48 - The Invitation

9.5K 344 38
                                    

"WAAAAAAH! REEEEEEEEEEEYYP! Wag mo kong i-fvck please." sigaw ko. Agad akong tumakbo palabas ng practice room dahil sa takot na baka gahasain ako ni Hiro. Bata pa ako no. At marami pa akong pangarap sa buhay.

"Shan?" Nagulat ako nang makita ko si Shan paglabas ko. Naglalakad siya papalayo. Nilingon naman niya ako nang marinig ang pagtawag ko.

Ngumiti siya at huminto sa paglalakad. Nakalagay pa ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Sam."

"San ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh." tanong ko. Napatingin ako bigla doon sa hawak niyang mahabang box na kulay itim. "Ano yan?"

"Ah ito ba?" Inangat niya ito. "Mini-piano. Binili ko para sayo. Para kahit nasa dorm ay makapagpractice ka. Kanina pa nga kita hinahanap eh. Sabi nila lumabas ka daw. Kaya hinanap kita." sagot niya. Tama lang ang laki nito. Para ngang laruan eh. Aabutin ko na sana sa kanya yun pero hindi niya binigay. "Ako na. Medyo mabigat eh."

"Salamat ah. Nandun lang ako sa practice room eh."

Tumango-tango lang siya. Hindi ko alam kung bakit naging ganyan bigla ang reaksyon niya. Parang ang lungkot niya. "Umm, may nangyari ba Shan?"

Umiling siya at ngumiti. Pero parang pilit lang din. "Uh wala to."

"Sigurado ka?"

"Oo. Ayos lang ako." Kahit na may nararamdaman akong kakaiba hindi ko na siya pinilit pa. May pinagdadaanan kaya siya?

"Nga pala Shan. May sasabihin ako sayo." sabi ko habang naglalakad kami.

"Tungkol saan? Tungkol kay Hiro? Narealize mo na ba na gusto mo pala siya?"

Napataas ang kilay ko dahil sa sunud-sunod niyang tanong. Sinasaniban ba si Shan? Bakit biglang ganyan ang mga lumalabas sa bibig niya?

At para mapalayas ang masamang espiritu sa katawan niya, kinuha ko sa kanya yung piano at hinampas sa ulo niya. Sa tindi ng impact ay napasubsob siya sa sahig. Mukha naman tong matibay dahil medyo mabigat. Kaya hindi naman siguro masisira.

"Awwch." Napahawak siya sa ulo niya at pinilit bumangon. Tinulungan ko naman siya.

"Okay ka na ba? Nawala na ba yung sumapi sayo?"

"Tss. Ano bang problema mo? Bigla-bigla ka nalang nananakit." sabi niya habang hinahaplos pa din ang ulo niya. Masakit nga ata.

"Sorry na. Ikaw naman kasi eh. Bigla-bigla nalang din ganun ang tanong mo. Hindi naman yun ang sasabihin ko eh."

"Eh ano?"

Lumiwanag ang buhay ko nang makitang nagkaroon siya ng interes sa sasabihin ko. Sinasabi ko na nga bang siya lang talaga ang kakampi ko eh. "Tungkol kay Chinnie." Tapos ay kinuwento ko sa kanya ang natuklasan ko kanina.

"Sigurado ka ba?" Hindi makapaniwala niyang tanong matapos marinig ang balita ko.

"Oo naman. Si Chinnie talaga yun. Nagkaharap pa nga kami eh."

Bigla siyang napaisip. "Ano naman kaya ang binabalak niya?" Actually yan din ang gusto kong malaman eh. "Don't worry. Malalaman din natin ang lahat."



*****

Sumapit ang araw ng Friday. Masaya akong lumabas sa music studio dahil nakapasa ako sa exam namin. Nakakatuwa dahil nagawa kong tugtugin iyon. Salamat kay Shan dahil binilhan pa niya ako ng piano. Pati na rin kay Hiro dahil tinuruan niya din naman ako. Kapag talaga naaalala ko yung nangyari noon habang nagpipiano kami bumibilis ang tibok ng puso ko. Napapangiti tuloy ako. Bakit ganun?

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang makakasalubong ko sa hallway. Biglang nawala ang ngiti ko. Sina Hiro at Chinnie, magkasama na naman sila. At base sa nakikita ko, mukhang may pinag-uusapan pa sila habang naglalakad.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon