Chapter 9
LEO'S POV
Mula ng sinabi ni Lucas yun dina ako mapakali maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko tulad nalang ng bakit ganun siya mag react? Ano yung ibig niyang sabihin sa I'm Worried about you at higit sa lahat bakit tila iba yung pag a-alala niya na parang may ibang kahulugan.
"Leo kakain na" sigaw ni manang sa labas.
"Sige po susunod nako" sigaw ko pabalik.
Pagbaba na pagbaba ko parang merong unusual feeling akong nararamdaman parang magaan na pakiramdam pero diko alam kung ano yun at bakit pero diko nalang pinansin gutom nako ehhh.
"Leo umupo kana kakain na tayo" sabi ni Daddy.
Pero ang kinaka-taka ko bakit parang may iba sa kanila netong mga nakaraang araw, like lagi silang kumpleto,magaan yung awra at atmosphere parang di katulad ng dati.
Pero diko nalang pinansin yun pero bigla na namang nag salita si Daddy.
"Dito na muna titira si Mr Carter dahil yung bahay niya ay pinapa renovate niya pa daw" sabi ni Daddy.
"Ahhh kaya pala ang pormal nila at may pa Red Carpet pa" sabi ko nalang sa isip ko.
"Ok Daddy sagot ni Kuya pero saan matutulog si Lolo?" dugtong niya.
"Sa kwarto ni Leo" walang atubiling sagot ni Daddy "at lilipat si Leo sa kabilang room and next week kaylangan nakalipat kana" dagdag pa niya.
"Whattt???" Sigaw ko sa pagkagulat "pero Dad bakit ako bakit room ko eh pwede namang siya nalang doon sa room na lilipatan ko diba" pag papaliwanag ko.
"Masyadong maliit yun para sa kanya hindi siya magiging komportable"pag papalusot niya.
"Edi kay Kuya mas malaki yung kwarto ni Kuya kaya mas ok siya doon" sabi ko na walang pakialam kung magagalit si Kuya sakin.
"My decisions are final you need to leave your room" ma awtoridad na sabi ni Daddy.
Sa sobrang inis ko kahit alam kong nakakabastos tinayuan ko sila at nag walk out kahit dipa ako nakaka kain.
Kaya eto ako ngayon naka kulong sa kwarto di alam kung saan uumpisahan yung pag lilinis o ano yung unang aayusin, habang nag aayos may narinig akong katok pero diko yun pinansin sa sobrang sama ng loob ko.
"Anak kumain kana" sabi ni Mommy alam kong si Mommy lang naman ang kakampi ko dito lalo na ngayong alam kong nagtampo sakin si Kuya."Wag kayo mag alala kumain nako" sabi ko nalang,Well kumain naman talaga ako ehhh tinapay at juice nga lang yun lang yung laman ng mini Red dito sa kwarto ko.
"Ok sige pero pag nagugutom ka may pagkain sa ref kumain ka nalang"sabi ni Mommy
"Opo" sabi ko nalang at narinig kona yung mga yapak niya papaalis.
CIARA'S POV
Naaawa na ako sa anak ko lagi nalang siya ang dehado hayyy buti nalang nakakayanan ni Leo lahat ng to buti nalang talaga malaki laki din ang nailalagay kong pera sa account niya ang laki nadin ng ipon niya.
"Oscar ano na naman yun ha? nag kasundo na tayo pero wala sa kasunduan yung pagpapaalis sa bata sa kwarto niya" sigaw ko agad sa asawa ko ng makapasok ako sa opisina niya.
"Biglaan ehhh anong magagawa ko" pag papaliwanag niya.
"Edi yung sa ANAK mo yung ibigay mo" sigaw ko.
"Eh sa ayaw ko ehh my decision is final he needs to leave that room or else" pagmamatigas nito.
"Or else what?" Tanong ko.
"He will leave this house" nainis ako sa narinig ko.
"Wala kana talaga sa katinuan" sigaw ko sa kanya.
"Ano ba Ciara I'm doing this for our son" pag papaliwanag.
"YOUR SON" sabi ko sa kanya na may diin at natahimik siya sandali at diko napigilan ang sarili ko sa inis ko nilisan ko yung opisina niya at pumasok nalang sa kwarto at nag kulong kasalanan ko lahat to eh.
