chapter 14
LEO'S POV
On my way home naalala ko na papatulong pala ako sa dalawa pero nag dalawang isip din ako agad kaya ang ending hindi narin ako humingi ng tulong kina Yaya Lisa at Manang nalang ako papatulong kaya na namin yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana biglang tumawag si Lucas
Incoming Call
Lucas
"Hello?" Tanong ko agad
"Saan kana? nandito ka paba sa school? Saan ka susunduin na kita" sunod sunod na tanong niya
"Isa isa lang pwede? Nandito nako sa bahay ok naka uwi nako kanina pa may gagawin pa kasi ako" sagot ko sa lahat ng tanong niya
"Dapat nag sabi ka nag aalala ako sayo ehhh kanina pa ako paikot-ikot dito sa Campus" sabi niya na halatang alalang-alala siya sakin
"Ok sorry na may gagawin talaga kasi akong importante kaya kaylangan ko din umuwi agad" pag papaliwanag ko dahil medyo na guilty din ako sa ginawa ko
"Ok sige...... Uhmmm mamaya nalang" pag papaalam niya
"Ok sige ingat ka nalang pag-uwi mo ahh" nasabi ko nalang. Pero bago niya maibaba yung phone may sinabi muna ako "Ayyyy mamaya pala pupunta dyan si Josh kasi susunduin niya Kuya mo pupunta sila dito para tulungan akong ayusin yung bago kong kwarto" pagpapaalam ko "gusto moba sumama?" dagdag kopa
"Ok sige antayin moko dyan sa inyo I'll be there at 10 mins" sagot niya
"Huh???" Gulat na tanong ko
"Oh bakit diba sabi mo kung gusto ko sumama?" tanong niya na tila nagtataka
"Oo nga pero pwede ka namang sumabay sa kanila umuwi ka muna para makapag palit kana" pag papaliwanag ko
"Ok fine sige kita nalang tayo mamaya" nasagot niya nalang
"Ok sige sige see you later" sabi ko nalang tsaka ibinaba ang tawag kasi siguradong hahaba pa ang usapan
Matapos ang ilang minuto nakapag palit narin ako ng pang bahay. Habang kumakain bigla nalang may nag doorbell
"Manang may nagdo door bell " sigaw ko
"Iho ikaw na mag bukas nagsasampay kami ni Yaya Lisa mo" balik na sigaw ni Manang kaya no choice din ako kaya ako na nag bukas
"Sino yan" tanong ko pag kabukas ko ng Gate
"Oyyy Leo may gagawin kaba?" tanong agad ni Deither pagka bukas ko ng gate
"Meron ehhh mag aayos ako ng lilipatan kong kwarto" nasagot ko nalang
"Ahhh ganun ba" sagot niya na tila nanghihinayang
"Oo mamaya darating narin naman yung mga tutulong sakin" pagpapaliwanag ko
"Sino-sino?" tanong niya na tila may inuusisa
"Sila Lucas tapos sila Josh din" sagot ko nalang
"Ahhh sige tulungan ko nalang kayo since wala din naman akong gagawin para may pagka abalahan din ako" biglang pagbabago nito ng desisyon
"Ahhh ok sige sabi mo ehhh tara pasok ka tamang tama kumakain ako ngayon" sabi ko nalang tsaka siya inanyayahang pumasok
"Sige sige" sabi nito tsaka pumasok
Pagkatapos naming kumain inaya ko nalang siya sa kwarto ko para manuod sa computer ko
"Ohhh anong panonoorin natin habang inaantay yung iba?" Tanong ko agad pag kabukas ko ng computer
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
De TodoLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...