LEO'S POVIsa nalang kulang sa kwarto at siguradong tapos nato at yun ay..... Orasan. kunin ko nalang kaya yung Wall clock ko sa kwarto o kaya bibili nalang ako ng bago. Habang nasa gitna ako nang pag iisip biglang sumingit yung nangyari kanina.
××××××FLASHBACK××××××
"Anong kaguluhan meron dito?!!!" Sigaw sa ma awtoridad na boses ng Lolo ni Kuya
Hindi muna ako sumagot inaantay ko lang yung dalawa mag salita
"Uhm... kasi po... Kasi...." Utal na sabi ni Lucas
"may LQ lang po kami ng Boyfriend ko" sabi naman ni Rico
"Opo LQ lang po.... Wait! What?!!" Gulat naman si Lucas sa sinabi ni Rico miski ako nagulat sa dinahilan pero imbis na sumingit ako inantay ko nalang yung mangyayari mas nakaka excite.
"If you'll excuse us Sir. We will continue this discussion upstairs" pag papaalam naman ni Rico and that's my cue to go back to my room hindi yung sa Attic yung sa kwarto ko talaga dito sa second floor
×××××END OF FLASHBACK××××××
Ano na kayang nangyari sa dalawang yun nakaka excite na nakaka kilig. Wait to clean your all thoughts kung ano ba talaga ako hinda kopa po talaga alam. Mabilis lang talaga akong kiligin sa ganyan kasi I found it so romantic kahit na parehas silang lalaki. Halos lahat kasi ng stories ng boy and girl pare-parehas lang nakakasawa na, kaya mas trip ko yung Boys love stories may thrill na, mas may pinanghuhugutan pa. Pero di dapat yun yung pagtuunan ko ng pansin kung hindi ang pasukan sa monday.
LUCAS POV
"Heyyy Lucas totoo ba?" Tanong agad ni Kuya, pero ayaw kong sagutin wala ako sa mood para makipag Hot seat sa kanya kaya binalewala ko nalang siya pero bago pa ako maka-akyat may pahabol pa siyang sinabi na nag pahinto talaga sakin
"Kaya kaba galit sa mga kagaya ko?" Pahabol na tanong niya. Kaya dina ako nakapag pigil at sinagot kona siya
"Kuya kung galit ako sa katulad mo edi sana matagal na kitang isinumbong kina Mama pero wala kang narinig sakin diba?" Sagot ko na may diin at tuluyan kona siyang iniwan doon.
RICO\RICCI'S POV
"Sa tingin ko hindi parin nawawala yung nararamdaman ko para kay Lucas" nasabi ko nalang sa sarili ko habang nagda drive papauwi pero bago pa ako makarating biglang tumawag si Mommy sakin
"Hello Mom?" Tanong ko agad
"Hello Nak mawawala kami ng Daddy mo for few days, may out of Town meeting kasi kami sa iba naming business partners kaya sa labas ka nalang kumain ok love you bye" sabi ni Mommy sa kabilang linya
"Pero Mom yung..." sasagot pa sana ako ng bigla kong patayan ni mommy
Ibig sabihin walang tao sa bahay kaya nagbago agad yung isip ko, Ayaw ko pang umuwi wala din naman akong madadatnan dun. Kaya kinabig ko agad yung manibela at nag U-Turn. Pero diko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa napunta ako sa isang pamilyar na lugar, eto yung lugar na paboritong puntahan ni Lucas, kahit nung bata pa kami hanggang sa nagustuhan kona rin dito.
Kaya dali dali akong bumaba ng sasakyan at pinuntahan ko yung paborito kong spot pero pag tingin ko may tao at mukhang kilala kona kung sino yun at hindi nga ako nagkamali si Lucas yun at mukhang may malalim na iniisip siguro kaylangan nito ng kausap.
LUCAS POV
Dahil di ako mapakali sa kwarto mas ginusto ko nalang na lumabas. pag tingin ko sa tapat ng gate wala yung kotse ni Kuya ibig sabihin umalis yun kaya ako kinuha ko nalang yung bike ko para makapag libot libot hanggang sa napunta ako sa pinaka paborito kong lugar. Naupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno "buti nalang talaga hindi umulan" sabi ko sa sarili ko habang papa upo ako.
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
RandomLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...