LEO'S POV
Gabi narin kaya hindi na muna namin tinapos nila Manang yung mga gagawin pero na baba naman na namin yung iba dahil dumating na si Kuya Nestor dala yung mga pintura at tinulungan narin kami
"We're home" sigaw ni Mommy kaya agad agad akong tumalima sa pag kaka upo ko sa sala at tinungo ang pintuan para sabihan si Mommy na nakapag ayos na kami ng kaonti dun sa Attic
"Ohhh anak musta pag aayos mo sa lilipatan mong kwarto?" Tanong agad ni Mommy
"Yun nga gusto kong sabihin sa inyo Mommy ehhh diko pa natapos kinapos po kami sa oras baka sa Saturday or Sunday tapos na yun" pag papaliwanag ko
"Ahhh ok sige sige take your time lang nak dika namin minamadali"
"Ohh Leo buti naka uwi kana ano naumpisahan niyo na ba ang pag aayos ng bago mong kwarto?" bungad ni Daddy
"Opo Daddy kinapos lang sa oras kasi hapon na ako naka uwi ehhh"
"Ahhh ok sige sa weekend niyo na tapusin mag focus ka muna sa studies mo baka bumaba yung grades mo" pag papa alala ni Daddy
"Opo Daddy"
At pag katapos namin mag kamustahan kumain na kami ng tahimik siguro dahil pare-parehas kaming pagod wala ng nag tangkang mag salita hanggang sa natapos na kami umakyat na ako at nag half bath narin pero ng ilalagay kona sa labahanan yung shorts na suot ko na kapa ko yung litrato kanina bakit kaya kahawig ko yung babae sa litrato ka ano-ano kaya siya nila Mommy at siya kaya yung Mommy ni Kuya Haysssttt sakit na ng katawan ko kaya kahit 7 palang natulog na ako tinago ko nalang yung litrato sa maliit na box na pinaglalagyan ko ng mahahalagang bagay na ibinigay sa akin tulad nalang ng isang kwintas na ang pendat ay dalawang singsing
Kinabukasan maaga akong nagising dahil ayaw kong malate kaya dali dali akong nag ayos ng kama naligo at nag bihis bumaba narin ako para mag almusal pag baba ko nag hahanda palang sila Yaya ng Almusal buti nalang luto na yung sinangag at Hotdog dina muna ako maglo Longganisa dahil ayaw ko masayang yung oras may aasikasuhin pa kasi ako dipa naman ako Totally naka bihis kasi wala pa akong Uniform nasa baba naman na lahat pero aakyat pa ako ng Attic dahil may kukunin pa ako
"Yaya paki handa napo ng Sandwich na babaunin ko" sabi ko kay Yaya
"Wag ka mag alala eto na patapos nako nakita palang kitang pababa ginawa kona agad dahil mukhang nag mamadali ka ehhh" sabi ni Yaya na tila natatawa sa kinikilos ko
"Hahaha ganun poba sige po may kukunin lang ako sa itaas tapos aalis na ako agad alam niyo naman po mahirap na" pagpapaalala ko kay Yaya si Yaya talaga gumagawa ng Sandwiches ko tapos si Manang yung nagpre prepare
"Hahaha oo sige baka masalubong mo si Manang pakisabi gisingin na si Kuya mo baka malate pa yun" pakikisuyo ni yaya
"Hahaha Yaya 5:30 palang po ng umaga" sabi ko habang naka tingin sa relo ko
"Hahaha nako alam mo naman kung gaano kahirap gisingin ang Kuya mo" pagpapa-alala sakin ni Yaya
"Oo nga po pala sige ya may kukunin lang ako" sabi ko at agad na umakyat para kunin at ibalot yung ibibigay ko sa Little Bro ko isang laruan lang na kotse na hindi pa nabubuksan
Pagka baba ko nakita kona yung si Daddy at Mommy na nag aalmusal kaya binati kona sila agad
"Morning Mommy, Daddy,"sabi ko sabay halik sa pisngi nila
"Ohhh bakit nagmamadali ka ata" tanong ni Daddy
"Daddy alam mo naman kung bakit" pagpapa alala ko
:Hahaha nako kang bata ka Ohhh" sabay hagis ni Daddy ng susi
"Para saan po ito?" Takang tanong ko
BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
CasualeLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...
