SLEEP OVER

84 3 0
                                    

Chapter 15

LEO'S POV

Gabi na kaya nag uwian na sila pero syempre si Lucas hindi kasi dito siya matutulog kaya may katabi ako ngayon, buti nalang di ako malikot matulog kaso mahilig mang yakap. paano ko nalaman? Syempre sa napaka bait kong kuya

"Tara na Leo pasok na tayo" pag-aaya ni Lucas kaya pumasok na kami na ayos kona yung room ko, so yung ibang gamit na akyat kona like yung Sofa ko, computer, mga libro at marami pang ibang naiwan dahil aayusin pa namin ni Lucas yung Arrangements ng mga istante buti na nga lang may malaking cabinet dun kung hindi bibili pa ako ng mga drawers at aparador. At speaking of drawers inaakyat kona yung isa kong drawer mabigat siya ng konti kasi plastic lang naman tapos wala pang laman dahil pinag lalabas ko

"Ohh ayan na Leo tapos na yung drawer yung iba naman" sabi nito na tila walang kapaguran

"Hahaha tama na muna yan bukas naman yung iba kain na tayo sa baba gutom nako ehhh" sabi ko habang nakahawak sa tyan ko kunyari gutom na gutom na kahit hindi pa naman

"Ok sige para makapag pahinga kana din" pag sang-ayon niya agad

"Tara na bilis" sabi ko tsaka siya hinila pababa

"Manang luto naba yung ulam?" bungad ko pag ka baba namin ni Lucas

"Oo Leo teka pag hahanda kona kayo" sagot nito

"Thanks po" pagpapasalamat namin ni Lucas

Habang kumakain tahimik lang kami siguro dahil parehas kaming gutom hanggang sa matapos na kami umakyat na kaming lahat lahat wala parin nag sasalita

"Uyyy bakit ang tahimik mo?" Pangbabasag ko sa katahimikan

"Wala napapa isip lang ako kasi parang nakaka ilang lang kasi kaka kilala lang natin tapos makiki tulog agad ako sa inyo" pag dadahilan niya which is true naman pero hindi naman na bago sakin yun kasi bihira lang ako mag karoon ng kaibigan

"Ano kaba syempre malaki tiwala ko sayo alam ko naman na mabait kang tao kaya ok lang yun tsaka si Larry dati nagagawi naman nayun dito kaso hindi lang ata kami nagpapang abot" pagpapaliwanag at pag papagaan ko sa loob niya para gumanda narin yung mood niya

"Sabagay mabait naman ako tapos gwapo tsaka ma appeal pa kaya hindi kana lugi Hahaha" sabi nalang niya kaya sinakyan ko nalang para gumanda yung mood

"Oo nga ehhh ang gwapo kaya wala kang jowa hiyang hiya sila sayo eh artistahin ka daw Hahaha" pang aasar ko

"Hahaha syempre dapat mahiya sila aba makita lang ako blessing na paano pa kaya pag makausap pa ako" pag yayabang nito

"Hala nasa Antarctica ba tayo? ang lamig— grabi ang hangin parang umuulan na ng snow, grabi dumagdag pa ata yung lakas ng hangin. penge ngang Jacket ang lamig ang hangin huuuu" pang babara ko

"Hahahaha suportahan mo nalang ako wag ka ng kumontra" sabi bigla nito sabay pout Hangkyut!!! "kaibigan ba talaga kita?" dagdag niya pa

"Oo kaibigan mo kaya nga ginigising kita sa imahinasyon mo ehhh Hahaha" nasabi ko nalang sabay gulo ng buhok niya kahit matangkad siya sa akin ng konti

"Oyy oyyy mahirap mag ayos ng buhok no" asar na sabi nito

"Cute mo kasi para kang aso Hahaha" pang aasar kopa

"Ayyy bat ang sakit mo mag salita para namang hindi mo ako kaibigan nyan" sabi nito na tila napipikon na

"Ok lang yan Lab naman kita eh" pang aamo ko

"Lab ka dyan Kiss mo nga ako kung Lab moko" sabi nito sabay turo sa pisngi niya habang naka nguso

"Hahaha mamaya na yung Good night kiss maaga pa 7:50 palang oh" pag papalusot ko

"Sige mamaya ahhh hindi kita patutulugin mamaya hangga't hindi mo ako kinikiss" paninigurado nito

"Hahaha sigurista Joke lang uyyy" sabi ko kaya biglang napa Pout ito

Matapos namin mag ayos ayos pumunta na kami sa kwarto para mag pahinga

"Tara tulog na tayo Leo" pag aaya nito

"Sige una kana Lucas mag half bath" muna ako sabi ko dito kaya dire diretso akong pumunta sa CR para maligo.

Pagka labas ko ng CR nadatnan ko nalang si Lucas na tulog pagod na pagod siguro to sabi ko nalang ng pabulong habang naka tingin sa napaka amo nitong mukha, Kaya ako rin ay nag handa na para matulog pero bago yun tinignan ko muna yung isang box ng Trophies na naipon ko dahil yung iba nasa estante pa ihuhuli kasi naming i akyat tong mga trophies kaya pwede pa akong mag nilay nilay sandali para alalahanin yung mga panahon na sila Tito Jason At Tita Ally yung nag sasabit ng Medals ko at kasama kong tumuntong sa stage pag nananalo ako sa mga Contest.

"Hayssttt na miss kona talaga sila Ninong at Ninang maka bisita nga dun sa sabado" sabi ko nalang sa sarili ko habang inaalala lahat ng mga yun pag katos ko mag nilay nilay pinatay kona agad yung ilaw para matulog nadin dahil maaga pang may mangbubulabog sa bahay Hahaha.

Maaga akong nagising para maayos kona yung mga damit ko tapos ihuhuli ko nalang yung mga trophies dahil madali nalang naman ng iarrage nun.

"Ohhh Iho bat ang aga mo ata" nagising bungad ni Manang

"Ahhh inayos kona po yung mga damit ko tapos ia akyat kona din po, iinom lang po ako ng gatas ngayon tapos sasabay nalang ako sa kanila mag almusal ipatawag mo nalang po ako kapag gising na sila" mahabang lintaya ko

"Oh sige sige titimplahan na kita" sagot ni Manang

"Ako nalang Manang kaya kona naman na tapusin niyo nalang yung ginagawa niyo" pag prepresinta ko

"Ok sige sige tapusin kona tong niluluto ko dahil isusunod kona yung paborito mo" sabi ni manang ng nakangiti

"Speaking of paborito eto na yung mga stuffed toys mo Leo" biglang singit ni Yaya

"Thank you Ya aakyat ko na yan pag katapos kong uminom ng gatas" sabi ko agad sabay hablot nung isang ropero ng stuffed toys pero dipa lahat yun

"Ok sige sunod ko nalang yung iba sa taas ahhh" sabi ni Yaya

"Ok po" sabi ko nalang tsaka dire diretso sa pag tungga ng gatas tapos sila Manang at Yaya naman umalis na para tapusin yung mga gawain nila at ako naman umakyat na dahil aayusin kopa yung mga damit nakakahiya naman kung makikita nila yung mga Underwears ko Hehehe.

"Leo kain na daw" biglang sulpot ni Lucas habang nag aayos ako ng Underwear ko

"Oo na sige na una kana sa baba susunod nalang ako" pagpapaalis ko sa kanya baka kasi makita niya yung mga briefs ko

"Ehhh nahihiya nga ako ehhh" pag rarason nito

"Wag ka mag alala mabait naman sila Yaya ahhh gusto mo dun mo nalang ako antayin sa kusina nandun si Manang bilis baba na baka lalo pa tayong mapagalitan kapag hindi kapa nagpakita sasabihin nun pinagaantay natin yung pagkain" pagpapaalis ko dito

"Sige na nga bilisan mo ahhh" sabi nalang nito habang kumakamot sa ulo

"Oo na baba na" pagkaalis niya inayos kona agad yung mga briefs ko para makababa na

Pagkababa ko naalala ko naiwan ko pala yung phone ko sa kwarto ko pero diko alam na may tao pala

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko!?"

***********×××××××××**********

Ayaw ma ipublish Guysss kaya natagalan po......

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon