Impossible Dinner

193 3 0
                                        

Chapter 3

LEO'S POV

Here we are going back home at medyo late narin kasi nag enjoy ako sa Arcade

Nakatitig lang ako sa bintana kasi medyo napapagod narin ako dahil sa dami naming nagawa

"Nag enjoy kaba?" pangbasag niya sa katahimikan

"Syempre naman" sagot ko agad

"Ehhh bat parang malungkot ka?" segunda niya

"Hahaha di ahhh pagod lang ako kaya ako matamlay" sabi ko naman which is true pagod na talaga ako kaka laro kanina

"Ahhhh kaya. Ehhh bat dimo mabitawan yung Teddy bear nayan?" habang tinuturo yung hawak kong Bear

"Ang lambot kasi" -dahilan ko naman "teka mag drive kana nga lang dyan mabangga pa tayo ehhh" pag iiba ko ng usapan. Naalala ko tuloy yung kanina kung paano ko nakuha tong Teddy bear ko

.............FLASHBACK.............

"TEKAAAA MAY TOKEN PAKO" sabi ko na naiinis kay Josh

"Ilan paba yan" tanong niya na nagmamadali

"Lima pa sayang lalaro lang ako" palusot ko sa kanya

"Ano namang laro anong oras na ohhh pagagalitan tayo" iritable niyang sabi

"Sandali lang yung maraming Ticket yung kaylangan ko" segunda ko

"Bakit naman?" -Josh

"Syempre kulang pato mga 200 tickets pa"

"Hayyssstt ok sige dun sa may color game madaming ticket dun" -Josh

"Baka mahirap naman" medyo nanghihinayang kong tanong

"Di ahhh tataya kalang tapos hihinto yung ilaw kung saan may ilaw yun yung panalo" Josh

"Ahhh sigee sigee"

Kaya nagmadali na kami doon at di nga siya nag loloko dami naming panalo

"Ohhh diba" sabi niya na nag yayabang sus kala mo daming natulong "ano ba gagawin mo dyan?" -Josh

"Papa palit ko sa Teddy bear na yun ohhh" sabay turo sa Teddy bear na Blue na medyo may kalakihan pero ok nayun kesa wala

..........END OF FLASHBACK.........

Back to reality at nandito na ako sa tapat ng Gate dina ako nag pahatid kay Josh sa loob. Akmang bubuksan kona sana ng marinig ko si Josh na sumigaw

"See you tomorrow" -Josh

"See you din"sagot ko pabalik at tuluyan na siyang umalis. Akmang bubuksan kona sana yung pinto ng kusa itong bumukas

"Leo bilisan mo kanina kapa nila inaantay" Si Manang lang pala pero sinong nila siguro si Kuya at Mommy lang yun, Pero bakit pa ako inantay?

"Sigeee po Manang thank you po" sabi ko nalang. At Dahil may nag aantay nga daw sakin diretso na ako ng Dinning Area pero tekaaa namamalikmata lang ba ako o totoong kumpleto sila?

"Daddy?" tanong kong gulat na gulat

"Ang tagal mo saan kana naman ba nang galing?" Daddy

"Nako Hon kasama niya lang si Josh galing dito kanina" Mommy

"Ok sige maupo kana dyan at kakain na tayo" Daddy

Pag upo ko sa tabi ni Kuya may binulong siya sakin

"You're just right on time" bulong ni Kuya

"Bakit di paba kayo nag uumpisa?" Tanong ko pabalik

"Dipa kararating lang din ni Daddy at Mommy kaya di siya nagalit Late din siya" habang tumatawa si Kuya ng mahina buti nalang di kami napansin nila Daddy

I'm going to Call this dinner a Impossible Dinner. Bakit dahil ang huling Dinner namin na kumpleto kami is 10 years ago pa. Pero dipa yun Formal Dinner kasi 7th Birthday ni Kuya yun kaya dami nilang bisita kaya hindi rin naman yun tinatawag na Formal Dinner na kami kami lang pamilya. At yun na yung pinaka huli sa lahat dahil after that dina nasundan kahit kaarawan ko, ni Mommy, ni Daddy kahit ni Kuya na paborito nilang anak wala sila

Kung hindi si Daddy wala si Mommy o kaya si Kuya pero ako never akong nawala sa lahat ng Dinner minsan nga ako lang mag isa pero para diko ma feel na mag isa ako pinapa sabay ko nalang sila Manang

