44 - Patty Pet

12.1K 327 35
                                    

Si Patty yung nasa media.

***

Nagsimula na ang 2nd semester sa PAU. Napakabilis talaga ng panahon. Parang kelan lang kakapasok ko palang dito sa PAU eh. Matagal ko na rin palang nakasama ang GALAXY. Nung una hindi ko akalaing magagawa kong makasama sila sa iisang dorm kahit na isang araw lang. Pero ngayon nakaabot na kami ng ilang buwan. At sa loob ng mga panahong yun, ang dami ng nangyari.

Palabas na sana ako ng classroom nang may babaeng humarang sa daraanan ko. Bago sa paningin ko ang mukha niya. Siguro new student.

"Dorm 143 ang dorm mo?"  tanong niya. Maganda siya. Matangkad at straight ang itim na buhok tapos may bangs. Mukha siyang manika. Tindig palang sosyalin na ang dating!

Pero napakunot-noo ako sa tanong niya. Bakit bigla-bigla ganun ang tanong niya? "Uh oo. Bakit?"

"Masaya bang makasama ang GALAXY sa dorm?"

Ano bang tanong yan? Pero syempre sumagot nalang ako."Uh. Oo. Minsan hindi."

"Oh well, basta nandun si Hiro I'm happy na." Tapos ay tinalikuran niya ako na may kasama pang pagflip ng buhok. "Anyway, I really like Hiro."

Parang biglang kumulo ang dugo ko. Nakadrugs ba siya? Eh ano naman kung gusto niya si Hiro?!!! Tinatanong ko ba?!!! Eh kung kalbuhin ko kaya siya?!!! Ang pangit naman niya!!! Oo pangit na siya para sa akin!!! Binabawi ko na ang sinabi kong maganda siya!!! Ang pangit niya!!! Sana matapilok siya sa pagkataas-taas niyang heels!!! Che!!!

Lumabas na ako. Nakakairita yung babaeng yun. Wala akong pakialam no!

Mag-isa akong naglalakad nang may makita akong pamilyar na mga mukha sa daan. Huminto ako para malaman kung sino ang mga iyon.

Ang ASTRA. Yung tatlong bruha. Si Joyce, si Rose, at si Cess. May kausap silang babae. At ang babaeng yun ay sobrang pamilyar sa akin.

Pinagmasdan ko ng maigi yung kausap nila. Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino yun!



"Patty?!"

Napatingin silang lahat sa akin. Si Patty nga! Agad ko siyang hinigit palayo sa tatlong yun.

"Sam?" sambit niya.

"Anong ginagawa mo rito? At bakit mo kausap ang mga bruhang yan?" Pabulong kong tanong.

"Huh? Sina Joycelii? ChariRose? At Princess?" kunot-noo niyang tanong.

"Hey brat! Wag kang bastos!" sabi ni Joyce at saka hinigit pabalik si Patty.

"Epal talaga tong probinsyanang to!" Nakacrossed arms na sabi naman ni Rose.

"I know right. A bitch!" Cess.

"Teka teka lang. Kilala niyo si Sam?" Naguguluhang tanong ni Patty sa kanila.

"Yeah. And we loathe her!" sagot ni Joyce. Aba! Akala naman nila gustong-gusto ko sila.

"Waits. Bakit ba tayo nakikipag-usap sa babaeng yan? Tara na nga!" Aya ni Cess.

"Pinsan ko siya." sagot ni Patty na ikinagulat nila.

"What?!" Sabay-sabay nilang tanong.

"Sabi ko pinsan ko si Sam."

"Pinsan as in C-O-U-S-I-N?!" Si Joycelii na may balak ata sumali sa spelling bee.

"Ay hindi. Pinsan as in L-O-L-A! Syempre cousin mga loka!" pilosopong sagot ni Patty.

"Oh my God! This is unbelievable!" Kung meron mang level ang pagkagulat, siguro nasa level 99.98 ang ekspresyon ng mga mukha nila.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon