OLD FRIENDS

49 2 0
                                        

Chapter 35


Makalipas ang ilang oras na byahe nakarating din naman kami ng ligtas sa pupuntahan namin. Ang kaso hindi lang pala kami ang nandodoon kasi tumawag ulit yung lolo nila Lucas at sinabing nandoon din daw pala yung mga pinsan nila

"So ready naba kayong makilala yung mga pinsan namin?" Sabi ni Larry pagkaparada ng sasakyan

"Ang sabi sakin ni Lucas kauuwi lang daw nun galing States kaya malamang mga English speaking yun" singit naman ni Rico

"Hindi din 2 years palang naman sila dun so probably sanay parin sila mag tagalog" paliwanag naman ni Lucas

"Ok sige bumaba na tayo kanina pa daw nag aantay yung mga pinsan niyo" pag awat naman sa kanila ni Josh

"Ok sige, tara" sabi ko tsaka binuksan yung pinto

"Sure ka Babe? baka mamaya mga englishero tapos ako nganga lang sa isang tabi" sabi ni Jj na kanina pa nakakapit sakin at hindi mapakali

"Malay mo mga gwapo yun, moment mo nayun" pangchicheer up ko dito

"Sabagay... sige sige ikaw nalang gagawin kong interpreter" sabi nito kaya napa face palm nalang talaga ako

"Ok sige, una na kayo sa loob aayusin ko lang pag park ng van. Susunod nalang ako" sabi ni Josh kaya nauna na kaming pumasok.

Well kanina pa nauna si Larry, kasi hahanapin daw niya yung mga tao sa bahay dahil walang sumalubong samin


Pagpasok namin nakita namin si Larry na pababa ng hagdan

"Guys doon muna tayo sa sala. Pababa narin naman na sila Kuya" sabi ni Larry tsaka nauna ng pumasok

"Leo mas matanda kay Larry yun kasi Kuya, Baka masungit yun" pag aalala na naman ni Jj

"Ok lang yan edi wag mong kausapin problema ba yun" sagot ko lang sa kanya

"Ehhh paano kung gwapo sayang naman" kahit kelan talaga tong babaeng to

"Gwapo pero suplado? parang si Deither lang Hahaha" pang aasar ko

"Manahimik ka nga" sabi nito tsaka nag walk out

"Inaano ka wala naman akong sinabi ahhh sabi ko lang parang si Deither Hahaha" pangungulit ko dito

Pagkapasok namin sa sala nagkanya kanya na silang upo sa couch kaya ako nawalan na ng upuan, no choice kung hindi mag antay ng nakatayo. Well pabor naman sakin yun kasi ilang oras kaming nakaupo sa Van

"Guysss nandito yung mga bisita. Bumaba na kayo" rinig kong sigaw nung pinsan nila Larry. Yung kuya ata nila

"Leo" pagtawag sakin ni Jj kaya nilapit ko ng konti yung tenga ko sa kanya "pamilyar yung boses nung lalaki" sabi nito

"Oo nga ehhh pamilyar talaga parang narinig ko nayun dati" pag sang ayon ko nalang

Maya maya may pumasok ng lalaki

"Leo!" gulat na tawag sakin ni Jj

"Oo nakikita ko naman" sinabi ko kahit wala pa naman siyang sinasabi

"Ohhh hey guys..." Saglit siyang napatahimik "Leo? Jj?" Gulat na tawag nito samin

"Marco?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at hindi parin ako makagalaw

"Ohhh Kuya asan na yung mga bisita" sabi naman nung isa pang kararating lang at kung hindi ako nagkakamali si Jericho yun

"Wait Leo is that you?" Masayang sabi nito ng makita ako

"Hoyyy Mr Jericho nandito din ako ohhh" pagtawag pansin ni Jj

"What are you guys doing here?" Tanong nito

PAST IS PAST (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon