Chapter 43
LEO'S POV
Nagising nalang ako na may nakadantay sakin, I mean nakayakap as in yakap talaga mula sa likod ko at napagtanto kong si kuya Marco pala yun tabi nga pala kami natulog kagabi. Unti-unti akong umikot at nagpalit ng pwesto at humarap sa kanya nakita kona naman yung maamong mukha ni kuya Marco. Sobrang gwapo kahit tulog
Nangmahimasmasan na ako ay nagpasya na akong tumayo dahil anong oras na din, parating na yung mga kapatid niya
Patayo na sana ako ng biglang may humatak sakin pabalik sa higaan
"Wala man lang bang Good Morning dyan baby cab?" Sabi nito tsaka unti unting idinilat yung mga mata niya
"Good morning kuya! akala ko kasi tulog na tulog kapa kaya mauuna na sana akong mag handa, baka kasi dumating na sila Echo" pag papaliwanag ko naman
"Hayaan mo yung mga yun" sabi lang nito tsaka ako niyakap ng mahigpit kaya yung mukha ko ay sumubsob sa leeg niya
"Sobrang bango talaga ni kuya Marco" sabi ko nalang sa isip ko habang inaamoy amoy yung leeg niya
"Mamaya na tayo bumangon, maaga pa naman tsaka nalang tayo bumangon pag tinawag na tayo para mag almusal" sabi naman nito kaya hinayaan ko nalang dahil nageenjoy din ako sa pag amoy kay kuya Marco. Sobrang bango amoy baby na may halong chocolate nakakaadik
Mga ilang minuto pa ang lumipas ng may narinig kaming katok mula sa pintuan ko kaya bumangon na kami ni kuya Marco, pero ngayon ko lang napansin wala palang damit pang itaas si Kuya Marco tanging Boxer lang ang suot
"Kuya bakit wala kang damit?" Pagtatakang tanong ko
"Ah nainitan ata ako kagabi o kaya di komportable kaya hinubad ko" pagdadahilan niya naman kaya napatango nalang ako
May kumatok ulit at si Kuya Marco ang nag presintang magbubukas ng pinto
"Leo may mga bisita ka" sigaw ni kuya Marco mula sa baba "yung mga kaibigan mo" dagdag pa nito kaya napatayo na ako para tignan kung sino yung mga yun dahil mga ang sabi ni kuya Marco
"Babe/Asawa ko" sabay nilang sabi ng makita na ako
"Anong ginawa mo sa asawa ko?" Tanong ni Tamara sa Kuya niya na may Matatalim na tingin
"Gumawa lang kami ng baby" preskong sagot ni kuya Marco sabay nag iwan ng nakakalokong ngiti
Napatigil naman silang lahat siguro dahil convincing talaga kapag si Kuya Marco ang nagsabi
"Oh sige na alis na muna kayo mag round 4 pa kami" dagdag pa ni Kuya Marco kaya napatawa nalang talaga ako sa reaksyon ng mga mukha nila
"Hahaha ang epic ng mga mukha niyo" sabi ko habang tumatawa
"Di nga Leo totoo naka ilang rounds na kayo?" nakakunot na tanong ni Lucas
"Alam niyo masyado kayong nagpapaniwala dyan kay Marco" biglang singit ni Jj na kakaakyat palang
"Oo nga ang bilis niyo maniwala Hahaha" sabi ko na hindi padin tumitigil sa pagtawa
"Sige na magbihis na muna ako doon sa taas paalam ni kuya Marco bago ako kiniss sa noo tsaka umakyat
Napatingin nalang ako sa iba dahil yung mga mukha nila hindi na maipinta maliban kay Jj dahil normal naman na sa kanya na makitang ganun ka casual si kuya Marco sakin
Kaya bago pa tuluyang pumangit tong anim na'to nag aya na akong bumaba
Bali ang nauna palang umakyat ay sila Josh, Deither, Lucas, Rico, Tammy at si Larry dahil si Jj ay huli ng umakyat siguro kinausap pa ito ni Mommy
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...