LEO'S POV
Pababa na sana ako para kumain ng marinig kong nagtatalo na naman sila Mommy.
"Eh sa ayaw ko ehh my decision is final he needs to leave that room or else" pagmamatigas niya.
"Or else what?" Tanong ni Mommy.
"He will leave this house" diretsang sabi ni Daddy.
Parang sinaksak naman ang puso ko ng marinig ko yun sa mismong bibig pa ng Daddy ko parang hindi niya ako kadugo, parang di niya ako anak kaya dali daling bumalik sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko at dali daling lumabas ng bahay magpapalipas lang ako ng gabi.
"Hello Ninang?" tanong ko agad pagkasagot ng telepono ni Ninang.
"Hello Nak bakit napatawag ka ng ganitong oras?" tanong ni Tita ng medyo nag aalala siguro napansin din niya na may problema ako dahil anong oras na ng tumawag ako sa kanya.
"Ninang pwede ba akong makitulog sa inyo ngayong gabi lang" paghihingi ko ng tulong dahil ayaw ko talaga mag-stay sa bahay nato ngayon kailangan kong magpalamig lalo na sa narinig ko kanina-nina lang.
"Oo naman sige antayin kita sa baba" pagpayag ni Tita.
"Sige nang OTW na ako" sabi ko ng may galak siya si Ninang Allyson Garcia maganda,maputi,responsable,matangkad,at higit sa lahat mabait asawa siya ni Ninong Jason si Ninong Jason talaga ang Ninong ko pero dahil sa request niya pumayag narin ako.
"Ok sige" sabi ni Ninang at pinatayan ako ng telepono.
Pagdating na pagdating ko sa bahay nila Ninang Ally nag doorbell agad ako.
"Ohh ijho anong nangyari sayo bat kaba umalis ng ganitong oras? Nagpaalam kaba?" Sunod sunod na tanong ni Ninang.
"Tita si Daddy kasi eh" pag dadahilan ko.
"Hayyy nako dina ako magtataka" sabi ni Ninang at yinakap nalang ako "O sige na tulog na may pasok kapa bukas maaga kapa uuwi diba?" pagpapaalala ni Ninang.
"Opo sige ninang" at hinatid niya na ako sa kwarto na lagi kong ginagamit pag nando doon ako at kung nagtataka kayo kung bakit laging ready si Ninang dito lang naman ako pumupunta pag pinapalayas ako sa bahay or pag di ako sumusunod sa mga gusto nila.
"Ayyy ninang si ninong Jason pala" tanong ko agad ng mapansin na ang tahimik ng bahay.
"Ahhh ehhh kasi nasa business meeting siya out of town" pag papalusot ni Ninang na halatang may tinatago dahil di maka tingin ng maayos sakin.
"Ahhh kaya pala sige Ninang inaantok nako ehhh" sabi ko nalang.
"Ok sige tita Good night" pag pasok ko ng kwarto.
"Good night din inaanak ko" sabi ni Tita at iniwan nako dito sa kwarto mag isa.
Kahit hindi sabihin sakin ni Tita alam kong may problema siya kahit di niya sabihin ramdam ko naman di ako manhid para di mahalata pero diko muna yun pinansin dahil medyo inaantok na talaga ako at may pasok pa bukas.
MR CARTER'S POV
"Saan kaya patutungo yung batang iyon?" Tanong ko sa sarili ko ng makita ko ang bunsong anak ng umampon sa apo ko.
"Hello Alexis?" Pag tawag ko sa Secretary ko.
"Yes Sir?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Sundan niyo nga ang anak ng umampon sa apo ko" utos ko agad.
"Sige sir" sabay baba ng telepono.
Umpisa palang alam ko nang may kakaiba sa batang yun diko lang mawari pero may kakaiba talaga eh diko lang maintindihan.
*******××××××*******××××××*******
Sorry for the late updates medyo nahihirapan lang mag adjust lalo na ngayong wala akong phone kaya inopen ko nalang yung Wattpad ko sa phone ng magulang ko kaya SORRY PO TALAGA Bawi ako next UD guys promise
Don't forget to Vote,Share and leave a Comment guyssss Muahhh muahhh

BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
AléatoireLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...