LUCAS POV
Pagkagising na pagkagising ko napansin ko agad na wala na pala akong katabi "Asan na kaya yun...?" tanong ko sa sarili ko nag unat unat lang ako ng konti tsaka bumangon nagmumog tsaka tinignan ang oras maaga pa naman kaya tinignan ko nalang muna yung mga gamit ni Leo at halos lahat organized mula sa libro, damit, gamit sa school, basta lahat pero ang tumutukaw talaga ng pansin sa lahat ng pumasok dito ay yung estante ng mga trophies at medal bali dalawa yun pero tatlo yung nasa taas kaya kasya talaga to lahat pero nakaka amaze padin kasi ang dami at iba't ibang sports pa halos lahat ata sports meron siyang medals o kaya trophies mula sa Basketball, Volleyball, miski Martial Arts at Table tennis pati nga gymnastic at sepak takraw meron kakaiba talaga kaka bilib idol kona talaga siya para siyang si Mr Perfect dahil hindi lang siya Sporty Mayaman Matalino at higit sa lahat Good looking at ma Appeal din wala na siya na talaga.
Habang nasa gitna ako ng pagninilay nilay bigla akong nakarinig ng katok kaya agad agad ko itong binuksan at pagbukas ko yung Yaya lang pala nila
"Uhhmm sir baba na daw po kayo kakain na ng almusal" sabi nito
"Yaya Lisa naman" sabi ko "Lucas nalang po itawag niyo sa akin ehhh" pagpaalala ko "Ayyy Yaya asan po pala si Leo? Pagkagising ko kasi wala na siya?" pag tatanong ko
"Ahhh oo nga pala nasa itaas, Pwede bang ikaw na yung tumawag ipapasok kopa kasi ito sa kwarto nila sir" pakikisuyo nito
"Sige po Ya ako na pong bahala" sabi ko at tumango nalang si yaya kaya dumiretso na ako sa taas
"Leo kain na daw" bungad ko dito pagka pasok na pagkapasok ko
"Oo na sige na una kana sa baba susunod nalang ako" pagpapaalis nito sa akin baka nahihiya kasi makikita ko yung mga underwear niya
"Ehhh nahihiya nga ako eh." pag rarason ko na totoo naman talaga
"Wag ka mag alala mabait naman sila Yaya ahhh. Gusto mo dun mo nalang ako antayin sa kusina nandun si Manang bilis baba na, baka lalo pa tayong mapagalitan kapag hindi kapa nagpakita sasabihin nun pinagaantay natin yung pagkain" pagpapaalis talaga nito sakin
"Sige na nga bilisan mo ahhh" sagot ko nalang
"Oo na baba na" pagkaalis ko inayos niya na agad yung mga briefs niya para makababa na rin siya kaya nauna nalang ako
Pag dating ko sa kusina nila. Si Manang lang yung nakita ko
"Ohhh iho magga gatas kadin ba?" Bungad nito sakin ng mapansin ako
"Bakit si Leo poba nagga gatas pa?" Takang tanong ko
"Ahhh oo nakasanayan niya na yun ikaw ba ayaw mo?" sagot nito sabay tanong
"Hindi napo mas prefer ko mag gatas bago matulog" pagtanggi ko sa alok nito
"Ahhh parehas pala kayo ni Geo" biglang singit ng mommy nila
"Ahhh ganun poba ibig sabihin yung dalawang mag kuya pala nagga gatas padin tulad ko" medyo natatawa kong tanong
"Hayyy nako yung dalawang yun laging magka kompitensya pero magkasundong magka sundo naman" dagdag pa ng mommy nila
"Teka Lucas taga saan ka nga pala?" Biglang tanong nito
"Sa kabilang Subdivision lang po" sagot ko naman
"Ahhh malapit lang pala" sabi nito habang tumatango tango "Alam moba na pangatlo ka palang sa mga bisita ng anak kong si Leo na nakatulog na sa kwarto niya? At pang apat ka naman sa mga dinala niyang bisita dito... dahil kahit pala kaibigan yan, hindi talaga yan nagdadala ng bisita. Di tulad ng kuya niya na halos gawing hotel tong bahay" dagdag pa nito
"Ehhh sino-sino poba yung mga naunang naka tulog sa kwarto niya?" Tanong ko dahil bigla akong nacurious na ako
"Ahhh yung dalawang nauna... puro childhood best friends niya sina Josephine at Ricci" pagpapakilala nito makikita mona sila mamaya dagdag pa nito
"Ahhh sige po Ma'am, una napo ako sa lamesa baka kasi naiistorbo kona kayo sa kakatanong ko eh." pag puputol ko sa usapan dahil baka mas lalo pang humaba
"Nako wala yun parang anak narin turing ko sa mga kaibigan ng mga anak ko. Tsaka just call me Tita Ciara. Ok" Sabi nito tsaka nag Ok sign sa kamay bagets na bagets pa talaga kung umasta mommy nila
"Salamat po sa pagpapatuloy niyo sakin" pagpapasalamat ko
"Nako ako dapat magpa salamat sa inyo dahil tinutulungan niyo yung anak ko" sabi nito ng naka ngiti
"Walang anuman po" sabi ko nalang
"O sige na tara na para makakain na tayo" pag aaya nito at nauna na akong lumabas ng kusina dala dala yung almusal
"Uyyy Lucas nandyan kana pala akala koba nahihiya ka?" bungad nito sakin
"Nakita ako ng Mommy mo sa kusina kaya pinaupo nako dito" pagpapaliwanag ko
"Ehhh nasan na si Mommy?" takang tanong agad nito dahil hindi niya nakita mommy niya
"Nandito ako anak" sabi agad ni mommy niya pagka labas na pagka labas ng kusina
"Aga mo mommy ano meron?" takang tanong nito kay Tita Ciara
"You'll find out soon" pangbibitin ng mommy niya kaya ako tinuloy ko nalang pagkain ko
Patapos na kaming lahat ng may marinig kaming may nag doorbell
Si Leo tumayo agad kahit dipa tapos kaya medyo na curious nadin ako kung sino baka kasi sila Kuya nayun
Pag karating ko sa pintuan papuntang front door may naririnig akong nagbabangayan kaya akala ko may away pag silip ko si Leo pala tsaka isang babae maganda siya, sexy din tapos medyo may appeal sino kaya yun tanong ko sa sarili ko habang pabalik ako sa kainan
"Iho sino yung dumating" tanong agad ni Tita Ciara
"Ahhh diko po kilala baka po yung bisita niyo na Tita kasi meron dung dalaga tapos kasama niya yung Mama niya" sagot ko nalang
"Ahhh baka nga sila nayan naririnig kona yung mga bangayan nung dalawa sige tawagin ko nalang muna sila balik kana sa pag kain mo, ako ng bahala dun sa dalawa hindi talaga maaawat yun" sabi ni Tita kaya pumasok nalang ako ulit para kumain
Habang nag uusap sila nakikinig lang ako dahil diko naman alam pinag uusapan nila pero habang nag uusap usap sila may nag doorbell na naman baka sila Kuya nayun kaya inantay ko nalang pero nagkamali ako Bakit siya nandito? anong ginagawa niya dito?
"Hello Baby ko" sabi ng isang pamilyar na boses
"Rico?!!!"

BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...