14 - V-Shaped Toot Toot

15.9K 481 25
                                    

Puting kisame ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. Sa umpisa ay malabo pa ang paningin ko pero hindi nagtagal ay nagiging malinaw na ang lahat. Ilang saglit kong tinitigan ang kisame hanggang sa nagsimula ng umandar ang utak ko.

Teka, nasan ako?

Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga kaya lang pakiramdam ko napakabigat ng ulo ko at hindi ko man lang ito magawang buhatin. Napahawak pa ako rito nang makaramdam ako ng kirot.

"Sam!"

Doon ko lang napansin si Shan. Nasa tabi pala sya ng hinihigaan ko. Inalalayan nya ako sa pagpupumilit kong bumangon pero sa halip na ibangon ako ay ibinalik lang nya ako sa pagkakahiga. "Wag ka na munang bumangon."

Nakita ko naman sina Kei at Rain na papalapit sa hinihigaan ko. Si Kian naman ay nakaupo dun sa couch. Kapansin-pansin na may kulang sa kanila--si Hiro. Ano pa nga bang nakapagtataka dun? Wala naman talaga syang pakialam eh.

"Nasan ba tayo? Ano bang nangyari?" tanong ko. Sumasakit pa rin kasi ang ulo ko eh.

"Nasa ospital tayo. Nakalimutan mo na ba ang nangyari?" sagot ni Shan. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mukha nya.

Natatandaan ko na. Hinimatay nga pala ako sa park. Bukod kasi sa napakainit ng suot ko ay nagkagulo pa ang mga tao.

"Oi Sam. Musta na?" tanong ni Rain.

"Okay na ko." sagot ko. Medyo nahihilo pa rin ako pero hindi naman ganun kalala.

Kinuha ni Shan ang bowl sa mesa na katabi ng hospital bed. Umuusok pa ang laman nito. Sumandok sya ng isang kutsara nito at hinipan.

"Say Aaaaahh." utos nya na nakabuka ang bibig at inilapit sa bibig ko ang kutsarang may lamang pagkain.

"Ako na Shan. Kaya ko naman eh." sabi ko at inilayo ang bibig ko. Sinubukan kong kunin sa kanya yung pagkain pero hindi nya binigay sa halip ay inilapit nya lang uli yung kutsara sa bibig ko at inulit yung sinabi nya kanina. "Say Aaaaahhhh."

Kung tutuusin, hindi nya naman kelangang gawin to kasi hindi naman ako baldado eh. Pero wala na rin naman akong nagawa kaya sinunod ko nalang sya. "Aaaahhh."

"Aish. Tigilan nyo nga yang kasweetan nyong dalawa. Sigurado ba kayong bestfriends lang kayo?" sabat ni Kei habang binabalatan yung orange.

Sinamaan namin sya ng tingin ni Shan.

"Whoa! Chillax. Nagbibiro kang ako." bawi nya. Inabot nya sakin ang orange. "O Sam, kainin mo to."

"Hep. Mamaya na yan Sam. Ubusin mo muna to." muli akong sinubuan ni Shan.

"Anak ng tokwa! Hoy Fernandez, pinapahiya mo ba ako?" nagcross arms si Kei at hinarap si Shan.

"Hindi kita pinapahiya Francisco. Ang sakin lang, kelangan nya muna ng carbs and protein." paliwanag ng Shan.

"Psh. Whatever." kinuha ni Kei ang napakalaking chocolate bar at inabot sa akin. "Chocolates. Maraming nuts yan. Rich in protein."

Hinarangan naman sya ni Shan. "Just keep it Kei. Ibigay mo nalang yan sa mga babae mo."

"Manyashimik nga kayowng dyalawa. Nakakashtresh kayow." saway ni Rain na kumakain ng apple. Ang hilig talaga nitong magsalita kahit may laman ang bibig. Lumunok muna sya bago nagsalitang muli. "At ikaw Sam, masyado mo naman atang sineryoso ang pagiging mascot? Hindi ka man lang nagbreak. Kawawa ka tuloy ngayon."

Ngumiti ako. Nakikita ko ang pag-aalala nila sakin. "Ginawa ko lang yung part ko. Gusto kong patunayan kay Hiro na hindi kayo magsisisi na ako ang kinuha nyong manager. Pero pasensya na kayo sa nangyari. Naabala pa tuloy kayo."

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon