59 - Official Couple

14.2K 446 76
  • Dedicated kay Mary Jane T. Ponferrada
                                    

Hmmmmm

Nag-inat-inat ako nang magising ako. Ang sarap ng tulog ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Dahil ba to sa napanaginipan kong---

Teka. Panaginip nga ba yung...

Biglang nagflashback sa akin ang mga nangyari kagabi. Lahat. Mula sa pagkidnap, pagsakay sa helicopter, ang set up sa rooftop, sky lanterns, fireworks, confession, at kiss!

Nanlaki ang mata ko nang marealize ang lahat. Agad akong bumangon sa higaan at pumunta sa harap ng salamin. Tiningnan ko ng maigi ang sarili ko.

Napahawak ako sa labi ko. Nagrefresh na naman yung kissing scene habang may fireworks. "WAAAAAAAAAAAH!"

Tumalon ako pabalik sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot at unan. Totoo nga yun! Waaaaaah! Parang sasabog ang puso ko habang iniisip yun!

Muli akong bumangon. Tama. Hindi dapat ako magmukmok dito. Kelangan kong harapin ang lahat.

Pero si Hiro.

WAAAAAAH! Hindi ko alam kung paano sya haharapin. Anong gagawin ko? Ano na ba kami? Pero di ko pa naman sinabing oo diba? Pero ang unang nagsabi na gusto ko sya. Waaaah! Hindi ko talaga alam ang gagawin.

Pero diba hindi ako dapat mahiya?

Tama. Kelangan kong umakto ng normal.

Inayos ko muna ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto. Dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.

Nafreeze ang mga paa ko nang makita ko doon si Hiro. Nasa tapat sya ng stove at may suot na apron. Hawak nya sa kaliwang kamay ang pan at sa kanan naman ang sandok. Ang bango. Nagluluto sya? Parang bihirang-bihira ang ganito ah.

"You're awake." sabi nya na nakaharap pa rin sa niluluto nya. Teka ako ba kausap nya? Malamang. Wala namang ibang tao eh. Alangan namang kausap nya yung kawali. Hoy kawali! You're awake. Imposible naman. Pero waaaah! Pano nya nalamang nandito ako eh hindi naman nya ako nakita? Nandito lang ako sa may pintuan eh.

Hinain nya yung omelet at inilagay sa plato. Naalarma naman ako nang humarap na sya. Pagkakitang-pagkakita ko sa mukhang nya bigla nalang uminit ang pisngi ko. Waaaaah! Naaalala ko kasi yung mga nangyari kagabi eh.

"What do you want? Milk or hot chocolate?" tanong nya.

"U-Uh...huh?" Nagulat ako sa tanong nya. At para hindi nya mahalata ang kaweirdohan ng feelings ko ngayon, wala sa sarili akong dumiretso sa ref. Ni hindi ako makatingin sa kanya. "Uh a-actually kukuha lang ako ng t-tubig." Sakto kasing tubig ang bumungad sa akin eh.

Ramdam ko ang tingin nya sa akin mula sa likuran. Anu bayan. Kung pwede lang akong magtago dito sa loob ng ref ginawa ko na eh.

Matapos kong kumuha ng tubig ay nagmadali akong naglakad. Para pa akong robot para wag nyang mahalata. Pero bago pa man ako makarating sa pintuan ay nahawakan na nya ang braso ko. Waaaaah!

Pinaharap nya ako sa kanya. Ako naman ay hindi na makahinga habang hawak-hawak nya ang dalawa kong balikat. "At saan ka pupunta?"

Napalunok ako ng matindi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "U-Uhh---"

"Aren't you going to eat?" seryoso nyang tanong. Magkasalubong pa ang kilay nya.

"U-Uh. H-Hindi ako n-nagugutom eh." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay nagdedebate ang mga alaga ko sa tyan.

"No. I don't believe you." Hinigit nya ako at biglang pinaupo sa mesa kaharap yung mga pagkain. "Eat."

ASDFGHJKL! Si Hiro ba to? Bakit parang iba sya? Mukha pa ring masungit pero basta may iba eh.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon