LEO'S POV
"Anong mukha yan unang araw palang oh... may bukas pa. Isang linggo tayo dito wag kang basta basta susuko, FIGHTING!!!" pangchi cheer ko kay Daryl at nalaman kona din pala yung pangalan nung dalawa si Nico yung nakasalamin, tapos si Renz naman yung pa cool lang
"Oo nga tama ka Fighting!!!" Sagot nito na tila nabuhayan na naman ng loob
"Oh sige una na ako Daryl ah... Magkikita pa kami ng mga kaibigan ko eh" pagpapaalam ko
"Ok sige ingat ka" pagpapaalam nito
Kaya dali dali akong pumunta sa circle para antayin si Jj na nag audition sa Dancing Club ng papunta na sana ako sa upuan kung saan naka upo sila Lucas nakabangga pa ako at kamalasmalasan may dala pang kape kaya basang-basa na yung uniform ko
"Nako sorry po sorry po talaga" paghingi ng tawad nung babae
"Nako ok lang kasalanan ko din naman di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya kana ah... Natapon pa yung kape mo" paghingi ko ng dispensa
"Nako ok lang po yun, Kayo nga po yung namantsahan yung polo dahil sa kape. Sorry po talaga" sabi nung babae tsaka pinunasan ng wet wipes yung polo ko
"Nako ok lang may dala akong extra magpapalit nalang ako" awat ko dito tsaka nilapag yung bag ko sa isa sa pinaka malapit na upuan para makapagpalit nako
Habang naghuhubad ako pansin ko na parang halos lahat ata naka tingin sakin pero diko nalang pinansin yun
"Teka pahingi naman ng wet wipes" sabi ko dun sa babae na nakatapon sakin ng kape pero parang tulala siya kaya ako nalang yung lumapit
"Pahingi ah..." sabi ko tango lang yung naisagot niya kaya kumuha na ako at pinunasan yung part na nabasa ng kape pagkatapos nun nagpalit nako at nag paalam sa kanya pero hindi parin to nagsalita bagkos puro tango lang ang naisagot nito
Pagkarating ko sa upuan namin pati yung dalawa titig na titig sakin para akong minamanyak sa ulo nila
"Hoy... Kayong dalawa bakit tulala kayo dyan" sabi ko dito matapos kong batukan para magising sa imahinasyon nila
"Ang ganda pala ng katawan mo, nakakagulat" sagot ni Lucas
"Perfect body, maputi, matangos ang ilong, mayaman, mahabang pilikmata, saktong kapal ng kilay, maappeal, mabait, tapos gwapo pa you are Mr. Perfect. Nakakagulat talaga" sabat naman ni Diether
"Ano bang meron sa inyo? Ano nakain niyo?" Takang tanong ko sa kanila
"Well... wala naman naghubad ka lang naman in public" biglang sulpot Jj sa likod ko
"Ay!!! Ikaw lang pala Jj Ano? musta? Nakapasok kaba?" Excited na tanong ko
"Wala akong napasukan kahit isa" malungkot na salaysay ni Jj
"Ok lang yan sa amin ka nalang sumali makakapag bonding pa tayo" pag aaya ko dito
"Ano ba yung club na nasalihan mo?" Tanong agad ni Jj
"Travelling club lang naman, kaya makakapag out of town ako every Holiday and End of semester" pangiinggit ko sa kanila
"Ano naman yung mga privileges ng pagsali ko dun?" Tanong agad nito
"Una makakapag out of town tayo lagi. Pangalawa libre ng school ang sasakyan and last but not the least yung bonding na magagawa natin tuwing nagtratravel tayo" panghihikayat ko
"Sabagay tama ka naman. So kung saan ka doon ako" pagpayag niya
"Yes!!! Lima nalang hahanapin natin" masayang sagot ko
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...