TRIP

10 0 0
                                    

Chapter 45

LEO'S POV

Nang matapos kumain ay kinuha na namin ang mga gamit namin sa taas, para makaalis na agad kami. Kami lang nila Kuya Marco ang aalis kasi yung Lolo at Lola niya kasabay na ng Papa nila

Bali sa 12 seaters van kami sasakay
Driver si Kuya Marco sa tabi naman niya si Echo sa likod nila si Tammy at Jj katabi sina Lucas at Rico tapos sa sunod na hilera kami naman nila Xandrei, Jasser, ako tapos si Deither
Sa pinaka huling upuan naman yung mga gamit. Hindi naman ganun karami yung dala naming gamit pero sabi ni kuya Marco ok na daw na nasa dulo yung mga gamit para di hassle pero sabi nila bago daw umalis may dadaanan muna kami

Habang nasa byahe, si Jasser naglalambing lang sakin hindi ko alam kung ano na namang problema nito baka may kaylangan kaya ganito

"Baby anong meron?... Anong gusto mo?" Tanong ko dito

"Gusto ko nang snacks kuya" sabi nito na nagpapacute pa

"Teka meron pa ata ako sa bag" sabi ko tsaka inabot yung bag ko sa likod ko

Pagkakuha ko ng bag ko binigay ko agad kay Jasser yung binili naming Potato Fries kahapon yung nilibre ni Lucas

"Siguraduhin mo lang na hindi ka susuka sa byahe ah" paalala ko dito

"Opo Kuya don't worry" sagot lang nito tsaka binuksan yung potato fries

Habang kumakain siya sinusubuan niya rin ako tapos sinusubuan niya rin yung Kuya Xandrei niya gusto niya sanang alokin si Deither kaso yung mokong ang layo ng iniisip

Habang nasa ganoong posisyon kami biglang huminto yung sinasakyan naming van sa isang convenience store

"Bili na muna kayo sa loob habang inaantay natin yung dalawa" sabi ni kuya Marco ng makapark na kami

"Tara Baby bili tayo!" pag aaya ko kay Jasser na sumama din naman agad

Bumili lang kami ng makakain sa daan karamihan puro chichirya bali ang nabili ko ay anim na potato fries, tatlong blue, isang milneral water, isang balot ng lemon square cheese cake, tatlong Clover, dalawang Pic-a, apat na malalaking cheese ring, bread pan na Blue tatlo, tapos del monte juice drink. Take note lahat ng binili ko puro malalaki kaya kahit yan lang binili namin umabot agad ng five hundred pesos mahigit pero hindi ako nagbayad yung ATM nalang na bigay ni Mommy kung nasaan yung mga pera ko

Pagkabalik namin saktong pagdating nila Josh na kabababa lang sa sasakyan nito

"Oh andyan na pala kayo" sabi ni Josh ng makita kami

"Malamang ikaw lang naman yung mabagal Josh" sabi naman ni Larry sa likod nito

Pero nagulat ako kasi akala ko dalawa lang sila pero bakit may nakasunod pa sa kanilang isa

"Ah Marco may sinama pala kami ok lang naman siguro diba? isa lang naman" paalam ni Larry kay Marco

"Sure no problem kasiya pa naman tayo dito sa van" pagpayag ni Kuya Marco

Nang makuha na nila Josh yung mga gamit nila sa kotseng naghatid sa kanila, humarap na yung isa pang lalaki na kasama nila at nagulat ako ng makita ko si Thimothy

"Thimothy?" Takang tanong ko

"Yup one and only!" sagot naman niya

"Bakit kasama mo yang dalawang yan?" Tanong ko sa kanya

"Ah nakasalubong ko sila kagabi nung pumunta ako sa bahay niyo" sagot niya naman

"Kung nakita mo lang yan Leo kagabi maaawa ka talaga dyan may dala pa namang Doraemon na plushie tapos toblerone ata na chocolate" bulong ni Larry na naririnig naman ni Thimothy kaya yung mukha nito tsaka tenga ay nagkulay kamatis talaga

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon