Chapter 27
LEO'S POV
Hanggang ngayon tulala parin ako sa binalita ng mga seniors, At hindi lang yun malapit narin ang birthday ni Jasser, tapos magbubukas narin yung mga clubs kaya magbibigay na sila ng rooms.
"Ok class dismissed" pagkarinig palang nun galing sa huling professor namin nagkanya kanyang tayo na sila "And wait I forgot to congratulate Leo and the other two for getting picked by the seniors" sabi ni ma'am bago tuluyang umalis
Papalabas nako na wala parin sa sarili lutang na lutang kakaisip, hindi ko alam tinatawag na pala ako, ngunit ako diredirestso parin sa paglakad hanggang sa bumangga nalang ako kung kanino ng hindi kopa alam
Hoy! Ano bang problema mo? Sabi nung nabangga ko
"Sorry po. Sorry po talaga" sabi ko tsaka tiningala yung nabangga ko
"Ikaw na naman!?" Galit na sigaw nung lalaki nabangga ko
"Huh? Sino ka?" Pagtatanong ko dito sa mayabang nato
"Hahaha nakalimutan mona pala ako teka papaalala ko lang" sabi nito pero hindi ko man lang siya pinansin
"Hoy!!!" Malakas na sigaw nito sakin
"Ano bang problema mo?" Inis kong sagot dito
"Abaaa. ikaw na nga tong may atraso sakin ikaw patong galit" pagmamaktol nito
"Sino ba yung unang sumigaw? diba ikaw!" Banas kong sagot Naiinis nako dito kala mo kung sino sabi ko sa utak ko
"Anong sabi mo" napalakas ata yung pagkakasabi ko
"Wala po Master. sabi ko lang naman po ang yabang niyoo" sabi ko tsaka siya nilagpasan
Nasa labas nako ng building ng Faculty namin ng narinig kong tinawag ako ni Jj
"Oy... Saan ka pupunta na sinusundo kana" sabi ni Jj na hingal na hingal siguro sa kakahabol sakin
"Sino naman? Tsaka imposibleng si kuya yun kasi pupunta rin siya Auditorium para dun sa Kings and Queens ng faculty nila
"Hindi naman kasi kuya mo" sabi nito na medyo nakabawi narin ng hininga
"Sino ba kasi dalian mona nagugutom nako ehhh" Sa totoo lang gutom na gutom nako kanina pa kasi ako lutang hindi na ako nakapag lunch kasama nila kakaisip sa balita kanina
"Edi yung nabangga mo kanina. Si Mr Timothy Lopez, ang Ambassador ng faculty of Medicine" sabi niya na tila kinikilig
"Oh... Tapos?" Walang gana kong sagot
"Malamang pinapasundo kana ng student councils" sagot nito ng may pa cross arms pa maldita lang ang peg
"Sabihin mo sa kanya nagugutom nako, susunod nalang ako dun. Text mo nalang sakin kung saan" sagot ko dito
"Edi sasamahan na kita" biglang sabat nung mayabang na lalaki nayun na akala mo kung sino
"Hindi na kaylangan hindi naman ako lumpo kaya kong maglakad mag isa" sagot ko dito
"Bakit sino bang nagsabing bubuhatin kita? Ang sabi ko lang naman sasamahan kita, yun lang wag malisyoso" mayabang na sagot nito na kinainisan ko talaga kaya iniwanan ko nalang sila doon dahil gutom na talaga ako
Pagkarating ko sa canteen bumili agad ako ng kakainin ko tsaka nag hanap ng upuan. Nangmakahanap nako inumpisahan kona agad yung pagkain
"Sarap ng kain natin ahhh, Gutom na gutom lang" pang aasar nung mayabang na lalaki nato
"Ano bang problema mo? Diba sabi ko susunod nalang ako. Tsaka kita mong kumakain yung tao iniistorbo mo" iritado kong saway sa kanya
"Aba ikaw pa tong galit! papaalala ko lang sayo ikaw tong may kasalanan sakin" sagot ni sabay dukot doon sa fries ko na hindi kopa nababawasan kapal talaga ng mukha
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...