62 - Death Anniversary

13.4K 413 74
                                    


Greetings! Hello kay Ajean Saniel Blas at mga classmates niyang sina Michaela Pedro and Princess Remollino na nagbabasa raw ng OSAFH at tuwang-tuwa ka kay Sam dahil nakakagoodvibes daw. Kaway kaway!

Sa mga gustong magpabati, go lang sa comment box together with your feedbacks. Mehehehe

Yung sa media ay ♡♡♡

+

*****

Napakagaan ng pakiramdam ko. Para akong nasa langit. Parang nababalot ng rainbow ang paligid. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ang mainit na mga braso kuno ni Hiro na nakapulupot sa katawan ko. Nakahiga raw ako sa isa niyang braso habang ang ulo niya ay nasa ibabaw ng ulo ko.

Ayoko ng magising. Sana manatili nalang ako sa panaginip na ito. Ayoko ng umalis.

"Hiro!"

Nakarinig ako ng pagsigaw kasabay ng malakas na pagpukpok sa pintuan yata. Boses ni Shan. Nakakainis naman. Si Shan ba talaga ang kontrabida sa lovestory namin ni Hiro? Pati sa panaginip ayaw paawat eh.

"Hiro! Nawawala si Sam!"

'Hindi ako nawawala. Nasa dreamland ako kaya wag kayong istorbo!' Gusto ko sanang isigaw sa kanya pero ayokong mabitin sa nangyayari ngayon. Ayoko pang gumising. Humanda talaga sakin tong si Shan mamaya. Bakit niya hinahayaan ang kaluluwa niyang maglakbay at manghimasok sa panaginip ko? Next time nga maglalagay na ako ng pangontra sa mga espiritung naglalakbay.

"Hiro-AAAAAAAAAAAAHHH!"

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang malakas na sigaw ni Rain. Parang may milyon-milyong megaphone!

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" Pero sumigaw lang siya na parang walang bukas. Nakita ko rin si Shan sa tabi niya. Pano sila nakapasok sa kwarto ko-

"Fvck it! Ang ingay!"

Automatikong napalingon ako sa bandang kanan ko. Literal na namilog ang mga mata ko nang makita ko si Hiro na dahan-dahang bumabangon habang hawak-hawak ang tila masakit na ulo. At...

"WAAAAAAAAAAAAAHHH!" Agad kong hinila ang kumot at ipinantakip sa katawan ko. "WAAAAAAAA-mmph!" Natahimik lang ako nang ipasok niya sa bunganga ko yung thermometer.

"Ang ingay!"

Sumugod si Shan. Tinulak niya pabalik sa higaan si Hiro at saka hinarangan ng braso niya ang leeg nito habang nakapatong siya. "Anong ginawa mo sa kanya ha?! Hindi kita mapapatuwad! Napakasama mo! Sinira mo ang future niya!"

Tinulak naman siya ni Hiro. "Ang OA nyo! Walang nangyari!"

"Anong nangyayari-whoa!" Bigla namang sumulpot si Kei. Lumaki pa ang mata niya nang makita kaming tatlo nina Shan at Hiro sa kama. "Threesome!"

Hinagisan siya ni Hiro ng unan. "G*go!"

"WAAAAAAH KEI! UTAS NA SI SAMMY!" Naghihysterical na sumbong ni Rain. Ano daw?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon