46 - Embroidery Mystery

11.4K 427 75
                                    

SAMANTHA ORTEGA'S POV

"Hoy Kei!" sigaw ko habang hinahabol si Kei. Huminto naman siya at nilingon ako. Kasama niya sina Rain at Kian.

"Hey Sam!" Bati niya. Pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey ka dyan! Binabalaan kita ah! Wag na wag mong aanuhin si Patty!"

"Anong wag aanuhin?" kunot-noo niyang tanong.

"Wag ka na ngang magmaang-maangan. Yung ginawa mo kanina sa cr, hindi maganda yun! Wag na wag mong kukunin ang V-Shaped toot toot niya kasi hindi sayo yun! Nakareserve na yun sa future husband niya!" tugon ko. Buti nalang pinaliwanag sakin ni Patty na hindi naman daw siya nafvck ni Kei. Kaya ngayon ay binabalaan ko na siya.

Tumawa siya tapos inakbayan ako. "Wag kang mag-alala, Sam. Mabait naman ako eh."

Inalis ko yung pagkakaakbay niya at saka sumabay nalang sa kanila sa paglalakad papunta sa classroom. Pero bigla akong napahinto nang makita ko sa isang bench sina Chinnie at Hiro. Magkasama sila? Close na ba talaga sila? Eh samantalang kahapon lang namin siya nakilala ah.

"Selos ka?"

Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang biglang magsalita si Kei. Nakatingin din siya sa kinaroroonan ng dalawa. "A-Anong sabi mo?"

"Ano sa tingin mo ang meron sa kanilang dalawa? Wala ka bang napapansin?"

"Wala no! At ano naman ang mapapansin ko? At saka wala akong pakialam sa kanila no! Magsama pa sila! Tara na nga!" tuloy-tuloy kong sabi at naunang maglakad. Nakakairita yung tanong ni Kei. Wala naman akong pakialam eh kaya hindi niya dapat ako tinatanong ng ganun.

Sumunod naman siyang maglakad sa akin. "Siguro ito na ang tamamg panahon para sa Tip No. 5."

Oo nga pala. Nakalimutan ko na yung mission ko. Nakakainis kasi yung nangyari last time eh. Nag-effort ako para dun sa cupcakes tapos gaganunin lang ni Hiro? Nakakawalang gana na. "Ano naman yang tips mo? Hindi naman effective eh."

"Last tip na to. Kaya sana pag-igihan mo."

Napatingin ako sa kanya. "Last tip? Pano kung pumalpak na naman ako? Pano kung hindi na naman umayon ang lahat sa gusto kong mangyari?"

Ngumiti siya. "Sayo nakasalalay ang success ng tip na to. Ikaw mismo. Nasayo lang ang desisyon."

"Huh? Ang gulo. Anong tip ba yan?" Hindi ko kasi siya maintindihan eh. Sa mga nakaraang tips diba ako rin naman ang nagdesisyon? Pero pumapalpak ako dahil hindi kami nagkakasundo ni Hiro.

"Tip No. 5 - Realization of the Heart." sagot niya. Hinintay kong magpaliwanag siya pero hindi na siya nagsalita.

"Hindi kita maintindihan, Kei. Pano ko gagawin yung tip na yan?"

Ngumiti lang ulit siya. "Gaya ng sabi ko nasayo ang desisyon. Anyway, bilisan na natin. Malelate na tayo."

*****

"Friday will be our exam in music class. So be ready with your pieces."

Matapos sabihin yun ng professor namin ay naglabasan na ang mga estudyante. Lunch break na din kasi.

"Sam. Samahan mo muna ako sa practice room. May kukunin lang ako. Tapos sabay na din tayong maglunch." Sabi sa akin ni Shan. Since wala naman akong gagawin, sinamahan ko nalang siya. Isa pa wala din naman akong ibang kasabay kumain kasi sinabayan nila si Chinnie kumain. Eh ayoko namang sumama sa kanila dahil baka mawalan lang ako ng gana.

Pumunta kami sa practice room. May kinuha lang siya tapos ay umalis na din kami agad.

"Tara na. Gutom ka na ba?" tanong niya habang naglalakad kami.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon