SWEETNESS

62 2 0
                                        

Chapter 34



LEO'S POV

"Aray!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit

"Oh... Anong nangyari sayo?" sabi ni Thimoty at lumabas ng banyo na nakatapis lang

"Hindi ba halata" sarkastiko ko kong sabi dito habang hinihilot yung bandang likuran ko

"Ayan kasi kasasabi ko lang sayo kanina na mag ingat ka" Nag aalalang sabi nito

"Sorry na nagmamadali lang. Kasi naman yung iniisip nila Jj kanina" pagdadahilan ko

"Pwede naman kasing mamaya nalang" sabi nito at inalalayan nakong tumayo "Umupo ka muna dyan at sabay na tayong pupunta sa baba. Kaya mas nagmumukha kang guilty eh OA mo mag react" sabi nito tsaka bumalik sa banyo para tapusin ang paliligo niya

Kaya naghintay talaga ako sa kanya hindi naman siya masyadong nagtagal at lumabas din siya agad at dumiretso na sa cabinet para kumuha ng damit

"Leo yung boxer mo nalang muna hihiramin ko, nakakahiya kasi kung pati brief hihiramin kopa sayo" sabi nito tsaka humarap sakin

"Oh bakit may nakabakat na dyan" natatawa kong sabi sabay turo sa nakatapis na tuwalya sa kanya

"Malamig kasi" paliwanag nito

"Teka sige na kunin mona yung brief dun sa pinaka unahan. Yung Bench na kulay blue, bago lang yun kaya ok lang" sabi ko dito

"Sure ka? Nakakahiya naman lahat nalang pinahiram mona sakin" Nahihiyang sabi nito

"Marunong kapa palang mahiya matapos mo akong halikan sa harap ng maraming tao? Tapos ipagsigawan na liligawan moko" sarkastiko kong sabi dito

"Aba syempre dina ako mahihiya magiging boyfriend na kita" pa cool na sagot nito

"Boyfriend mo mukha mo. Bilisan mona dyan. Mukhang tayo nalang ata inaantay nila sa baba" pag-iiba ko ng usapan

"Oo yan na nga eh. Teka Leo mamaya punta tayo sa bayan samahan moko mamalengke ako ng mga damit ko, kasi sa makalawa pa tayo uuwi, mawawalan na tayo parehas ng susuotin" sabi nito na sinangayunan ko nalang

Pagkatapos niyang magbihis bumaba na kami agad pero syempre nakapasan lang ako sa kanya kesa naman daw pilitin kopa maglakad matatagalan pa daw kami sa pagbaba

Pagkarating namin sa dining area ang dami ng tao tapos yung pang aasar agad ni Josh yung bumungad samin

"Ohhh mukhang ang hard ng paglalaban niyo kagabi ah" sabi nito habang nakangising asong tumitingin samin

"Ohhh Leo binigla kaba ni Thimoty? bakit ganyan ka maglakad parang napwersa ka masyado" dagdag pa ni Larry

"Anong pinagsasabi niyo?" painosente kong tanong "Thimoty ikaw nalang kumuha ng pagkain natin ahh sakit parin kasi ng pwet ko eh" pakiusap ko dito pero hindi ako nakatakas sa mapanghusgang tingin ng mga kasama ko

"Nakailang rounds ba kayo?" Tanong ni Jj

"Rounds saan?" Inosente kong tanong habang dumudukot sa plato ni Lucas

"Wag kana mag maangmaangan pa ilang position yung nagawa niyo" malisyosong tanong na naman ni Josh

"Anong positions ba? Hindi naman ako malikot matulog ahhh" sagot ko dito sabay subo doon sa hotdog na kinakain ko

"Nag SEX na kayo!?" diretsong tanong ni Jj kaya nabuga ko yung hotdog na kinakain ko

"Hoyyy bunganga mo" saway ni Deither dito paano ba naman isigaw ba naman sa buong dining hall. Tuloy lahat sa amin na nakatingin

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon