68 - The Painful Truth

11.1K 384 47
                                    

Waaah! Salamat po ng marami sa feedbacks. I'm contented. Welcome pala sa mga new readers. Gusto ko man kayo pasalamatan personally isa-isa o kaya i-message sa message board niyo hindi ko na magawa. Baka kasi maubos yung free internet ko sa Smart eh. HAHAHAHA. Nagpromote pa. Kaya yun. Tipid much ako. Hahahaha. Sana pala kunin akong endorser ng smart. Lol. And sa mga silent readers na nagpaparamdam na, mabuhay kayo! Pati sa mga suki ng comment box! Hohoho. Makapagpasalamat wagas eh. Hart hart.

* *****

"Sam, gising. Sam."

"Gumising ka."

Nagising ako dahil sa narinig kong mahinang tumatawag sa akin. Dumilat ako at ilang saglit na pinagmasdan ang paligid. Medyo madilim at nakakatakot ang kinaroroon ko. Ah naalala ko na. Nasa attic nga pala kami.

Tiningnan ko ang kanina pa tumatawag sa akin. Nasa kanan ko si Hiro habang sa kaliwa naman si Shan.

"Bakit?"

"Sshh. Wag kang maingay." sabi ni Hiro na bumubulong nalang. Tinuro niya gamit ang nguso ang mga lalaking kasama namin dito. "Tulog sila. Kelangan nating tumakas."

Pinagmasdan ko ang mga lalaki. Yung isa ay nakadapa sa sahig. Ang isa naman ay nakasalampak sa ibabaw ng mesa. At ang isa naman na may suot na shades ay nakaupo sa may gilid ng pintuan habang nakatungo sa ibabaw ng isa niyang tuhod. Tulog nga silang lahat.

"Madaling-araw na kaya himbing na himbing ang mga yan. Kelangan nating makaalis bago pa sumikat ang araw." mahinang sambit ni Shan.

"Pero pa'no?" tanong ko. Nakatali kaming lahat maliban sa akin na kamay lang ang meron. Kaya mahihirapan kami kung sakali.

"Come." tawag sakin ni Hiro. "Lumapit ka sakin. Ilapit mo ang kamay mo sa kamay ko. I'll remove that sh*t on your wrists."

Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit na nag-aalangan ako. Lumapit ako at ibinigay ang nakapatalikod kong kamay sa kamay niyang nakatali patalikod sa isang poste.

Ramdam ko ang paghihirap niya habang pilit na sinusubukang tanggalin ang lubid sa kamay ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero parang wala pa ring nangyayari.

"Fvck. Kelangan natin ng matalas na bagay." reklamo niya. "Kaya mo bang kumuha ng isang piraso ng basag na bote?"

Tumango ako. Nagmasid muna ako para masigurong hindi gising ang sinuman sa mga lalaki. Saka ako dahan-dahang tumayo papunta sa isang tabi kung saan nagkalat ang mga basag na bote na hinagis kanina ni Kian.

"Be careful." bulong niya.

Isang malaking piraso ng bubog ang aksidenteng nasipa ko. Lumikha ito ng mahinang ingay na naging dahilan para gumalaw ang lalaking nakadapa sa sahig. Naestatwa ako habang kagat-kagat ang labi. Lalo pa akong natakot dahil baka magising siya lalo sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero hinimas-himas niya lang ang tenga niya at bumalik sa pagtulog.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon