52 - Behind the Scenes

12.1K 404 41
                                    

Mira's Note:

Welcome 2015! Happy New Year OSAFHers! Pagbati mula sa OSAFH Family! Batiin nyo din daw sila. Haha ҉٩(*'︶'*)۶҉

Anyway, pasok sa Top 50 ng rankings ang OSAFH! Yieeeeh! Ang saya-saya! ヾ(¯∇ ̄๑) Kaya sana hindi mawala ang suporta nyo. Magandang panimula ito sa taong 2015. Votes and Feedbacks are ( ˘ ³˘)♥ Thank youuu!


****

"Sam sandali lang. Makinig ka muna sa amin."

Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Kei habang hinahabol ako pero hindi ko siya pinakinggan. Patuloy lang ako sa paglakad ng mabilis. Naiinis ako---Ah hindi---Nagagalit ako! Alam nila ang totoong nangyari pero mas pinili nilang magsinungaling sa akin at pinagmukha akong katawa-tawa.

"Sam saglit lang. Magpapaliwanag kami." Hinawakan niya ang braso ko kaya nahinto ako sa pagtakbo. Pagalit ko naman itong inalis. "Bitawan mo ko Kei!" Tapos ay nagtuluy-tuloy na ako sa pagpasok sa dorm.

"Huminahon ka lang muna, okay?" sabi naman ni Rain na kasama ni Kei sa paghabol sa akin. Nakasunod din si Kian.

"Huminahon? Sa tingin nyo magagawa kong huminahon matapos ang nangyari?" sigaw ko sa kanila. Para talagang sasabog ang dibdib ko sa galit.

"Magpapaliwanag kami..." pag-ulit niya na parang nagmamakaawa na.

"Sige. Ipaliwanag nyo kung paano ako nagmukhang katawa-tawa habang pinapanood nyo ang mga nangyayari! Nag-enjoy ba kayo?!"

"Sam, mali ka ng iniisip."

"Mali? Ako pa ngayon ang mali Kei? Hindi ko inaasahan to. At ikaw Kian," sabay baling ko kay Kian na nakasunod lang din. "Akala ko mapagkakatiwalaan ka! Akala ko sa lahat ng taong kilala ko ikaw yung hindi magsisinungaling! Pero ikaw pa tong tumawag sa akin para sabihing pumunta ako sa lugar na yun! Nagmukha akong katawa-tawa dun alam nyo ba yun?! Pinaglaruan nyo pa ako sa harap ng marami! Napahiya pa ako! Lalo na kay Hiro! Engage na siya! At alam nyo yun! Pero bakit kayo pa ang nagtulak sa akin na umamin ng nararamdaman ko?! Bakit sa halip na tulungan nyo akong mapagaan ang nararamdaman ko ay kayo pa ang nagpalala sa sitwasyon?! Hindi ko balak manira ng relasyon pero dahil sa inyo ako pa ang nagmukhang masama!"

"Sam..." Humugot siya ng hangin at mas lalong nagmukhang guilty. "Hindi totoo ang engagement."

Natahimik ako sa sinabi niya. Kumunot nalang ang noo ko dahil bigla akong naspeechless. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Litong-lito na ako.

"Sorry na Sam." si Rain.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa mga utak nyo. Pero kahit na gulong-gulo na ako hindi na ako magtatanong pa. Dahil ayoko nang makarinig pa ng anumang kasinungalingan! O ng anumang panloloko!"

Ayoko na. Hindi ko na kaya to. Kaya imbes na ibuhos ko lahat ng poot ko ay nagpasya nalang akong dumiretso sa kwarto.

"Teka lang Sam---"

"Pwede bang hayaan nyo nalang siya? Hindi nyo ba alam kung gano kasama ang ginawa nyo?! Ngayon ipaliwanag nyo sakin ang lahat ng nangyari!" Narinig kong sabi ni Shan na nakapagitna na sa akin at sa tatlo. Tahimik lang siya kanina at nagmamasid kaya hindi ko siya gaanong napansin. Masasabi kong galit siya dahil sa expression ng mukha niya. Bigla akong naalarma kaya hindi ko natuloy ang pagpasok ko sa kwarto.

"Shan kasi..." Napasabunot ng buhok si Kei na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin niya.

"Kasi ano?! Planado nyo ang lahat diba? Pinaglaruan nyo kami! Pinaglaruan nyo si Sam! Anong klaseng mga kaibigan kayo ha?!" Bigla nalang hinawakan ni Shan ang kwelyo ni Kei na sobra kong ikinabigla. Agad akong pumagitna sa kanila para awatin si Shan. Galit nga talaga siya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon