53 - Unanswerable Questions?

11.3K 446 51
                                    

Isang malungkot na mukha ang nakikita ko sa reflection ng tubig. Naghagis ako ng bato. Lumabo ang image kasabay ng pag-alon ng tubig. Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang reflection ko. Nandito ako sa gilid ng lake sa may entrance ng PAU. Mag-isa. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nalaman kong plano ng tatlong yun. Hindi ko akalaing gagawin nila yun. Sa kabilang dako ay natutuwa din naman ako kasi nagpakita lang naman sila ng concern. Ang mas ikinagugulo nalang ng utak ko ngayon ay si Hiro.

Hindi ko siya maintindihan. Ngayon tuloy hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin lalo pa't nasa iisang lugar lang kami. Ang mas matindi pa ay nasa iisang dorm kami. Bukod sa kahihiyan, sobrang bigat pa ng pakiramdam ko. Masakit pala ang mareject. Lalo na kung harap-harapan talaga at wala siyang pakialam kung masaktan ka man sa mga binibitawan niyang salita.

Napakarami nang nangyari. Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano haharapin ang lahat ng mga nangyayari.

"Sam!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Shan.

Lumapit naman sya sakin. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nyang tanong. Nahihiya din ako kay Shan. Matapos kong marinig ang nararamdaman niya pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Tumango ako. "O-Oo naman. Ayos lang ako."

"Wag mo nang masyadong isipin yung sinabi ni Hiro. Kung ayaw niya sayo, wag mo nang ipilit. Hayaan mo siyang marealize ang kahalagahan mo kapag nawala ka sa kanya." sabi niya. Napayuko nalang ako. Kahit naman kasi sabihin kong okay lang ako ay alam ko pa rin sa sarili ko na hindi talaga ako okay.

Huminga sya ng malalim. Nang umangat ang tingin ko ay nakangiti na siya. "Tara..." At bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"H-Huh? T-Teka..."

Pero bago ko pa bawiin ang braso ko ay nagsimula na siyang maglakad habang hawak ang braso ko. "T-Teka Shan. San ba tayo pupunta?"

Sandali syang huminto at hinarap ako. "Sa isang lugar na magiging masaya ka."

Nagsalubong ang kilay ko. Isang lugar na magiging masaya ako? Ano bang sinasabi nya?

"Masyado ka nang nai-stress. Kaya kelangan mo na ng break." dagdag pa niya. Tapos ay muli nya akong hinigit. Sumunod nalang ako kahit na hindi ko sya maintindihan.

Huminto kami sa tapat ng isang motorbike sa parking lot.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko habang sinusuot nya sa ulo ko ang isang helmet.

"Basta...oh okay na yan. Sakay na." Nauna syang sumakay. Kahit nagtataka ay sumunod nalang ako.

"Kumapit ka ng mabuti ah." utos niya. Tumango ako at kumapit sa kanya. Pinulupot ko ang kamay ko sa tyan nya para masigurong hindi ako mahuhulog. Pero siguro naman hindi ako mahuhulog kasi mukhang matibay naman tong katawan ni Shan. Ang tigas ng tiyan eh. Tapos nararamdaman ko ang mga matigas na nakaumbok habang nakakapit ako sa kanya. Abs. Pero hindi ko na gaanong pinansin yun dahil umaandar na kami ng mabilis.

*****

THIRD PERSON'S POV

Isang doorbell ang pumukaw sa atensyon ng isang bahay. Agad na nagtungo si Kite sa pintuan upang buksan ito. 'Ah baka sina Sam na yan. Sabi kasi ni Papa Shan pupunta daw sila dito eh. Baka sila na nga itey.' , excited na sabi niya sa isip.

Napangiti sya sa isiping iyon. Namimiss na niya ang pinsan lalo pa't pati si Patty ay nasa PAU na rin. At ngayon ay inaasahan nyang pupunta si Sam ngayon kasama ang bestfriend na si Shan.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon