyu pa ako sabihin nangbu Bully ako" pag sang ayon ko nalang
"Ikaw mambu bully ehhh pagsasabi nga lang ng totoo dimo magawa ehhh" siya
"Huh? Anong ibig mong sabihin sinungalin ako ganun" sabi ko na parang nagtatampo kasi medyo na offend ako dun
"Di ahhh what i mean kasi is yung kapintasan ng tao dimo kayang sabihin sa kanila yung totoo dahil ayaw mo silang panghinaan ng loob kaya imbis na sabihin ito ng prangkahan ginagamit mopa yun para ipush yung confidence nila" pagdadahilan niya.
Sabagay tama naman siya kaya tango nalang ang naisagot ko.
"Nandito napo tayo" sabi nung driver nila
"Ayyy oo nga diko napansin" sabi niya na tila nabitin sa usapan namin
"Hahahaha oo nga ehhh pano ba yan bukas nalang kita nalang tayo sa School" sabi ko tapos binuksan ang sasakyan "tsaka PM mo pala ako mamaya kasi may Home Activity tayo send ko sayo yung gagawin" dugtong kopa bago bumaba ng tuluyan sa kotse nila
"Ok sige bukas ahhh" sabi niya na tsaka ko sinarado ang pinto at umalis na sila
LUCAS'S POV
"hayssstt ano kayang importante ang sasabihin nila at kaylangan kopa mag skip ng mga class ko hindi pa ako nakapag paalam kay Leo ng maayos baka dipa ng lunch at recess yun dahil walang kasabay yun" ang patuloy na gumugulo sa isipan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...