Chapter 38
LEO'S POV
Kinaumagahan tinawagan ko agad si Josh na pumunta sa bahay mamayang hapon at pumayag naman siya
"Aga aga cellphone ang hawak" sabi nung kasama ko habang nag wowork out
"Correction... ikaw din kaya mas nauna kapa nga sakin ehhh" sagot ko dito
"Hoyyy hin... Hmmppp" hindi na niya natuloy kasi tinakpan kona yung bibig niya
"Paalala ko lang pagkadilat mo cellphone mo agad hinanap mo eh ako dumiretso muna ng banyo sa BABA" may diin yung baba kasi ibig sabihin nun nakakilos na talaga ako "And also pumunta rin pala ako ng kusina para sabihan sila Yaya Lisa na may BWISITA ako" dagdag kopa
"Binuksan ko yung phone ko kasi baka nag text si mommy and para tignan yung oras" palusot naman nito kahit sa FB ko siya nakitang nagbrobrowse kanina
"Ikaw bahala kung saan ka masaya" sabi ko nalang tsaka siya tinalikuran
Pagkatapos mag breakfast, na kaming tatlo lang nila Kuya. Kasi nga wala na naman sila Mommy at yung matanda, siguro may mga meetingsssss sila
Pero hindi yun yung pumukaw ng atensyon ko, kung hindi yung malagkit na pagtitig ni kuya kay Thimoty
Saktong alas dies umuwi si Thimoty kasi sinundo na siya nila Lucas at Rico, at ala una naman dadaan si Josh dito. so may time pa ako para kumalma
Habang nagpapalipas ako ng oras may narinig akong nag doorbell
"Sino kaya yun?" Sa isip isip ko at dahil busy masyado sila Manang ako nalang ang nag bukas.
"You must be Leo right?" Bungad sakin nung lalaki pagkarating na pagkarating ko
"Yes Why?" Sagot ko
Medyo napahaba ang usapan namin nung mga lalaki pero nagandahan naman ako sa mga sinabi nila
Hanggang sa umalis na yung lalaki saktong dating naman ni Josh
"Oh Josh napaaga ka ata?" Bungad ko dito
"Sino yung mga yun?" Tanong niya at tinutukoy niya yung mga lalaki kanina na naka black suits
"Goons? I Guess Hahaha" pangbibiro ko "By the way bakit nga napaaga ka?"
"Ahh may date kasi kami ni Larry kaya pinuntahan na kita agad, baka kasi hindi na kita mapuntahan mamaya. By the way ano pala yung sasabihin mo na importante?" Paliwanag nito
"Bakit kayo nag away ni Kuya?" Prangkang tanong ko
"Diba alam mona? Kasi nga bisexual ako" sabi lang niya
"So yun lang talaga yung reason ni Kuya? Promise?" Pangungulit ko
"Oo yun lang. Why?" Inosenteng sagot nito
"So hindi niya pala alam" bulong ko sa sarili ko
"Ano nga ulit yun? diko narinig ehhh" napalakas pala pagkakasabi ko
"Teka aalis ka diba? Antayin mona ako magpapalit lang ako" sabi ko tsaka tumakbo papasok ng bahay
Habang nagpapalit ako narinig ko ng paakyat si Josh
"Teka Leo saan ka naman pupunta?" Pag uusisa nito
"Sasama sa date niyo. Boring kasi dito sa bahay" pagbibiro ko pero syempre dapat naka serious face
"Seryoso?" Tanong lang nito
"Hahaha hindi no... May pupuntahan lang ako ibaba mo nalang ako mamaya, sasabihin ko kung saan" sabi ko lang tsaka inayos yung sarili
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...