"Daddy bakit napa uwi kayo kala koba may Out of Town meeting pa kayo? miski si Mommy sa Hong Kong?" tanong ko agad sa kanila

"Ahhh yun ba Yes meron pero sa Guam naman kaya dumaan muna ako dito para palitan yung mga dala kong damit" sagot ni Daddy sa tanong ko

"Ikaw Mommy?" sabay tingin kay Mommy

"Uhmmm nak na postponed yung meeting ehhh kasi madaming di makaka attend" pag dadahilan ni Mommy pero parang di naman totoo

"Ohhh sige mag pahinga na kayo dahil may pasok pa kayo bukas at diretso ng uwi ahhh dahil may espesyal tayong bisita" sabi ni Daddy

Umpisa palang alam ko ng may mali ehhh parang may tinatago pa sila kaya agad agad akong umakyat para mag pahinga.

Gabing gabi ng naalimpungatan ako at uhaw na uhaw. Kaya bumaba na ako agad para uminom ng tubig tsaka umihi narin meron naman akong sariling CR sa room ko pero kesa mag aksaya ako ng oras sa pag punta sa CR ko dito nalang since madadaanan ko naman siya papuntang hagdan. Papaakyat na ako ng marinig ko na may dalawang taong nag uusap at parang nag tatalo pa kaya agad kong sinundan yung ingay at napunta ako sa opisina ni daddy sa bahay sa kabilang dulo ng Hall way kaya agad akong nakinig sa usapan nila

"Ano pag papanggapin mo yung anak natin nahihibang kana ba?" Parang boses ni Mommy yun kaya sumilip ako ng kaunti

"Di ako nahihibang Ciara gusto ko lang na sa anak natin mapunta yung kayamanan ng matandang yun" sila Mommy at Daddy nga pero bat sila nag tatalo

"Para sa Pera at Kayamanan handa mong lokohin yung matanda.  Kawawa naman yung matanda. Tsaka paano yung bata, paano si Leo ha?" Mang loloko? Ano ibig sabihin nun

"Matalino siya diba kaya niya na sarili niya. Kaya niyang mabuhay mag isa tsaka may kompanya tayo edi sa kanya na yung atin kay Geo yung sa matanda" pati kami ni Kuya nadamay

"Nahihibang kana talaga Oscar" Mommy

"Ginagawa ko lang ang makaka buti para sa anak natin" Daddy

"Anak natin oh anak mo lang" sabi ni Mommy at tumalikod na kay Daddy lalabas na siya ng kwarto kaya dali dali akong tumungo sa kwarto ko at napa isip

Anong pag papanggapin si Kuya tsaka Bakit? Lolokohin yung matanda sinong matanda naman yun tsaka bakit interesado silang makuha yung kayamanan nun? Tsaka anong sinabi na anak lang ni Daddy? Sino yun si Kuya di anak ni Mommy.  Edi kaninong anak si Kuya? "Hayssstttt dami kong iniisip mapupuyat ako nito ehhh" sabi ko nalang sa sarili at kinuha yung Teddy bear ko at niyakap tinignan kona din yung oras sa telepono ko it's 12 midnight bakit kaya gantong oras mag uusap sila Mommy haysstt itulog kona nga lang to may pasok pa ako bukas First day na First day puyat at may Eye bag ako

SOMEONE'S POV

Hahaha tignan natin kung sino ang mag tatagumpay sa huli

"Sorry Bro wala kana ehhh sayang naman sana ikaw nasa posisyon ko edi sana ikaw na yung mayaman ehhh kaso tatanga tanga ka mag drive ayan tuloy wala kana Hahahaha" habang hawak ang litrato nilang mag kapatid

"Bwisit kaaaa kung dimo sana inagaw sakin Catherine edi sana buhay pa siya ngayon edi sana di kayo namatay ehhh pakielamero ka kasi mang aagaw kang Hayop ka mag sama kayo sa impyerno" sabay hagis ng litrato ng mag asawa sa pader

.......AUTHOR'S NOTE.......

sino kaya yung matandang lolokohin nila at sino kaya si Catherine at yung mag kapatid sa litrato at bakit parang ang laki galit ng taong to sa kanila

Sabay sabay natin kilalanin ang mga bago Character na eeksena sa buhay ni Leo

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon