Chapter 28
LEO'S POV
Mabilis lumipas yung mga araw at mas lalong gumulo yung mga araw ko dito sa eskwelahan, kesyo sikat na daw ako, Ambassador narin ako, kaya parang mas lalong lumiliit yung mundo para sakin, pero hindi lang yun. Dahil miski sa labas ng eskwelahan may nangungulit parin sakin galing sa iba't ibang mga eskwelahan,
Ayaw ko naman na talagang maging isa sa mga ambassador ng school namin. Ayaw ko ng kasikatan kaso... sayang din kasi yung mga privileges na matatanggap ko lalo na yung pwede kung gamitin yung pool, yung courts pati narin yung funds ng school na maaari naming hiramin para sa gagawin naming project sa club namin. Hindi naman malaki yung fund na yun pero makakatulong parin yun para sa transportation namin.
Pagkapasok sa room wala pa yung tatlo usually sila yung nauuna sa akin pumasok kasi inihahatid ko na muna si Jasser sa school nila.
Habang nag aantay sa mga mokong nayun inayos kona yung schedule ko pati narin yung surprise party na gagawin ko, at mamayang lunch kakausapin kona si Xandrei about dun sa surprise na gagawin namin. Sana naman maaasahan kona sa ngayon sabi ko sa sarili ko
JJ'S POV
"Sino kaya yung batang yun? kaano ano ba ni Leo yun? Bakit kaylangan niya pang ihatid bago siya pumasok?" Yan yung mga katanungan na tumatakbo sa isip ko ngayon, siguro hindi lang sakin pati sa dalawa ko pang kasama kasi pinagplanuhan na namin to. At hindi nga kami nagkamali may pinaghahandaan nga si Leo at tinanong kona din si Manang about dun at miski si Manang nagtataka bakit nagpaluto si Leo ng spaghetti pati Carbonara.
"Ano tara na malelate na tayo nyan eh" reklamo ni Deither
"Oo nga J, tara na" pagsang ayon naman nung isa
"Ok sige... tara malalaman din naman natin mamaya yung plano niya pati kung sino ba talaga yung batang yun" sabi ko sa dalawa at pumasok na pero hindi sa room ang diretso namin kung hindi sa canteen. Dahil wala pa kaming kain sa pagmamadali naming tatlo
"Ano tara na?" Pag aaya ni Lucas halatang takot na takot ma late eh Hahaha
"So anong plano niyo?" tanong ni Deither habang naglalakad kami
"Kaylangan natin siyang sundan mamayang uwian" sabi naman ni Lucas
"Oo susundan natin siya" pagsang ayon ko
"Ang tanong paano? eh mamaya rin yung club opening kaylangan lahat tayo nandun" segunda ni Lucas
"Oo nga Jj paano?" Sabi nung dalawang walang silbi kahit kelan
"Ako ng bahala mamaya kona sasabihin sa inyo" sagot ko sa kanila. Dahil may nabubuo na akong plano
LEO'S POV
Simula nung dumating tong tatlong to wala ni isa sa kanila yung umiimik nakakapanibago.
"Anong meron? Bakit ang tahimik niyo?" Takang tanong ko dun sa tatlo
"Wala!" Sabay sabay nilang sagot kaya isa lang ibig sabihin nito may tinatago sila sakin
"Ano nga sabihin niyo na" pagpupumilit ko
"Ikaw baka may gusto kang sabihin samin" biglang sagot ni Jj na parang napaka lamig nakakataas balahibo
"Ano naman yun?" Maang maangan kong sagot dahil meron naman talaga akong tinatago sa kanila marami pero hindi pa ito yung oras para dun
"Wala wala" sabi ni Jj at muli na naman silang nanahimik kaya pinabayaan ko nalang
Lunch break na at iniwan ako nung tatlo miski kaninang recess iniwan din ako buti nalang pinapabaunan ako ni Manang lagi

BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...