TWINS

31 0 0
                                    

LEO'S POV


"I AM 2 MONTHS PREGNANT!!!" masayang sabi ni Tita

"Sa mga nagtatanong dyan, Opo totoo napo ito and sa mga nakapansin sensya na, I don't wanna ruin the surprise right honey?" masayang lintaya ni Tita

"Yup my wife is 19 weeks pregnant and the gender is already visible. So tonight we're going to have a gender reveal" pagdadagdag ni Tito kaya tumayo na kami ni Marco

Kaming dalawa lang yung aware kaya kami nadin yung nautusan. Nasabi narin kasi ni Kuya sa Mama niya na alam kona nabatukan pa siya kasi nga hindi daw kaya magtago ng lihim, ang sagot lang ni Kuya Marco hindi daw niya maresist yung charm ko kaya nagkibitbalikat nalang ako

Pinapili na namin yung bisita kung Girl or Boy ba yung anak ni Tita

"Lahat ng Boy or may suot na Blue T Shirt sa kanan kayo and sa Girl naman na naka Pink T Shirt sa Kaliwa kayo" paggaguide ng emcee sa mga bisita

"So before malaman ang gender ng baby where going to have a game" pakulo na ng emcee at ng Best friend ni Tita yun, kasi miski kami walang alam

Naglaro kami ng mga dalawa o tatlong laro bago napagod lahat ng players

"So ang nanalo ay ang Girl Team so si Mr Gab so sila ang may privilege to tap the button" sabi ng emcee tsaka inabot samin yung button

"So kami ni Leo ang pipindot" sabi ni Tito sa family niya kasi lahat sila puro lalaki ang gusto miski si Tammy kasi gusto niya siya lang ang prinsesa Haha "Ok Leo at the count of three One... Two... Three"

Pagkapindot namin ni Tito sa button may nagliparang mga Fireworks. Pero nagtaka ang lahat kasi dalawang kulay ang lumilipad kaya napatingin kaming lahat sa best friend ni Tita na nasa stage na ngayon

"You're having a twin!" lumuluhang sabi nito at miski si Tita hindi narin napigilang hindi umiyak at bumuhos na ang luha nito

Masaya ang lahat kahit nabigla dahil sa biglaang rebelasyon ng best friend ni Tita

"Ok let me explain" biglang sabi nito "Habang nasa clinic tayo which is tayo lang dalawa dahil nga gusto mo ng gender reveal kaya sa akin ibinigay ng doktor yung result ng Ultrasound mo" huminto siya saglit kasi hindi niya na mapigil yung luha niya "tinignan ko ng maigi yung picture nagtaka ako kasi parang may bukol. Kaya bumalik ako sa clinic kasi akala ko may bukol ka sa tyan pero to my surprise ang sabi ng doctor hindi daw yun bukol kung hindi ulo, ulo ng pangalawa mong Baby. Kaya nung pinabalik ka namin sa clinic dahil malabo yung result that's a lie. Dahil bumalik tayo dun para tignan yung gender ng isa pang baby and that's the result it was a boy and a girl" masayang sabi nito kaya nilapitan siya ni Tita para yakapin "I thought you're sick and I'm so worried about you" dagdag pa nito habang nakayakap parin kay Tita

"Thank you Mik" sabi lang ni Tita

Habang sila ay emosyonal at nag iiyakan sa stage si Tito Gab naman ay tuwang tuwa nagtatatalon at proud na proud pinagmamalaki niya na magkakaroon na siya ng kambal

At doon na nagsimula ang tunay na celebrasyon. Inuman kaliwa't kanan, tawanan sa lahat ng mesa, kainan at kantahan yung lamesa namin magulo nadin nag iinuman na kasi sila maliban sa magkapatid sakin at kay Kuya Marco kami kasi yung nagsisilbi sa mga bisita si Xandrei naman nakiki Party sa ibang table na puro babae at halos kasing edad niya lang tapos si Jasser... Alam niyo na, na kay Tita Claire at binibaby gusto mang magselos ni Tammy ay wala siyang magawa alam na niyang kami ang pinaglilihian ng Mommy niya at hindi niya na mapipigilan yun

"Oh Marco, Leo tara na!" pag aaya ni Josh kaya wala na kaming nagawa. Na meet narin namin yung parents nila Lucas at Larry mababait naman sila at nagpakilala nadin si Rico sa kanila nagulat pa nga kami sa biglaang pagsabi nito "Tito, Tita balak kopo sanang ligawan si Lucas" sabi nito ng harap harapan kaya napatingin samin yung mga parents ni Lucas

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon