25 - Can't Remember

13.6K 483 24
                                    

Maaga akong nagising dahil hindi naman na ako nakatulog kagabi dahil sa natuklasan ko. Lumabas ako sa kwarto. Unang pumasok sa isip ko si Hiro. Nakita ko sa dining room ang apat na kumakain ng breakfast.

"Si Hiro?" tanong ko. Lahat naman sila nakatingin sakin na para bang may nasabi akong masama. "O bakit ganyan kayo makatingin?

"Naks. Yan na ba ang uso ngayon? Wala man lang good morning?" nakangising sabi ni Kei na parang may nais ipakahulugan.

"Ewan ko sayo Kei. Nasan nga sya?"

"Nasa field. Nagjo-jogging." sagot ni Shan. "Ba't mo sya hinahanap?"

"Ah gusto ko lang syang kausapin."

Tatanungin pa sana nila ako kaya lang tumakbo na agad ako palabas ng dorm at dumiretso sa field. Pagdating ko dun nakita ko naman agad si Hiro dahil konti lang ang tao.

"Hiro!" tawag ko sa kanya saka ako lumapit. Napahinto naman sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pagtingin ko sa sarili ko nakapantulog pa pala ako tapos nakapajama pa.

"Mag-usap tayo." sabi ko.

Nagsimula na ulet syang tumakbo at hindi ako pinansin. Tumakbo rin ako para masabayan sya.

"Pwede bang wag mong sirain ang araw ko?" naiirita na naman sya.

"Gusto lang kitang makausap--"

"Just keep it. Umalis ka na nga." Bumilis ang takbo nya. Hinabol ko sya kaya lang biglang nagsidatingan ang isang batalyon ng mga babae.

"Good morning Hiro."

"Hello Hiro."

"Can we join you?"

"Umagang-umagang pinagpapawisan kami. Ang hot mo kasi eh."

Wala na. Hindi na ako makasingit dahil nagsisiksikan na sila sa tabi ni Hiro. Si Hiro naman hindi naman sila pinapansin. Hmp. Mamaya na nga lang.

*****

Maaga akong dumating sa classroom. Habang tumatagal parami nang parami ang tao. Ang GALAXY nalang ang wala. Malapit na ding magsimula ang klase namin. Asan na kaya sila?

Patingin-tingin ako sa pintuan. Inaabangan ko si Hiro. Kelangan ko talaga syang makausap eh. Baka maging okay na kami kapag nakausap ko na sya tungkol dito. Kagabi ko lang napagtanto ang lahat. Magkakilala pala kami ni Hiro nung bata pa kami. At ako pala talaga yung Sam na tinutukoy nila. Kaya pala ganun nya ako tratuhin. Kaya pala ayaw na ayaw nya sakin. Ngayon naiintindihan ko na. Hindi ko talaga inaasahan to. Hindi ko akalain na bata pala ang sinasabi nilang Sam. Ang akala ko teenage love na. Puppy love lang pala.

'Si Hiro ay nabigo sa first love nya.'

'Cliche man pakinggan pero siguro nga hindi pa sya nakakamove on. Nung araw daw kasi na magtatapat na dapat sya, bigla nalang daw hindi sumipot yung babae. Birthday pa naman nya.'

Naalala ko ang sinabi ni Rain dati. Teka...

FIRST LOVE?!

MAGTATAPAT?!

Muntik pa akong mahulog sa upuan nang magregister sa utak ko ang sinabi nyang yun. Kung ganun gusto ako ni Hiro noon? Eh ngayon kaya? Psh. Malamang hindi na. Kinamumuhian na nga nya ako eh. Matagal na kaya nyang alam na ako talaga si Sam? Kung oo, yun pala ang dahilan kung bakit kinamumuhian nya na ako nung una palang. Pero bakit hindi nya sinabi sakin? Bakit hindi nya sinabi sa buong GALAXY? At bakit hindi ko sya matandaan? Ang gulo. Nalilito ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng GALAXY pag nalaman nila?

Laking tuwa ko nang dumating ang GALAXY. Kaya lang agad din namang nawala yun nang hindi ko makitang kasama nila si Hiro.

"O ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Shan pagkaupo nya sa tabi ko. Umiling lang ako at ngumiti. Nasan na ba kasi yung si Hiro?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon