04 - The GALAXY and I

17.8K 556 62
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pagdedeposito at ng pagkanta nang bigla kong mapansin ang paggalaw ng doorknob.

"Wari natipon ang kayamanan 

ng maykapal..."

Nakatitig ako sa doorknob. Bakit gumagalaw? Dahil ba sa hindi ko ito nai-lock? Ganun ba yun? Kusang gagalaw? O baka naman...

Parang bumalik sa imbakan ko yung mga diniposito ko nang biglang bumukas ang pinto! At...

"WAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"

Nagliparan ang mga ibon na nakadapo sa field ng PAU dahil halos gumuho ang buong PAU HEIGHTS dahil sa lakas ng sigaw na nagmula sa dorm 143.

Nanlalaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok. Si Hiro! Si Hiro ang nasa pintuan! Anong ginagawa nya dito?!

Nanatili akong nakaupo sa inidoro habang sya naman ay naestatwa sa kinatatayuan nya at nanlalaki ang mga mata. Parang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Walang kumukurap. Walang gumagalaw. Walang nagsasalita.

At dahil nataranta ako, wala na akong choice kundi ang gawin ang nararapat. May maniac dito! At hindi ko hahayaang tanggalan ako ng dangal ng kahit na sino lalong-lalo na itong mukhang bungong to na nasa harapan ko.

Ano mang madampot ko ay siguradong lilipad! Walang pagdadalawang-isip. Walang pag-aalinlangan. At ang masuwerteng bagay na makakaranas lumipad ay...

ANG PAMBOMBA SA INIDORO!!

"Hiyaaahh!!!"

Agad ko itong pinalipad at...

Shoot! Shoot sa mukha ni Hiro!!!

"Damn you!" napasigaw sya nang tumama ito sa mukha nya kaya halos matumba na sya dahil sa lakas ng impact nito. Naiimagine ko tuloy na baradong inidoro ang mukha nya. Kadiri!

SHAN'S P.O.V.

Nagulantang kaming lahat sa lakas ng sigaw. Kaya agad kaming lumabas sa kanya-kanya naming kwarto para pumunta sa... crime scene? Curious ako pati na rin sina Kei, Kian, at Rain sa kung saan galing ang malakas na sigaw.

Sinundan namin ang sigaw. Nakasuot pa kami ng pajama maliban kay Kei na nakasando at boxer shorts lang. Hanggang sa mapunta kami sa may CR at dun namin nadatnan si Hiro na hawak-hawak ang kanyang mukhang namumula.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Bro, anyare sa mukha mo?" si Rain.

"May magnanakaw ba?" si Kei.

"Nahuli mo ba? Nakatakas ba?" tanong naman ni Kian.

Pero hindi nya kami sinagot. Hindi na maipinta ang mukha nya. Nagbabaga na naman ang mga mata nya. Nababalot na naman sya ng madilim na aura.

Nagmamadali syang pumunta sa kitchen. At dahil gusto naming malaman ang nangyayari, sinundan namin sya.

"Bro, ano ba talagang nangyayari?" pangungulit ni Rain.

"WILL YOU JUST PLEASE SHUT UP?!" sigaw nya.

Wala ng umimik. Pinagmasdan lang namin ang ginagawa nya. Nasa lababo sya at hawak-hawak ang isang bote ng... teka, alcohol ba yun? Oo. Alcohol nga. Sinabon nya muna ang mukha nya ng mga sampung beses. Paulit-ulit na halos mabura na yung mukha nya sa tindi ng pagkuskos. At pagkatapos ay binuhos nya sa mukha nya ang alcohol. Walang tinira kahit na isang patak.

"Hiro, it's dangerous!" paalala ni Kian.

"SHUT UP!" sigaw nya ulet at muling sinabon ang mukha nya.

Matapos ang kanyang seremonyas sa kanyang mukha, pagalit nyang hinagis ang bote ng alcohol at saka kami hinarap. Galit na galit talaga ang itsura nya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon