WELCOME

62 3 0
                                        

LEO'S POV

Nagmumukha na akong tanga dito ang tagal papasukin ni Sir si Jj

"Hindi makapag antay atat na atat" pang aasar ni Lucas kaya sinimangutan ko nalang siya

At nakalipas ang ilang minuto pumasok na ulit si Sir at may announcement daw siya pero hindi parin pumapasok si Jj kaya nakinig nalang ako kay Sir baka mamaya importante palang yung sasabihin mabakante pa utak ko

"Ok first of all may new classmate kayo alam ko na alam niyo naman na, rinig na rinig ko kayong nagbubulungan sa pinto. So may bago nga kayong classmate at babalik siya mamaya bago matapos ang first subject kaya antay lang pagkasabi nun ni Sir mas lalo pa akong na excite. At ang announcements ay na moved lahat ng school activities niyo to September and October yung sports day and yung selection ng Princess and Prince of University pero don't worry ilang buwan nalang oh kaya yan antay lang" pagpapaliwanag ni Sir

Hindi ko naman iniisip yung mga ganyan kasi ang seniors din naman ang pipili at sure akong hindi ako yun impossible baka yung dalawa kong katabi may chance pero ako wala

Nung malapit ng mag time may kumatok sa sobrang busy ko nakalimutan ko si Jj

"Ok class i welcome na natin at pinaka huli niyong classmate. Si Miss Josephine Jane Morales!!! let's give her a warm welcome" at pag pasok na pag pasok ni Josephine ako agad yung unang tumayo

"Jj!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok nito

"Hey... Mr Olivares hinay hinay lang" sabi ni sir na medyo natatawa

"Ok po Sir sorry na excite lang" sabi ko na medyo nahiya sa inasal ko

"At dahil mukhang kilalang kilala kana ni Mr. Olivares sa kanila ka nalang magpakilala" sabi ni Sir na medyo natatawa dahil siguro sa inakto ko kanina

"So... Hello Everyone my name is Josephine Jane Morales 17 and same village lang din kami ni Leo and Deither my Hobbies are..." Ang tagal mag isip ni Jj "Wala akong maisip ehhh lahat kasi ng gusto kong gawin ginagawa ko di ako nag i istay sa isang gawain kaya wala rin akong matatawag na hobby and also my nickname is Jj so you all can call me Jj" pagpapakilala ni Jj "pati ikaw Sir ah..." singit pa nito kaya napatawa kami miski si Sir

"Ok MS. Jj" sagot naman ni Sir na merong diin sa pasasabi ng Ms. "You may now take your seat" pagpapaupo ni sir pero syempre dapat katabi ko siya kaya bigla akong tumayo

"Uhm... Sir pwede bang dito nalang si Ms. Jj umupo sa tabi namin kasi sa kabilang row wala siyang makakatabi baka ma lonely siya. please!!! Sir please..." Pagsusumamo ko kay sir kaya sana pumayag

"Ok lang naman sakin kasi nga tama ka naman ewan ko nalang sa kanya" pag payag ni sir kaya ako ng sumagot para kay Jj

"Opo naman sir. Yan pa. Tara na" sabi ko sabay lapit kay Jj at hinila sa tabi ko kaso lang makakatabi niya pala si Deither kaya siguradong gulo to!!!

"Ok class that's for now dahil ibibigay namin tong linggo nato for your clubs so yung may mga clubs na pwede na kayong pumunta sa clubs niyo, yung mga wala naman may mga booth ng club sa baba and commonly yung mga booths sa baba is yung mga clubs na hindi pa puno ang balita ko tatlong clubs ang hindi na available. Music, cooking, and cheerleaders club. Yung iba naman kasi may mga requirements or Audition bago maka pasok kaya mahirap maka pasok, pero kayo kung saan kayo compatible doon kayo ok!"Pagpapaliwanag ni sir

At sa isang iglap yung room namin naging wild parang hindi mga college students yung nasa loob sa sobrang ingay!!!. Yung mga babae nag tilian sabay sigaw doon sa mga crush nila ng sabay sabay tapos yung mga lalaki naman nagpalakpakan kaya ayun doomed miski si sir hinayaan nalang sila kung saan sila masaya

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon