Chapter 25
LEO'S POV
"Ayan ah... marunong kana. Pero huwag ka pa rin munang maglalaro nito sa lugar na maraming sasakyan, at baka masagasaan ka. Maliwanag ba?" Pagpapaalala ko dito habang naglalakad na pauwi
"Opo Kuya!" Sabi nito ng abot tenga ang ngiti "Ay... Kuya gusto ko ng Ice cream" pahabol nito
"Pero kaka kain lang natin baka maimpatcho ka nyan" pero hindi parin siya nag patinag at nagpacute pa lalo with his cute puppy eyes that no one can ever resist "Ok sige pero mamaya mona sa bahay kakainin ah..." pagpapaalala ko
"Opo Kuya pero sana hindi matunaw" sabi nito
"Hindi yan kung bibilisan natin maglakad" sagot ko dito
"Ok sige po Kuya!" ngiting tagumpay naman ngayon Hahaha he's so cute diko alam pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya naalala ko tuloy sa kanya si Xandrei.
Pagkarating namin sa bahay nila simple lang ito sa labas pero mukhang pang mayaman sa loob nakakamangha naman yung pamilya nila
"Pasok kapo Kuya lalagay ko lang ito sa ref para hindi matunaw" sabi nito tsaka nagpaalam at pumasok na sa kusina hanggang sa may bumaba sa taas
"Jasser ikaw naba yan? Yung assignments mo nakakalat lang sa taas. Tapos mona ba sagutan lahat yun?"sabi nung pamilyar na boses galing sa taas. At ng tuluyan na itong bumaba doon ko na kompirma na kilala ko nga siya
"KUYA LEO?! " "XANDREI?" sabay naming sambit
"Kuya Leo anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya
Pero imbis na sagutin siya tinanong ko din siya "Kapatid mo si Jasser?"
"Opo Kuya pangatlo po" sagot nito
"Pangatlo ibig sabihin may kuya pa siya" takang tanong ko
"Opo may kuya pa kami kaso..." Sandali siyang napatigil at nag isip nung sasagot na siya sumingit naman yung isa
"Patay na daw po siya sabi nila Mama" sagot ni Jasser at kumakain na ng ice cream.
"Kaya ka pala natagalan sa kusina sumandok kapa pala ng ice cream" sabi ko dito
"Pero sabi mo kuya pagka uwi eh... Nasa bahay naman na tayo" makatwiran sagot nito kaya napatango nalang ako
"Kuya diba bawal kang gabihin?" Takang tanong ni Xandrei
"Ay... Oo nga pala sige mauna na ako" sabi ko at dali daling lumabas para makasakay agad kaso...
"Ay!!! Sorry po... sorry po talaga" sabi ko dun sa babaeng nabangga ko
"Nako wala yun iho. mukhang nagmamadali ka ata sige na mauna kana baka mahuli kapa" sabi nito sobrang bait niya
"Hindi po i must take my responsibility po. Kasalanan kopo kung bakit kayo natumba, nabangga kopo kayo kaya dapat kopo kayong tulungan" sagot ko dito
"Oh sige... bilisan nalang natin baka mahuli kapa sa pupuntahan mo" kaya nagmadali nga talaga kami, at nung maayos na si Ale tumayo nako at tinulungan ko nadin siya, pero hindi ko man lang matitigan ang mukha niya dahil sa mask na suot niya
"Sige na Iho umalis kana mahuhuli kapa sa pupuntahan mo ayos na ako dito" sambit nito kaya nagmadali na talaga ako
"Sige po pasensiya na po ulit" sabi ko at tumuloy na sa pagtakbo
XANDREI'S POV
"Tagal na naming hindi nagkita" sabi ko sa hangin habang nakaupo sa sofa

BINABASA MO ANG
PAST IS PAST (BXB)
AcakLahat tayo nag hahangad ng isang maganda at marangyang buhay pero paano kung meron ka nga nito pero dimo naman ramdam na kasapi ka sa pamilya nila o kahit man lang may Pamilya ka?? Let's see kung anong gagawin ni Lance Erick Olivares/LEO sa ganitong...