30 - Marco de Leon

12.4K 411 16
                                    

"Hello Kite...Tapos ko na yung report mo...Oo...Pwede mo ng kunin ngayon...Oo...Hindi rin naman ako makakapunta dyan kaya kayo nalang ang pumunta dito...Sige...Hihintayin ko nalang kayo...Oo naman...Itext nyo nalang ako kapag nasa PAU na kayo ah...Geh see yah!"

Ibinaba ko na ang phone matapos kong makausap si Kite. Tinawagan ko sya para kunin na yung report na pinapagawa nya. Maya-maya lang darating na yung mga yun.

*****

3rd Person's POV

Sa kabilang dako, isang katok sa pintuan ang narinig sa opisina ng hindi gaano katandang lalaki.

"Come in." sabi nito kasunod ang pagpasok ng butler ng mansion.

"Mr. De Leon, may bisita po kayo." sabi nito.

"Sino?" tanong nya rito habang nakaupo sa swivel chair at inaayos ang mga papeles.

"Ang private investigator nyo po." sagot nito.

Agad niyang itinabi ang kanyang ginagawa nang malaman kung sino ang bisita. "Papasukin mo sya."

Pumasok sa opisina ang panauhin. Hindi nga sya nagkamali. Ito nga ang private investigator niya.

"Have a seat." alok nya rito. Naupo naman ito sa katapat na silya at ipinatong na mesa ang isang brown envelop.

"So, what's up? May balita na ba?" tanong nya rito.

"Meron na ho Sir. Karagdagang impormasyon sa ibinigay ko sa inyo nung nakaraang buwan. Tingnan nyo po to. Nariyan po ang mga nakalap kong impormasyon." sagot nito at inabot sa kanya ang envelop. Kinuha nya ito at binuksan.

"Kung ganun nakalabas na pala sya sa ospital." komento nya.

"Tama ho. Ngayon ay dun na sya sa kapatid nya nagpapagaling."

Napabuntong-hininga siya. "Nakakaawa na ang kalagayan nya. Ito na siguro ang panahon para puntahan sya. Alam mo ba ang address nya?"

*****

PATTY VALENCIA'S POV

"Huy!"

"Ay palaka!" napasigaw ako dahil sa pagkagulat. Ikaw ba naman sundutin sa tagiliran. May kiliti pa man din ako dun.

"Ang hard mama! Makapalaka ka naman wagas!" reklamo ni Kite with matching acting pa na nahurt daw yung feelings nya.

"Eh kasi naman nanggugulat ka eh! Suntukin kaya kita dyan?!" sabi ko at inambahan sya ng suntok.

"Wushoo! Ikaw na siga! Ikaw na! Nagrereklamo na nga si Sam dahil sa ginawa mo dun kay pogi eh."

"Pogi ka dyan! Ang landi mo! Tama lang yun sa kanya no! Ang manyak kasi!" sabi ko at muling sumilip sa bintana.

"Relax ka lang pwede? Ang puso mo oh." sabi ni Kite habang hinihimas ang likod ko. "Teka nga, ano ba yang sinisilip mo dyan?"

"May kotse sa labas ng bahay." sagot ko na nanatili pa ring nakatingin dun. Nacurious naman siguro si Kite kaya sumilip din sya.

"Bongga yung kotse! Mayaman girl! Sino ba yan? Bakit nasa tapat ng bahay natin?" tanong nya.

"Aba malay ko. Ngayon ko lang yan nakita eh."

Sobrang gara ng kotse. Halatang pangmayaman. First time may humintong ganyan sa tapat ng bahay namin kaya masyado kaming curious. Imposible namang nakikipark yung kotse kasi may nakalagay naman na NO PARKING sa may gate eh.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon